CHAPTER.39

295 10 1
                                        

Habang busy ako sa ginagawa ko biglang lumapit sakin si Princess.

"Hoy girl, san kayo nagpunta ni Sir pogi?"
Tanong nya.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
Hay naku talaga tong babaeng to.
Lagi na lang.

"Sa kameeting nya"

"Eh bakit ang tagal nyo?"
-Princess

"Sympre ang layo kaya"

"Ang swerte mo grabe, nakasama mo si Sir. Magkatabe ba kayo sa sasakyan?"
Tanong na naman nya na parang kinikilig

"Sira ka talaga. Trabaho yon noh"

"Sana ako na lang yung sinama eh, nakakainggit"
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"Sana nga ikaw na lang noh"
Sabi ko naman,
Sana nga talaga. Kala nya ata ang sarap kasama nang Nathaniel na yon.

Natigil kami nang biglang lumapit si Ms Airish sa amin.
"Teresita pinapatawag ka ni Sir"
Nakangiting sabi nito sa akin.
Agad rin naman syang umalis

Tumingin si Princess sakin nang may ibig sabihin.
"Oh ano?"
Sabi ko

"Yhiiiie, tawag syaaaa"
Biro nito

"Tumigil ka nga jan, at baka may makarinig pa sayo isumbong pa tayo kay Maam Anastasia"
Seryosong sabi ko.
Kinuha ko ang notepad na sinusulatan ko lagi nang scratch or schedule.

Kumatok ako bago pumasok
Nakita ko sya may kausap sa cellphone
Agad naman nya akong nakita at sinenyasan na pumasok sa loob.

Pumasok ako at tumayo sa tapat nang table nya.
Nang binaba nya ang tawag sa cellphone ay bumaling ito saakin.

"Teresita may schedule ba ko nang meeting kay Mr. Gonzales?"
Tanong nya.

Eeeh??!!
Teresita talaga?.
Hindi ba pwedeng TJ na lang,
TJ na lang please (ಥ_ಥ)

Tinignan ko sa notepad kung may schedule ba sya o wala.
"Sir wala po, pero nagpapaset po sya nang appointment. Saturday na lang po yung free nyo"
Paliwanag ko.

"Sige, saturday after lunch. Sa morning magpaset ka nang appointment kay Ms. Alora"
Sabi naman nya.

Agad ko namang sinulat ang sinabi nya.
Tumingin ito sa relong suot nya.
Tumayo sya at nag tanggal nang tie,
"Lets go"
Sabi nito
Saka lumabas.

Naku eto na naman po kami,
Si Lets go nya na wala namang sinasabi kung saan pupunta.
Saka anong oras na eh,
Baka mamaya malayo na naman yung pupuntahan namin may pasok pa ko sa school.

Agad kong dinampot yung hand bag at tablet,
Paglabas at daan ko sa table ko ay mabilis kong kinuha ang shoulder bag ko.
Patakbo ko syang hinabol.

Nasa loob na sya nang elevator may iilang tao rin na andoon,
Nakahawak sya sa pinto nang elevator kaya hindi ito sumasara.

Pagpasok ko saka lang nya ito binitawan,
Nasa unahan kami,
Narinig kong parang kinikilig yung mga dalawang babae sa likod namin.

Deretcho kami sa parking lot at sumakay sa kotse nya.
Tahimik lang kami parehas.
Dumating kami sa isang sikat na restaurant
Pagpasok namin sa loob ay agad na lumapit saamin ang waiter at nagtanong nang order.
Sinabi naman nyang water muna dahil may inaantay pa kami

Maya maya ay may dumating na lalake ,
Nag shake hands sila nito at nag usap tungkol sa negosyo.

Narinig kong sabi nung lalake na kailangan talaga nilang maconvince si Ms.Alora na pirmahan ang business proposal nila as soon as possible,

May mga pinatake note sya saking schedule habang nag uusap sila,
May mga pinasingit rin syang meeting.

Matapos nila mag usap nang matagal tungkol sa negosyo ay tinawag nang lalake ang waiter at sinabing oorder na.

Sya pala ang may ari nang malaking restaurant na ito,
Pinaorder nya kami at nagsabi may iba pa syang kailangan ayusin kaya iiwanan nya na kami.

Pero imbis na mag order ay tumayo na rin si Sir at nagsabing aalis na.
Sayang naman diba mukha pa namang masasarap pagkain don.

Matapos ang pakikipag meeting nya agad rin kaming bumalik sa office.
Ganon pala ginagawa nila Maam Anastasia at Ms. Airish kapag umaalis sila.
Meeting nang meeting ,

Pagpasok namin sa elevator ay napatingin ako sa relo ko.
Malapit na ko mag out, sana naman walang topak to at hindi ako pahirapan bago umalis.

Paglabas namin ay deretcho sya sa office nya at inutusan nya akong tawagin si Ms.Airish.
Ilang minuto rin silang nag usap paglabas ni Ms.Airish ay ako naman ang pumasok para magpaala na mag out na dahil may pasok ako sa school.

"Sir?"

"Yes? Teresita?"
Sabi nito

Eeeeeeeeekkh!!
Nakakainiiissh talaga tong mokong na to,
Nawawala yung pagkabait ko sakanya kapag tinatawag nya akong Teresita,
Pakiramdam ko kasi inaasar nya ko.

"M-magpapaalam lang po, pa out na ko"
Sabi ko,

"Okay, nakasave ba sa tablet yung mga schedule ko?"
Tanong nya.

"Opo sir"
Sabi ko at inabot ang tablet sakanya.

Tinignan nya ito ,
Nagpaalam na akong lalabas at tumango lang ito.

Mabilis akong nagpunta sa rest room at nag bihis,
Nag ayos nang mukha nagpabango
Suklay , konting powder at manipis na lipstick lang.
At ready na para sa school,

(Fast forward)
@ school.

*Bellllllll*

Vacant na,
Hindi na ako bumili sa canteen kasi may dala akong pagkain.
Yung kinuha ko sa meeting kanina.
Hahaha nakatipid na naman ako,

Madami dami rin to.
Asan kaya yung Luke na yon,
Himala yata at walang bubuntot buntot sakin ngayon,

Ano na kayang nangyare don?.
Baka nabaliw na yon ah,
Sino kaya yung mga nakausap nun kahapon bakit biglang natahimik nung magkasama kami.

Pero bigo akong makita si Luke,
Sya na nga lang yung palagi kong nakakasama at nakakausap ko eh.
Natapos ang araw na hindi ko nakita maski ang anino ni Luke,

Nag uwian na,
Naglalakad ako sa hallway nang mapadaan ako sa dean's office.
Nakita kong andoon nakaupo si Sir Nathaniel,

Nagtama ang mga mata namin,
Nakatingin lang sya sa akin.
Natigilan naman ako sa paglalakad dahil sa nakatingin sya sa akin,
Bakit andito yung boss ko?.
Anong sasabihin ko?.
May dapat ba kong sabihin?.

Papalapit na sana ko nang bigla nyang isinara ang pinto nang dean's office.
Aba't tong bwesit na lalaking to talaga,
Bahala nga sya sa buhay nya.
Yabang talaga nito timang na to buti nga lalapitan ko pa sya eh,

Kung sabagay.
Bakit ko ba kasi sya lalapitan,
Dapat nga hindi ko sya nilalapitan kasi inis na inis ako sakanya diba,
Pasalamat ka lang talaga Boss kita.

Lumabas na ako nang university at nag abang nang jeep,
Ang daming tambay na estudyante sa labas nang campus,
Halos karamihan mayayaman.
Kaya hindi ako nakikipag halubilo sakanila eh,
Isa pa ayaw rin naman nila sakin,
Kaya lang naman nila ko gusto noon kasi ako ang president nang student council saka dean's lister ako.

Alam ko at ramdam ko namang peke lang ang pagka gusto nila sa akin noon,
Ngayon pinapakita na nila sakin literal na ayaw nila saakin.
Okay lang. Dahil ayokong ipilit ang sarili ko sakanila.
Andito ako para mag aral hindi para ipilit ang sarili ko sakanila.

---
Haluuuh,
Nawawala si Luke !!

#cayeLoves💜💕
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now