Sa huli pumayag na rin akong magpahatid sakanya dahil mapilit naman sya at tama rin naman na mabilis akong makakahingi nang saklolo kung sakaling may gagawing syang kalokohan.Nang makarating kami sa lugar namin ay napatunayan kong madumi lang talaga ang pag iisip ko para isipin na baka may gawin syang kalokohan.
Siguro nga ay mabait sya.
Mabuting tao na naghahanap lang nang bagong kaibigan sa kanyang bagong paaralan."Luke salamat ah"
Sabi ko dito at binalik sakanya ang helmet na pinasuot nya sakin."San ka dito nakatira?"
"Don oh."
Turo ko sakanya sa pinto nang bahay."Aaaah, sige na baka lumabas pa mama mo pagalitan ka--"
Natawa naman ako sa sinabi nito.
"--alis na ko"
Dugtong nito saka umalis naTinignan ko muna syang maka alis bago ako pumasok
Nung hindi ko na sya makita Ay saka na ako pumasok.Nakakapanibago man ay masaya rin dahil meron na akong bagong kakilala.
Kahit papano may kumakausap saakin.Gaya nang dati nag aasikaso ako nang gagamitin ko kinabukasan bago matulog.
Ngayong gabi ay hindi ko nagawang mag review nang mga lessons ko,
Siguro kasi tinatamad na akong pumasok kaya tinatamad na rin akong mag aral.Kinabukasan ay naging busy kami sa company.
Punong puno nang meeting ang schedule ni Maam Anastasia,
May ilang meeting rin syang kami na lang ni Ms.Airish ang pinapunta nya.Biglaan man ay naging maayos naman ang lahat sa opisina,
Kahit pagod si Maam Anastasia ay nakikita kong ngumingiti parin ito samin.Nang matapos ang lahat sa opisina ay agad akong nagpaalam kay Ms.Airish, na papasok na sa school,
dahil muli na namang umattend nang metting si Maam Anastasia.Naglalakad na ako sa hallway nang school nang biglang.
"BOOH!!"
May gumulat sakin, dahilan para mabitawan ko ang dalawang librong dala ko"Luke!! Ano ba!"
Sabi ko at mahina ko pa syang nahampas."Hahaha, bawas bawasan mo pagkakape mo"
Sabi naman nya saka ako tinulungan damputin ang libro."Hindi ako mahilig sa kape no, Wala kang klase?"
"Hmm, wala--"
Inabot nya sakin ang isa kong libro
"--i mean, meron. Pero hindi ako pumasok""Bakit hindi ka pumapasok?"
"Nakakatamad kaya--"
Sabi nito saka ako sinabayan maglakad
"--tara tambay tayo""Anung tambay ka dyan, may klase ako noh. Ikaw rin may klase ka pumasok ka"
"Ayoko, sabay tayo maglunch ah. Sa bench"
"Bahala ka nga dyan, kung ayaw mong pumasok. Sige na mauna na ko"
Sabi ko at dumiretcho na sa classroom ko.Habang nasa klase ay parang gusto kong kalikutin ang digital clock at iset sa oras nang uwian,
Wala akong maintindihan puro BLA BLA BLA BLA BLA ang bawat naririnig ko mula sa labi nang teacher, habang nagtuturo.Ilang oras pa ang hinintay ko at biglang.
*KRiiiiiiiiiiiiNG* (sound effect po ng bell😂)
Nag bell na at ito na ang first half nang hinihintay ko , ang vacant time.Habang naglalakad ako papuntang hagdan ay nakita ko ang ilang classmate ko at ibang kapwa ko student na may sinisilip at mga kinikilig sa isang sulok.
"Grabe, ang gwapo talaga nya"
"Sino naman kaya ang hinihintay nya dito, hindi naman ito ang building nya"
"Naku!! Baka ang girlfriend nya"
"Imposible noh, bago lang sya dito kaya wala pa syang girlfriend for sure"
"Tama, dahil mapapasakin sya"
"No way!!. Sakin sya"
Yan ang mga naririnig kong bulong bulungan ng mga kapwa ko estudyante,
Pero parang hindi nga bulong dahil halos rinig nang lahat.Sino naman kaya ang tinitignan nang mga babaeng to.
Palagi na lang silang ganyan.
Palibhasa ay iilan lang ang lalake sa education building.
Karamihan ay babae kaya para silang nauubusan palagi lang lalake.Pero ano namang pakealam ko sakanila.
Bahala sila dyan.
Kung gusto nilang ubusin ang lahat ng free time nila sa kakatitig sa kung sinong lalake na yon.Mabuti nga at busy sila.
May iba silang pinag uumpukan,
Hindi yung puro ako na lang nang ako yung nakikita nilang lahat.Dahan dahan akong naglakad sa gilid nang mga kaklase ko,
Gusto ko nang bumaba habang busy pa sila at makaiwas naman ako sa topic nang mga to."Tj!!"
Awtomatiko naman akong napahinto nang may biglang isang lalake ang tumawag saakin.
Agad ko namang hinanap ang pinagmulan nang tumawag sakin."Tj , dito!!"
Ulit nito at lumapit sakin.
"Ang tagal mo naman, kanina pa kaya ako dito"
Sabi nito nang makalapit at kinukuha ang dala kong libro.Hindi ko binigay sakanya ang libro na pilit nyang kinukuha,
Itinakip ko ito sa mukha ko dahil ang daming nakatingin samin,
At halos patayin na naman nila ko
"Luke, anong ginagawa mo dito"
Pabulong kong sabi habang takip takip ang mukha ko,"Inaantay ka"
Sabi nya rin nang pabulong.
Parang tanga lang kasi ginagaya nya ko"Ano ka ba, bat pumunta ka pa dito"
Saway ko naman sakanya."Bawal ba ko dito?."
"Oo. Bawal, tara na nga!"
Habang pababa na kami ay nakita kong ang sasama nang tingin sakin nang kapwa ko estudyante,
Para bang pinupukol na nila ako sa kanilang mga titig."Luke, next time hwag mo na akong hihintayin sa building namin ah--"
Napatingin naman sya sakin na may pagtatanong sa kanyang mga mata.
"--k-kasi, yung mga education student baka kung anong isipin nila"Napangisi naman ito sa sinabi ko.
"Anong pakelam natin sakanila?. Hindi naman natin sila friends diba?""Alam mo tingin nang ibang studyante sakin, nilalande kita. Ayoko na kasing dagdagan pa yung mga bad comments nila sakin"
"Hindi mo naman ako nilalande, alam mo hindi mo dapat isipin yung sasabihin nila as long na wala ka naman talagang ginagawang kasalanan"
Sabi naman nya.
Napaisip rin ako sa sinabi nya.
Kung sabagay ay may punto rin naman ang mga sinasabi nya sakin.Tama sya,
Palagi ko na lang iniisip ang mga sasabihin at iisipin nila tungkol sakin.
Parang palagi akong natatakot na magkamali,
Tao lang rin naman ako at pwede rin akong magkamali kagaya nila.---
ALOHA ALOHA 🌊⛅
Tsuuuuper init guys -__-
Summer na talagaNagkanda Letche Letche na yung Chapter.27 at Chapter.28 ko,
Ang hina hina hina po kasi nang net ii 😭CayeLoves💜💕
---

YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romance"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?