( HALOOOOHA mga madlang tao :> ang tumal na talaga natin, haaaaist tambak ang gawain eh 😭😭..
Anyways.. Mga Loves, yung mga Typos ko. Intindihin nyo muna -- OshiaBabush)***
Sa sobrang tagal nang dalawa mag usap sa loob ay inabutan na ako nang time ko para
Pumasok sa school,
Nagpaalam ako kay Ms.AirishNasa byahe pa lang ako nang tumawag si Nathan Saakin,
Sa hindi ko malamang dahilan ay nainis ako kay Nathan at hindi sinagot ang mga tawag nito ,
Maging ang mga text nya ay hindi ko na pinagkaabalahang basahin pa.Pagdating ko sa school ay agad kong nakita si Luke,
Iiwas pa sana ako pero mabilis nya akong nalapitan."Iniiwasan mo talaga ko noh?"
May lungkot ang pagkakasabe nyaNgumiti ako sakanya para lang iparamdam sakanya na hindi totoo ang sinasabe nya
"Alam mo namang malapit na ang finals, busy lang talaga ako"
Paliwanag ko"Pwede bang mag usap tayo kahit sandali lang"
***
Nakatingin ako sa malayo habang humahampas ang malamig na hangin sa aking balat dulot nang makulimlim na panahon ngayon,
Dito sa lugar na to unang beses akong nakaramdam na meron akong tunay na kaibigan,
Dito sa lugar na to dinala nya ako nang minsan gusto kong takasan ang mga matang mapanghusga na nakatingin sakin"Ang ganda talaga dito noh?. Sana tumigil ang oras habang andito tayo"
Nabalik ako sa riyalidad nang marinig kong magsalita si Luke,Napatingin ako sakanya habang nakatingin rin ito sa malayo.
At mukhang may malalim na iniisip
Huli na ako para sa una kong klase pero hindi ko magawang magpaalam kay Luke dahil mukhang may problema sya"May problema ka ba Luke?"
"Meron"
"Ano ba yon?. Para matulungan kita"
"Pano mo naman nasisiguro na matutulungan mo ako?"
"Dahil alam ko namang hindi pera ang problema mo, ano ba kasi yon?. Anong problema?. Nag away ba kayo ni Akiko?"
Tumingin ito ng matagal saakin bago sumagot
"Hindi kami nag away""Hindi?. Eh ano ba kasing problema?. Hindi kita maintindihan kasi hindi mo sinasabi sakin"
"Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko TJ, naguguluhan ako"
"Bakit?. Naguguluhan saan?"
"Dati nung iniwan ako ni Aki wala akong ibang gustong gawin kundi yung makuha sya ulit, diba dapat masaya ako?"
"Bakit hindi ka ba masaya?"
"Hindi, hindi ako masaya kasi pakiramdam ko, may nawala saakin. At ikaw yon TJ, ramdam ko ang pag iwas mo sakin TJ, bakit?. Bakit mo ako iniiwasan?"
"D-Dahil gusto kong magkaroon kayo ng tamang oras para sa isat'isa"
"Pero kapag magkasama kami, ikaw ang iniisip ko. Pakiramdam ko niloloko ko ulit si Aki gamit ang isipan ko, dahil sya ang kasama ko pero ikaw ang nasa isip ko. Gusto kita TJ , gusto kita higit sa kaibigan"
At sa sandaling ito,
Parang tumigil naman ang takbo ng oras.
Paulit ulit na tumatakbo nang paulit ulit ang mga sinabing kataga ni Luke saakin.
Gusto nya ako higit sa kaibigan,
Sigurado at tama ang pagkakarinig ko.
Nakatingin lang kami ni Luke sa isat isa,

YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romansa"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?