CHAPTER.35

302 9 2
                                        


Matatapos na rin ang pangalawang subject ko, hindi ko na rin napasukan dahil nahirapan akong makasakay.
Habang naglalakad ako papunta classroom ko.
May biglang umakbay sakin na syang kinagulat.

Si Luke.
Malapad ang ngiti nito sakin.

"Good morning Ms.President"
Bati nito sa akin,

"President?"

"Oo, nalaman ko kasi na ikaw pala yung president nang student council"

"Dati yon. Napalitan na ko, hindi ko daw deserve"
Sagot ko naman.

Nakita kong tinititigan ako ni Luke,
Nawala ang mga ngiti sa mukha nya at biglang nag kunot noo.

"President umiyak ka ba?. Bakit ganyan yung mga mata mo?"
Tanong naman nito

Nag iwas ako nang tingin ,
Oo nga pala, mabilis mamugto ang mga mata ko kapag umiiyak ako kaya madaling mapansin kung umiyak ako o hindi.

"Bakit?.anong problema?.may nang away na naman ba sayong schoolmate natin?.sino?.asan sila kakausapin ko."
Tanong na naman nya.

Hinarap ko sya at ngumiti
"Wala noh, para kang sira"
Sabi ko naman sakanya

Tumaas lang ang makapal na kilay nito sakin.
"Ano nga?."
Muling tanong nya.

"Wala nga, teka!. Kumain ka na ba?"
Tanong ko.

"Hindi pa , wala pa namang vacant ah"
-Luke

"Tara kumain na tayo, sagot ko"

"Talaga?.sagot mo?."
Gulat na tanong nya.

"Uo nga, ano?. Ayaw mo?"

"Gusto, papasok sana ko sa next subject ko eh, pero sayang naman yung libre mo hahaha tara na"
Sagot naman ni Luke at muli akong inakbayan.

Tinanggal ko naman agad ang kamay nyang nakaakbay sakin
"Hwag na, papasok ka pala eh. Ang dating naging bad influence pa ko sayo"

Bawi ko, akala ko kasi talagang every day syang cut class kaya hindi ko na naisip na papasok sya.
Minsan na nga lang pumasok mapipigilan pa.

"Bad influence ka dyan, tara na"
Sabi naman nito

Tinaasan ko naman sya nang kilay
"Hwag na nga, kapag vacant na lang. Minsan ka na nga lang pumasok"

Hinila naman ako nito
"Alam mo President ang pag pasok ko, pwede ko gawin any time kapag gusto ko. Pero yung panlilibre mo sakin im sure once in a blue moon lang to--"
Biro nito sakin habang naglalakad kami.

Pinaupo nya ako sa bench kung saan kami palaging kumakain.
Inilahad nya sakin ang kamay nya.

"Ano yan?"
Tanong ko

"Akina pambili"
Sagot naman nya.

Hinampas ko nang marahan ang kanyang kamay.
"Maupo ka nga dito--"
Hila ko sakanya paupo.
"--hindi tayo bibili, dala ko na"
Sagot ko sakanya.

Inilabas ko naman sa bag ko ang isang medium size na baunang puno nang kanin at isang plastick na may lamang kutsara toyo at kalamansi at ang ulam namin, pritong manok.

"President a-ano yan?"
Natigilan ako sa pag aasikaso at tinignan ko sya na halos hindi na maipinta ang mukha.

"Pagkain natin, alam mo ang daming natira sa ulam natin kagabi. Kaya ito prinito ko para ulamin ngayon, ang dami nito sakto pa satin"
Paliwanag ko.

Kumunot naman ang noo nya.
"Sana pala pumasok na lang ako"
Sabi nya.

"Grabe ka, edi sige pumasok ka na"
Sabi ko naman.

Kinuha nito ang isang kutsara,
"Ngayon pa--"
Sabi nya sabay kuha nang isang pritong manok at kinagat ito.
"--Late na ko"

"Suus, kunware ka pa, sabihin mo ayaw mo rin talaga pumasok noh"

"Kagabi pa to diba, sure ka ba na pwede pa tong kainin?"
Tanong nya,
Pero panay naman ang kain nya.

"Uo naman, bakit hindi ka ba kumakain nang mga pangat o mga init lang na pagkain"
Tanong ko.

"Pangat?. Anong pangat?"
Tanong nya.

"Mga pangatlong init ganon, kung sabagay mayaman ka, kaya hindi mo alam"

"Hindi pa ako mayaman noh, parents ko oo--"
Sagot naman sakin nito, at panay panay ang kain.
"Masarap pala noh?."

Tuluyan na nga kaming naghiwalay ni Luke nung matapos kaming kumain,
Naging busy ako sa school.
Nung vacant dinaanan nya ako sa classroom ko pero sinabi kong hindi na ako lalabas para kumain dahil busog pa ako.

Isa pa kailangan kong mag aral dahil naka absent ako sa dalawang subject ko kanina.
Gusto sana nyang tumambay sa loob nang classroom namin pero sinabi kong hwag na dahil sigurado pagkakaguluhan lang sya ng mga classmate ko,

Habang tahimik akong nag aaral narinig kong pinag uusapan ako nang iba kong kaklase,
Hindi patungkol sa pagiging student council,
Hindi rin patungkol sa scholarship ko kundi tungkol kay Luke,

Si Luke na nilalande ko daw
Si Luke na pineperahan ko daw
Si Luke na ginagamit ko daw

Nagpapanggap man akong hindi sila naririnig pero sobrang sakit na sakin nang mga naririnig ko.
Parang kinukurot ang puso ko sa bawat masasakit na salitang sinasabi nila sakin,


(Fast forward)

Nasa malayo pa lang ako ay nakita ko na si Luke na nakaupo sa motor nya kausap ang dalawang lalake.
Nakita naman ako ni Luke at kumaway nang nakangiti sakin.
parehas namang lumingon ang dalawang lalake sa dereksyon ko.
Nakita ko pang nagsalita si Luke bago tuluyang umalis ang dalawang lalake.

"Hi President"
-Luke

"Luke, hwag mo na nga akong tinatawag na President. Hindi na nga ako President ng student council kaya tama na okay?"

"Okay po Ms.President hehe"
Sagot naman nito,

Hay naku ang kulit kulit kulit,
Bakit nga ba naisip ko pang sabihin yon alam ko namang hindi nya ko susundin.
Napailing iling na lang ako.

Kinuha nya ang helmet at akmang isusuot saakin.
Pero maagap ko syang napigilan.

"Luke hindi ako sasabay sayo"

"Bakit?"
-Luke

"Wala lang"

"Hindi pwede yung sagot na wala lang"
-Luke

"Kailangan ba may dahilan kapag ayokong sumakay sa motor na to?.hindi ba pwedeng ayoko lang"

"Hindi pwede--"
Sabi nya habang sinusuot na naman sakin yung helmet.
"--kailangan sabihin mo sakin kung bakit, alam mo. Tara na, baka pagod lang yan"

Sumakay sya sa motor at bahagya naman akong hinila at inalalayang makasakay sa motor nya.
Sumakay na lang rin ako dahil alam ko namang hindi na naman sya magpapatalo at ayokong makipag alitan pa kay Luke.
Masyado nang madaming bad vibes ang araw kong ito.
Ayoko nang madagdagan pa.

---
Pa VOTE naman po
PampaGana 😊

CayeLoves💜💕

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now