CHAPTER.43

283 5 0
                                        


Lumabas ako nang library dahil hindi naman ako nakatulog ,
May lalo pang nang gulo sakin.

"Monte Mayor!!"

Naglalakad ako papunta sa canteen nang may biglang tumawag sakin,
Nilingon ko ito.
At sya na naman, yung babae sa library.

Lumapit sya sakin nang nakakunot ang noo,
Hindi pala sya ganon kataas,
Parang kasing taas nya lang si President.
Parehas rin silang slim,
Makinis maputi sya .
(pero bat ganon bakit sobrang grabeng maitim ang #%&*@&% 🎤🎶 -- whaha charot 😄✌)

Hindi bagay sakanya ang basketball,
Mas bagay sya sa volleyball o beauty contest ganon.
Oo maganda sya pero not my type,

"Bakit na naman?"
Tanong ko

"Sumali ka na"
Sabi nito,

"Ang kulit naman, ayoko nga"
Sagot ko

"Bakit?"

"Kasi A-yo-ko!!"
Sabi ko

"Bigyan moko nang matinong dahilan kung bakit ayaw mo, nung nakaraan sabi mo pag iisipan mo,kapag sumagot ka nang maayos  hindi na kita kukulitin sa basketball team"
Seryosong sabi nya.

"Kasi ayokong sumusunod sa utos nang babae, ikaw ang coach diba. Edi ayoko"
Nakita ko namang nagsalubong ang kilay nito.

"Edi ....
Hwag mokong ituring na babae"
Seryosong sagot nya.

Natigilan naman ako sa sinabi nya,
Ano daw ?.
Hwag syang ituring na babae?.
Sa itchura nyang yan?.
Eh babaeng babae nga itchura nya,
Sira na ata ulo nito eh.

Napailing iling na lang ako sa sinabi nya,
Papasok na sana ako nang canteen nang makita ko si President.
Mabilis pa sa alas kwatro ang takbo ko papalapit kay President at iniwang nakatayo yung babaeng makulit.



"President, galit ka ba sakin?"
Tanong ko habang sinasabayan syang maglakad.

"Hindi"
Maiksing sagot nya.

"Bakit parang galit ka?. Sorry na President,"
Sabi ko sabay pout.
Try lang baka effective.

Tumigil sya sa paglalakad at humarap sakin,
Pinitik nito ang ilong ko.

"Oo na, sige na"
Sabi nya.

Haaay buti naman bati na kami,
Whaha. Akala ko kasi kailangan ko pang lumuhod sa apoy , kumain nang bubog o lumuha nang dugo bago nya ko pansinin ulit.

Madaming may gustong makipagkaibigan sakin dito sa school na to,
Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko feel na makipagkaibigan sakanila.
Kay President lang talaga,
Alam ko kasing hindi sya kagaya nang ibang babae na Maarte.

Saka kahit kasi topakin sya masarap syang kasama,
Kapag wala syang topak pala tawa sya at makulit kahit may pagka jologs sya.
At sobrang bait kasi nya,

"Akala ko hindi mo na talaga ko papansinin eh"
Paawa effect kong sabi.

"Basta hwag mo na uulitin yon"

"Eh bakit ba kasi?. Diba nga kaya ka nabubully dito dahil sakanya, muntik ka pa ngang mawalan nang scholarship dahil sakanya"

"Nagsorry na sya, okay na yon. Isa pa tapos na yon eh"
See??. Ang bait nya diba,

"Luke, diba si Ayah yung kausap mo kanina sa labas nang canteen?"
Tanong nya.

Huh??. Aya?. Sino yung babaeng makulit?.
Yung sunod nang sunod sakin kanina.
Aya pala pangalan nun.

"Aya ba pangalan nun"
Nilingon ko yung babaeng tinatawag ni President nang AYA, pero wala na sya don.

"Hindi mo sya kilala?."

Umiling iling naman ako,
Dahil hindi ko naman talaga sya kilala.
Malay ko ba kung sino sya.

"Si Aya yon, alam mo bang Famous yon dito sa school. Kanina nga nung nag uusap kayo, hindi ko mapapansing andon ka sa labas nang canteen kung hindi ko nakitang ang daming nakatingin sainyo ni Aya"
Paliwag nya.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa tambayan,
Sa bench, teka nga bakit nga ba dala nya yung mga gamit nya. Maaga pa ah, wala na syang klase?.

"Nakita mo na pala ko hindi mo man lang ako nilapitan, buti pa yung iba dyan na hindi ko kilala nilalapitan ako"
Pagdadrama ko,

"Anong iba dyan?. Ang swerte mo noh dahil nilapitan ka ni Aya. Kanina nga ang daming boys na inggit sayo"

AYA na naman,
Bakit ano ba yung aya dito sa school na to?.
God of goddess?. Tsk!

"Edi sumali sila nang basketball team para everyday nilang makausap yung sinasamba samba nila"
Sabi ko naman

"Bakit , pinapasali ka ba nya sa basketball team?"
Tanong nya sakin

"Oo, pero ayoko"
Taas noo kong sabi nang may biglang bumatok sakin.

Hindi lang basta bastang batok,
Isang malakas na batok.
Kunot noo ko syang nilingon

"Bakit hindi ka sumali , alam mo bang ang hirap makapasok sa basketball team dito, ang daming nag tatry out para don pero mahigpit sila kaya iilan lang ang nakakapasok tapos ikaw tinanggihan mo"

Nagulat naman ako sa mga sinabi ni President,
Tahimik lang akong nakatitig sakanya,
Eh kasi naman para akong batang sinisermonan nang isang masungit na nanay.
And to think na may pagbatok pa talaga ah
Parang sa tanang buhay ko sya pa lang ang nakagawa sakin non,

Kahit parents at mga barkada ko hindi pa nagawa sakin yon, not even Akiko,
Yung past long term relationship ko.

"Ang tanga mo naman Luke eh, nakakainis ka. Sinayang mo alam mo ba yon??. Sinayang mo!!,  minsan lang yang si Aya makihalubilo. Saka ang famous famous nun tinanggihan mo grabe ka, alam mo bang idol na idol ko yon"
Sabi nitog dismayang dismaya sakin

"Idol mo yon?. Bakit mahilig ka ba sa basketball?."
Tanong ko

"Oo naman noh, kaya lang hindi ako nakakanuod lagi ng school tournament kasi pumapasok akong call center agent dati saka hindi mo ba alam na si Aya ang Chairman nang modeling club dito sa school, at di lang yon sikat rin syang blogger, endorser kaya sya nang perfume na gamit ko"
Paliwanag nya.

"Hindi, hindi ko naman kasi sya kilala"
Sabi ko,

"Kaya nga eh, sayang. Akala ko pa naman makakamayan ko na sya. Alam ko journalism ang course nya eh"

Ganon?.
Ganon nya ka idol yung makulit na yon, halos lahat talaga inalam na nya,
Hay naku President kung alam mo lang na kinukulit kulit ako non,
Baka nasabunutan mo na ko dito sa gigil dahil hindi ko pinansin ang idol mo.
Whaha. Ina'idolize nya yung makulit na yon eh mas maganda pa nga sya don.

---
Oh ano?.
Batok de'guLat ka noh 😅😄
Ikaw kasi eh. Idol nya nga yon eh 😂

CayeLoves💜💕
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now