CHAPTER.60

226 4 1
                                    


Pumasok ako sa school,
Walang bago saakin, ganun pa rin.
May mga babae pa ring hindi nagsasawa na pag usapan at pagbulungan ako,

Pumasok kaya si Luke?.
Parang hindi ko pa sya nakikita simula kanina ah.
Okay lang kaya sya?.

Pagpasok ko sa classroom ko ay halos magparty ang mga classmate ko,
Dahil maagang na dismiss ang klase namin ngayon.

Wala si Luke,
Kung sabagay hindi ako dapat masanay na palaging andyan si Luke,
Hindi ako dapat mag depende kay Luke,

Dahil sa maaga ang uwian ay agad akong umuwe sa bahay nila Luke,
Wala daw sya.
Umalis si Luke 15 minuto bago ako dumating.
Hindi rin ito pumasok sa school kanina,

Kinuha ko ang mga gamit ,
Gusto akong pigilan nila Aling Lynel pero nagpumilit ako,
Sinabi ko sakanila na tatawagan ko na lang si Luke para ipaalam ang pag alis ko,
Sinabi ko rin sakanila na magkikita rin naman kami ni Luke sa school , kaya hwag silang mag alala sa pag alis ko.

Sa huli , napilit ko rin silang pumayag sa pag alis ko,
Dumiretcho ako sa bahay nila Anne,
Dala ang isang traveling bag , isang pack bag at ang shoulder bag na ginagamit ko pamasok ,

Gulat ito nang malaman ang naging storya ko,
Pero sa huli mukhang hindi nya ako matutulungan.
Dahil hindi ko pa man nasasabi ng buo ang storya ko ay nalaman kong meron rin pala sariling problema,

"Naku.. Ganun pala nangyare sayo?. Eh ako nga yung kuya ko, may ginawang kalokohan sa probinsya. Kaya ito dito naglalage sa bahay ko bitbit ang pamilya nya, doble kayod tuloy ang lola mo ngayon, pano wala naman silang alam na trabaho dito"
Kwento nya

"Ganun?. Kaya pala nung unang beses na nagpunta kami dito wala ka rin"
Sabi ko.

"Kami?. Sinong kasama mo?"
Tanong nya

"Si Luke, yung crush mo"
Biro ko sakanya

"Talaga?. OMG sayang, sayang talagaaaa.
Alam mo ang swerte swerte mo talaga, imagine matulog ka lang sa bahay nya napakaswerte mo na girl"
Saad nitong tuwang tuwa.

"Ano ka ba, para ka talagang sira eh"
Sabi ko

"Teka, maiba ko. Kung dun ka natutulog bakit dala mo yang mga bag na yan?. Kanino ba yan?"
Tanong ni Anne

"A-Ah, S-Sakin yan, umalis na ko kila Luke. Nahihiya ako dun , sobra na kong nakakaabala"
Sagot ko, nakakapanghina man pero yun ang totoo.

"Eh san ka pupunta ngayon? May matitirhan ka na ba"
Seryosong tanong nya

"M-May mapupuntahan na ako"
Sagot ko.

Ilang oras pa bago tuluyang mag gabe ay dumating ang kuya ni Anne kasama ang asawa nito,
Nag paalam na rin akong aalis na.
Bitbit ang mga gamit ko.

Hindi ko na sinabi ang totoo kay Anne,
Nakakahiyang makikituloy pa ako sakanila.
Madami rin syang nakwentong problema saakin at ayokong dumagdag pa sa mga isipin nya.

Para akong naglalakad sa kawalan,
Parang isang palaboy na walang mauwiang bahay.
Ang tingin ko sa aking sarili ngayon ay isang pulube,
Kahit anong gawin kong pag pigil ay hindi ko mapigilan ang pagbagsak nang mga luha ko,
Tuloy tuloy ang luhang bumabagsak mula sa aking mga mata

Matapos ang magpaikot ikot ko ay nauwe ako sa pag stay sa isang appartel ,
Dito muna ako matutulog ngayong gabi.
Blangkong blangko na talaga ang isipan ko, bukas na lang ako mag iisip kung saan ako tutuloy sa mga susunod na araw.

Kinabukasan ay nag ready na ako sa pag pasok sa trabaho.
Maaga akong umalis sa appartel,
Dala ang lahat ng gamit ko.

Pumasok ako sa opisina,
Nakita ako nang guard na may dalang bag,
"Maam?. Ano po yan?"
Tanong nito saakin

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now