CHAPTER.84

272 7 1
                                        

#RATED SPG!! RATED SPG!!

***

Nasa byahe na kami ni Nathan pauwe sa condo nya,
Hindi na daw sya babalik sa office dahil wala naman nang gagawin pa don.
At andon naman daw si Ms.Airish

"Sa Lunes pupunta sila Mr.Alejandro sa Office, hwag ka nang pumasok sa trabaho sa Lunes. Sa bahay ka na Lang"
Saad nya

"Hindi rin ako papasok sa office?.hindi na nga ako papasok sa school eh"

"O kaya don ka na lang sa Office ko"

"Bakit nga?. Anong meron?"

"Ayokong kausapin ka na naman nung Kenneth Sy na yon, Baka imbis may maayos kaming partnership masapak ko pa sya"
Giit nya

"Bakit mo naman sasapakin yung tao"

"Nakita mo naman siguro kung pano ka tignan ng Kenneth Sy na yon, halos hubaran ka na nya sa mga tingin nya sayo"
Inis na sabi nya

Hindi na ako nagsalita pa dahil totoo naman ang sinabi nya,
Kung makatingin ang lalaking yon, para ngang hinuhubaran nga nya ko. Basta iba yung mga tingin nya

"Kaya ba ginawa mo yun kanina?. Alam mong may tinatago ako sa leeg ko , sinadya mo bang ipakita yon sakanya"

"Oo, para makita nyang sakin ka"

Hindi na lang ako sumagot,
Para kasing may parte sakin na kinilig ako. Yung mga salita nyang parang gusto nya akong ipagdamot.

Nakarating kami sa bahay ,
Dumiretcho ako nang kwarto nakasunod naman si Nathan saakin
Napansin ko ang maliit na kahon,
Nakabukas kasi ito kaya nakita ko ang laman,
Parang mga Dry leaf na naka pack, meron pa itong nakasama parang "pipa" at maliliit na "tube" hindi ako sigurado pero parang marijuana yung nakita kong mga naka pack na dry leaf,

Maghuhubad na sana ako nang maalalang andito nga pala si Nathan
Yung mga damit ko ay inilagay na namin ni Nathan sa kabinet nya,
Sya naman ang may gusto nito kaya hinayaan ko na lang.

"Bakit?"

"Magbibihis ako, labas ka"

"Ano naman?. Nakita ko naman na yan"
Sagot nya

Sinamaan ko sya nang tingin, yun lang ay parang alam na nya ang aking ibig sabihin, lumabas na ito nang kusa. Pag labas nya ay mabilis akong nagbihis
Paglabas ko ay sya namang pumasok para magbihis

Nasa sala ako at nanunuod nang lumabas rin si Nathan , nakabihis na rin sya nang pang bahay .
Umupo sya sa tabe ko at nanuod rin,
Maya maya ay tumayo ito at nagpunta sa kusina,

May dala syang in can beer,
Napatingin lang ako sakanya. Seryoso syang nanunuod at sunod sunod ang paglagok nya ng alak.

Hindi ko gusto ang movie,
Ililipat ko na nga sana kung hindi ko lang nakita na nakapaseryoso nyang nanunuod.
Saka baka sabihin nya TV nya yon tapos hindi sya makanuod.

Tumayo ako para kumuha nang tubig ,
Pagbukas ko nang Ref ay napansin ko ang in can beer.
Uminom rin kaya ako,
Tutal dito lang naman ako bukas maghapon.
Day off ko sa Office, wala ring pasok sa school.

Kumuha ako nito at nag bukas ng Pork and beans na deLata,
Bumalik ako sa sala at tumabe kay Nathan,
Gulat nya akong tinignan nang makitang may dala rin akong in can beer.

"Penge ah"
Sabi ko,
Wala lang , gusto ko lang magpaalam kasi baka sabihin nya hindi ako nagpapaalam.

"S-Sige lang"
Sagot nito,
Matagal bago sya muling nagtuon ng tingin sa TV.

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now