CHAPTER.71

207 11 1
                                    


Pagpasok ay nakita kong nanunuod ng TV ang kapatid ni TJ,
Yung Nanay naman nya ay paupong natutulog,
Alam nyo yun?. Yung ulo nya nakasandal sa gilid na side ng Sofa,
Basta yon na yon, alam nyo na yan 😂

Napatingin sakin ang batang Lalake,
"Wala pa si Ate?"
Tanong nya
Wow medyo kalmado sya ngayon.

"Wala pa eh"
Sagot ko, napatingin naman ako sa orasan ko, 6:30 na.
Ano bang nangyare don, sabi nya maaga syang uuwe.
"Pero pauwi na siguro yon"
Dugtong ko.
Napatingin ako sa Nanay ni TJ,

"Nakatulog si Mama, madaling araw kasi kami lumuwas pa maynila"
Sabi ng bata, habang patuloy ang panunuod.

"Hayaan mo syang matulog para makapagpahinga, ahmm. Ikaw?. Nagugutom ka ba?. Gusto mong kumain?"
Tanong ko,
Baka sakaling makuha ko ang ugali ng batang to.

"Eh sinong magluluto?.wala naman si Ate, tulog si Mama"
Sagot nyang hindi pa rin ako tinitignan

"Ano bang gusto mong kainin?.pwede namang mag order na lang"

Bigla syang lumingon sakin
"Order?.. Mga fried chiken ganon?"
Sambit nya

Napangiti naman ako
"Oo, yon ba gusto mo?. Gusto mo may spaghetti pa"
Offer ko

"Sige, mag order tayo kuya"
Sagot nya sakin

HAHA huli ka balbon,
Tapos ay kinuha ko ang cellphone ko para mag order sa isang fast food

After an minute ay dumating na ang order namin,
Mukhang gutom na gutom ang bata,
At tuwang tuwa dahil sa dami ng pagkain,

"Kuya ang dami naman nito, mauubos ba natin to?"
Sabi nya.
Niiiiice ang galang na sakin , pagkain lang pala katapat nito,
Kanina sinusungitan ako nito e

"Kaya yan, tayo pa"
Sagot ko naman,
Inilapag ko ang mga plastick bag ng fast food sa center table, ang iba ay sa sahig ko na lang inilapag dahil puno na ang mesa,
Bakit kasi dito kami pumwesto diba,
May dining table naman.

"Ma!--"
Tawag nya sa Nanay nya,
"--Ma gising.. Ang daming pagkain oh"
Sabi nito na may pagyugyog pa sa balikat para magising ito,
"Ma!. Gising na, ang daming pagkain oh.. Dalahan natin si Twinkle, gusto nya tong manok"
Sabi nito habang may ngununguyang pagkain .

Gumising naman na ang Nanay nya at parang gulat na gulat ng makita ang mga pagkain,
"B-Bat ang dami nito?"

"Binili yan ni Kuya, tara Ma kain na tayo ang daming binili ni Kuya oh"
Sagot ng bata sakanyang Nanay

Napatingin naman saakin ang Nanay nya
"Sige na po, kumain na po muna kayo"

Ngumiti saakin ang Matandang babae bago kumuha ng pagkain,
"Kumain ka na rin iho"
Alok nya sakin

"Sige lang po, mauna na po kayo sabay na lang po kami ni TJ mamaya--"
Sabi ko, tumango tango na lang ito saakin
"--excuse me lang po, Mag shoShower lang po ako"
Tapos ay iniwan ko na sila,
Nagpunta na ako ng kwarto para kumuha ng mga damit ko,
Maliligo na ko siguro ay may trenta minutos pa lang ako sa banyo nang marinig ko ang boses ni TJ
Binilisan ko na ang pagligo ko,

TJ POV.

Late ko na nabasa ang text sakin ni Sir Nite,
Nagmamadali akong lumabas ng elevator at pumunta sa unit ni Sir.
Pagpasok ko sa loob,
Hindi pa ko tuluyang nakakapasok sa Sala nang marinig ko ang boses ng kapatid ko

"Ma itabe natin tong isang manok saka spagetti, dalhin natin kay twinkle"

"Ano ka ba terence, nakakahiya naman sa boyfriend ng ate mo"
Sagot naman ni Mama

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now