CHAPTER.66

277 4 0
                                        

(A/N: remainder ko lang po ah , hindi ko pa po na eedit yung bawat chapter . So may mga typos po ako dyan , sana nasusundan nyo pa rin po at nagugustuhan)

Pasado alas nuebe na nang matapos ang practice nila Luke sa basketball,
Nagpaalam sakin si Luke na mag qu'Quick shower lang muna dahil pawisan sya sa kakapractice,

Biglang naramdaman kong nag Vibrate yung cellphone sa bag ko.
Biglang nanlake ang mga mata ko
Pagtingin ko sa cellphone ay may 18 miscalled at 6 message , galing sa boss kong si Nite.

"Naku lagot, patay ako😰"
Pagkausap ko sa sarili ko ,

Magrereply na sana ako nang biglang may umakbay saakin.
"Baby naiwan ko yung towel"
Sabi nito

"Aahm, Luke mauna na pala ko."
Sabi ko sabay abot sakanya ng towel at bag nya

"Bakit?. Antayin mo na ako mabilis lang naman ako eh, ihahatid kita"
-Luke

"Naku hindi na, next time na lang siguro"
Sagot ko, maya maya ay nagvibrate na naman ang cellphone ko.

Nakita kong napatingin rin si Luke sa cellphone na hawak ko

"May problema ba?"
May pag aalala sa kanyang mga mata

"H-Hindi, wala sige na mauna na ko huh, ang galing mo kanina"
Sabi ko

Sabay lumakad na palayo sakanya.
Muli ko pa syang nilingon.
Nakita ko pa syang nakatayo at nakatingin pa rin saakin
Ngumiti na lang ako sakanya at nag wave.

***

May tatlong minuto na akong nakatayo sa labas ng pinto ng condo unit ni Sir Nite,
Iniisip ko pa rin kung anong idadahilan ko kung bakit anong oras na ko nakauwe
Pipihitin ko pa lang sana ang saradura ng pinto nang kusa na itong bumukas.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang iluwa ng pinto si Sir Nite,
"Papasok ka ba o hindi?"
Deretchong sabi nito saakin nang nakasalubong ang mga kilay

"S-Sorry po"
Sabi ko na lang at pumasok na sa loob
Bahagya pa akong nagulat nang pabagsak nyang isarado ang pinto ng condo,

"Where have you been, ill been calling you for how many times!"
Inis ang tono nya

"M-May inasikaso lang po ako sa school organization"
Pagpapalusot ko

"School organization?. Really huh?!"
Sagot naman nito,

Hindi na lang ako sumagot kasi mukhang alam nyang nagsisinungaling lang ako
Nasa sala na kami ng maupo ako sa sofa,
Bukas ko na nga lang gagawin yung mga assignment ko ,

"Ano?.hindi ka pa tatayo dyan?--"
Sabi na naman nito
"--Prepare mo na yung pagkain sa kitchen kumain na tayo"
Sabi nito sabay pasok sa CR

H-Hindi pa sya kumakain ?
Alas dyes na,
Bakit hindi pa sya kumain?.
Hinintay nya ba ko?.
TEKA, ano assumera lang TJ?.
Bakit ka naman nya hihintayin.
Parang tatay kung makasermon,
Mas malala pa sya kesa kay Papa

Nagpunta ako sa kitchen at tinignan ang paper bag na nasa ibabaw ng lamesa,
Wow ito yung kinain namin sa office ah.
Yung masarap na steaks galing sa restaurant ng friend nya daw.

Mabilis ko itong ininit mas masarap kasi ito kung mainit,
Nag maisalang ko na ang steaks ay naghain na ako ng kanin.
Kumukuha ako ng malamig na tubig sa Ref ng pumasok sa kitchen si Sir Nite
Poker face lang syang nakatingin saakin.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sakanya.
Tutal sabi naman nya Friends na kami.isa pa wala namang ibang tao dito kaming dalawa lang

"Kain na tayo--"
Sabi ko habang inilalapag ang pitchel ng tubig sa lamesa.
Sinandukan ko sya ng kanin sa plato nya at nilagyan ng ulam,
"--sorry kung late na kong nakauwe. Sige na maupo ka na Nite, masarap to pag mainit"
Sabi kong nakangiti pa rin sakanya
Pero sya nakatingin lang sakin

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now