Habang kumakain kami ni Luke ay madami kaming napagkwentuhan.
Isa na dito ang babaeng gustong gusto nya.
Na nag aaral sa university na dati nyang pinapasukan.Nakwento nya na yung babaeng yon ay dati na nyang naging girlfriend.
Habang kinukwento nya ay parang naiimagine ko ang itsura nang babaeng gustong gusto nya.Maganda
Long and shiny hair
Maputi
Mala'korean skin
Sakto lang ang taas
Mabait
At mayamanSabi nya ay hindi nya daw napahalagahan ang babaeng yon kaya nawala nang tuluyan sakanya.
Naniniwala rin daw sya sa kasabihang "kapag wala na sayo saka mo malalaman ang value"
Dahil base sa experience nya ay nangyare na nga ito,Ginawa nya daw na parang display girl friend ang nobya nya dahil nakakasama nya lang ito kada may gimik ang mga tropa nya para lang daw masabing may date syang hot chic
May ilang beses daw na pinaiyak at nasaktan nya ito hindi physically but emotionally,
Palaging pinapaasa at hindi madalas na hindi sinisipot sa mga lakad nila.Palagi rin itong nasa tabe nya kapag may napapasukan syang kahit na anong trouble.
Maloko at pilyo daw kasi sya bulakbol rin sa pag aaral kaya inilipat sya nang parents nya sa ibang university.Bad boy na bad boy talaga ang imahe nya sa dati nyang paaralan
Sakit sa ulo rin sya nang mga professor nya noon.Natanong rin nya kung bakit ako nabubully dito sa school.
Tutal nakwento na nya sakin yung dahilan kung bakit nag transfer sya dito saka magaan na rin naman loob ko sakanya kaya nagkwento na rin ako sakanya.
Except lang sa tungkol kay Nite.Naghiwalay kami nang tumunog ulit yung bell,
Nagpaalam ako sakanya dahil kailangan ko nang pumasok sa klase ko.
Sya naman tatambay o manunuod nang nagpapractice nang basketball sa gym.Uwian na at naglalakad ako sa hallway lumingon lingon ako nang mapadaan ako sa parking lot nang school,
Wala si Luke?.
Siguro nauna na sya.Nakalabas na ako nang school nang makita kong may umpukan nang mga babae sa di kalayuan.
Dun rin ang daan ko sa antayan nang jeep kaya habang naglalakad ako papalapit ay nakatingin rin ako sa dereksyon nang tinitignan ng ilang babae.Teka, si Luke ba yun?.
Si Luke nga ba?.
Bakit parang ang gwapo naman yata nya ngayon.Naka all blank sya.
Black pants, and black sando.
Parang gangster na ewan yung porma pero ang gwapo at ang bango nya tignan.
Mukha kasi syang koreanong totoy kapag nakasuot nang school uniform.Habang naglalakad ako ay nagtama ang mga mata namin,
Nang makita nya ako ay malapad ang ngiting binigay nya sakin.
Kinuha nya ang helmet na nakasabit sa manobela nang motor nya at lumapit sa akin."Hindi na ako makapasok sa loob nang school, hindi na kasi ako naka school uniform eh kaya dito na kita hinintay"
Sabi nya habang sinusuot sa ulo ko ang helmet.
Nang masuot na nya ay inakay nya ako palapit sa motor nya na may ilang hakbang lang ang layo.Sumakay sya saka ako nginitian at sinenyasan na sumakay na rin,
Sumakay ako at kumapit sa balikat nya.
Pero kinuha nya ang mga kamay ko at ipinapulupot sa bandang tyan nya.Nakapa ko naman ang ilang matitigas na muscle,
Nakita ko ang mga gulat na reaksyon nang mga schoolmate ko.
Rinig kong nagbulungan sila dahil sa ginawa ni Luke,
Hindi nga lang malinaw ang mga sinabi nila.
Maging ako ay nagulat sa ginawa nya.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.Naramdaman kong napangisi sya
"Sorry ah, 4 pack abs pa lang eh. Hindi na kasi ko masyadong focus sa pag gi'gym"
Hindi ako makapag salita,
Pakiramdam ko ay lahat nang dugo ko ay napunta na sa mukha ko.
Nag iinit ang mukha ko hindi ko alam kung bakit.
Dahil ba sa hiya . O dahil sa epekto nang nahawakan kong Abs?.
Teka!. Tama ba ang sinabi ko?.
Na aapektuhan na ako dahil kay Luke?."Your blushing"
Sabi ni Luke,Huh?. Pano naman nya nakita ?
Eh nakatalikod sya saakin,
Agad naman akong napatingin sa side mirror nang motor nya at nakita kong nakatingin ito sa akin at nakangiti."H-hindi noh, mainit lang. Tara na nga"
Palusot ko na lang sakanya."Sabe mo eh"
Pagkasabi nun ay pina andar na nya ang motor.Mula sa likod ay na aamoy ko ang pabango nya dahil hinahangin.
Nang maalala ko,
Bakit nga ba nag iba ang suot nito.
Samantalang magkasama lang kami kanina,"Ahm, Luke?. Umuwe ka na ba sainyo?"
Tanong ko,
Nakita kong tumingin rin sya sa side mirror para tignan ako."Nope, why?"
"Eh bakit nagpalit ka nang damit?. Saka asan ang bag mo?"
"Ah, nasa tambayan. Balak ko nga sanang daanan bago kita ihatid e, out of way na kasi mamaya kapag galing sa bahay nyo. Okay lang ba?"
"Naku ganun ba?. Edi ibaba mo na lang ako dyan sa malapit na sakayan, ikaw naman kasi bakit hinahatid mo pa ko"
"Haha heto na nga't nakasakay ka na ibababa ka pa, hwag na sige. Dadaanan ko na lang pagkahatid ko sayo"
Sabi naman nito,
Parang naguilty naman ako.
Sympre ako na nga yung hinahatid , eh kung dadaanan nya lang naman yung gamit nya sa tambayan nya.
Siguro naman mabilis lang yon."S-sige na Luke, daanan na natin. Mabilis lang naman yun diba?"
Tanong ko.Mula sa side mirror Nakita kong ngumiti ito
Bago sumagot.
"Uo, saglit lang"Bago kami pumasok sa isang village ay tinuro nya sakin ang dating university na pinapasukan nya bago sya matransfer sa school namin ngayon.
Hindi rin naman kalayuan sa school na pinapasukan namin.
tumigil sya sa isang magandang bahay.
Yung style nang bahay ay parang camella homes.
Maganda at mukhang good for small family.Pinark nya yung motor sa tapat nang bahay,
Hindi ako umaalis sa tabe nang motor habang sya kinuha ang susi sa bulsa nang pantalon nya at papasok na nang bahayLumingon ito saakin.
"C'mmon "
Kalmadong sabi nya."H-ha?" Ani ko naman na parang patay malisya.
Pero ang totoo ay medyo nag aalangan ako,
Sympre bahay na tong papasukin namin,
Malay ko ba kung ano o sino sino ang mga nasa loob.Iniingatan ko lang ang sarili ko,
Babae pa rin ako at alam kong wala akong laban kay Luke kung sakaling may gawin syang hindi maganda.
Lalake sya at mas malakas kesa sa akin.---
Sana Lahat :/Sana Lahat nang nagbabasa nito,
Pina'Follow ako 😊CayeLoves💜💕
---
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romantizm"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?