Parehas kaming nagtataka ni Jayson dahil hindi tugma ang mga sinasabi ni namin sa isat isa.
"Pre may CCTV ba yung mga private room nyo dito?" Tanong ko kay jayson.
"Wala pare, pero yung hallway ng mga private room meron yon" sagot nito sabay tungga ng alak
"Pwede kaya natin icheck pre" sabi ko.
Disidido talaga akong makita kung sino yung babae.
Dahil sigurado naman akong may nakasiping ako nun,
Hindi ako lasing lang o minulto nung gabi na yon.
Parehas namin ininom ang alak na naiwan sa bote ng alak namin at dumeretcho kami sa main office ng tito nya.
"Pre wala pa kasi si tito, pero pinaalam ko na sa crew na iccheck natin yung CCTV" sabi nito at kinakalikot na yung computer ,
Seryoso lang akong akong nakatingin sa monitor,
"Kanina lang yon madaling araw diba nung kinuhaan ka namin ng private room" tanung nya sakin
"Oo pre mga around 2-3AM ganon" sabi ko pero titig pa rin sa monitor
Inadjust nya yung arrow sa screen ng monitor para iforward ,
Parehas kaming natahimik tinignan kong mabuti ang monitor nakita kong may babaeng nakaitim sa gilid ng pinto, pero hindi ito yung oras nung pagdating nya sa loob,
Ang alam ko kasi nauna ako sa room bago sya pumasok.
"Bro wait lang!" Awat ko kay jayson.
"Back mo nga ng konti" utos ko saknya.
At ginawa naman nya agad. Nakita kong pumasok yung babae sa unang kwarto ng private room at eto nga yung kwarto na pinasukan ko . Tinignan ko yung oras
Pumasok sya ng 2:15AM
Maya maya ay nakita ko ang sarili ko sa monitor.
Pumasok ako ng 2:30AM , ilang minuto pa ay may babaeng nakapula na pinipihit ang doorknob ng pinto pero hindi sya nakapasok.
Maya maya ay umalis na rin sya.
"Oh ayan si Rose pare oh, ayan yung kasama natin kanina. So hindi nga sya nakapasok sa loob, hindi sya yung kasama mo"
Nakatitig lang ako sa monitor, hindi ako makapag salita. Lumipas ang ilang minuto at naka X2 ang forward ,
Nang biglang magsalita sya.
"Pero sino yung kasama mo kagabi bro, ano yun. May nangyare saiyo mung babaeng naunang pumasok" sabi nya sakin
"Oo, akala ko kasi sya yong babae nyo dito" sabi ko kay jayson.
" sabi mo umiyak yung babae diba? Bakit virgin ba? Nasaktan? Pwinersa mo ba pare?" Sunod sunod ang pag tanong nya
Humarap ako sakanya at umiling.
"Hindi ko sya pinilit" sabi ko . Ang pagkakaalam ko ay hindi ko naman sya pinilit.
Pinabilis namin ang forward ginawa naming X16 , pinatigil ko ulit nung makita namin may lumabas sa kwarto.
Tinignan ko ang oras ng paglabas nya
Its 4:17AM ,
"Bro pwede bang iback mo ulit . Don tayo sa paglabas nung babae" sabi ko kay Jayson.
"Osige sige, izoZoom ko na rin para makita natin" at ginawa naman nya . Pinause nya nung nakita namin napatingin sya saglit sa CCTV,
"Bro mas lakihan mo pa nga" sabi ko
"Sige ito oh"
"She look familiar!" Kunot noo kong nasabi.
"Talaga?. Pero hot chic pare hahaha panalo tignan mo yung balakang at yung hinaharap haha jackpot diba" tatawa tawang sabi ni Jayson.
"Pwede na rin" maiksing sagot koFORWARD
Lumabas na kami ng office ng tito ni Jayson pinagpatuloy namin ang inuman at nang may tama na kami ay nagsi uwian na kami,
Habang nasa byahe ay wala akong ibang ginawa kundi inisip kung sino yung babaeng nakasiping ko . Titig na titig ako sa mukha nya sa monitor kaya naman tandang tanda ko ang itchura nya.
Parang nakita ko na nga sya e, hindi ko lang sigurado kung saan at kung kailan.Nakarating ako sa bahay madaling araw na naman.
Gaya ng inaasahan ko lahat sila ay tulog na
Dumiretcho ako sa kwarto,
Nag shower ako saka nahiga.
Tinignan ko muna ang cellphone ko 3text and 2misscall.
Puro si Love, sabi nya sa text ay hwag ko daw kakalimutan na ihahatid ko sya kaya umuwe ako ng maaga.
Kahit andito na ko sa bahay ay nireplyan ko pa rin sya at nag OK sakanya.
Saka ako natulog.---
Maiksi yung chapter na to, siningit ko lang to habang nasa trabaho. Haha sorena mga Lvs :*
May update ako mamaya ulit,
#CayeLoves💜💜
--
![](https://img.wattpad.com/cover/130233905-288-k65849.jpg)
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romance"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?