( N/A : Sorry po kung 2week walang updates, busy po e . Pwede namang magpatawad diba mga kapatid 😄 )
"Talagang isusumbong kita sa pulis kapag di mo binigay sakin yung cctv footage, kaya ibigay nyo sakin yon" pananakot nya sakin
"Talaga ba?. Sige gawin mo, sino kaya unang huhulihin satin? Ako na may copy ng cctv footage o ikaw na prosti dun sa club?." Sabi ko sakanya nakita kong nangilid ang luha nya "the fuck!! Iyak na naman! Iyakin"
"Hi-hindi ako prosti" utal na sagot nya sakin sabay pinunasan ang luhang bigla na lang bumagsak sa pisngi nya.
Pero imbis tumigil ay lalong nagbasakan ang luha nya. Tuloy tuloy na ito, nakatitig lang ako sa mukha nya. Hindi ko alam gagawin ko, gusto ko syang patigilin pero paano?! Paano ko sasabihin na hwag na syang umiyak.
"A-amina kasi yung copy" sabi nya sabay takip ng palad nya sa mga mata nya para di ko makita ang patuloy na pag tulo ng luha nya.
"Stop it, dont cry" kalmadong sabe ko pero hindi pa rin sya tumitigil naririnig ko na ang bawat pag hikbi nya na para bang nahihirapan na syang huminga.
"Tama na yan, alam mo mapag uusapan naman natin to eh.hindi yung idadaan mo lahat sa iyak" paliwanag ko sakanya.
Pero parang hindi nya ko pinapakinggan nakakainis na to ah,
"ANO BA!! DI KA BA TITIGIL DYAN!" sa inis ko ay nasigawan ko sya.
Nakita kong nagulat sya saka tumingin sakin, tumigil sya sa pag iyak pero humihikbi pa rin.
"Haaaay naku namaaaan" nasapo ko na lang ang noo ko saka sya binalingan ng tingin
"Tara na nga, baka mamaya maabutan pa tayo ni mommy dito eh ano na namang isiping ginawa ko sayo" sabi ko sakanya saka hinawakan ang kamay nya at hinaltak palabas ng office.
"Sa-san tayo pu-pupunta?" Tanong nya sakin pero sumasabay naman sa paglakad ko.
" sabi ni mommy ilibre kita diba" sagot ko . Dahil wala na kong ibang maisip na isasagot sakanya.
Hindi naman sya tumutol at sumama na lang.
Lahat ng madaanan naming classroom ay nagtitinginan ang mga studyante kahit pa may teacher na nagtuturo.
Hawak ko ang kamay nya sumusunod lang sya sakin
Tumigil ako sa paglakad dahilan para mabangga sya sa likod ko.
Hinarap ko sya at nakita kong sapo sapo nya yung noo nya.
"Pwede ayusin mo na yang mukha mo" sabi ko sakanya.
Marahan nyang hinila ang kamay nya saka inayos ang buhok nya, nagpunas sya ng mukha gamit ang panyong kinuha nya sa bulsa ng palda nya.
Inayos ayos rin nya ang uniform nya.
Napatingin sya sakin, medyo mugto pa yung mata nya dahilan para maningkit ang mga mata nito.
Sandali ko pa syang tinignan bago ako muling magsalita.
"Ok now?" Tanung ko tumango tango lang sya bilang tugon.
"Lets go" muli ko syang hinawakan sa kamay.TJ POV's
Naglakad kami hanggang parking lot, hawak nya pa rin ang kamay ko. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko dahil sa paghawak nya sa kamay ko ay nakakakuha ng atensyon ng iba pang kapwa ko studyante,
Nakikita ko silang nagbubulungan na malamang ay kami ang pinag uusapan."Get in" biglang sabi nya.
Nablangko ako kaya hindi agad pumasok sa utak ko ang sinabe nya.
"Hey, i said get in" parang iritadong sabi nya kaya napasunod na lang ako.
Kahit hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin
Nung makapasok na ko ay wala sa sarili ko lang syang tinignan sumakay na sya sa loob ng kotse,
Walang nagsasalita samin.
Nakadungaw lang ako sa bintana ng kotse at sya naman ay tahimik rin na nagmamaneho.
Pansin kong nasa hiway na kami.medyo malayo na sa school.
Nilingon ko sya dahilan para mapalingon rin sya sakin
"What?" Tanong nya
"San tayo pupunta?" Tanong ko rin sakanya.
"San ba tayo pwede kumaen" mahinahon na tanong rin nya sa tanong ko.
"Sa-sana sa canteen na lang tayo kung nagugutom ka" hindi sya sumagot at lumingon lang sakin.
"Hmm, s-sa mall na lang, may mga fast food chain dun" biglang bawe ko sa una kong sagot sakanya.
Nakita ko kasing napakunot ang noo nya dahil sa sagot ko.
Yung titig nya nakakatakot , yung seryosong mukha nya parang anytime gagawan ako ng masama .
Patuloy lang sya sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa isang mall,
Nag park sya at bumaba . Bumaba na rin ako nilapitan nya ko saka hinawakan na naman ang kamay ko nauuna syang lumakad sakin.
Hawak hawak nya ang kamay ko sumusunod lang ako sakanya.
Nagpunta kami sa isang fast food chain, halos di ko makain ang pagkain ko dahil naiilang ako alam ko kasing nakatitig sya sakin , hindi nya ginagalaw ang pagkain nya
"K-kumain ka na" mahinang sabi ko.
"Naah' im ok" maiksing sagot nya
Nahiya na kong kumain, napatingin na lang ako sakanya.
"What? Go finish your food" utos nito sakin, ano ba to? Si makautos wagas.
Tinapos ko ang pagkain ko, inisip ko na lang na wala akong kasamang halimaw ngaun para maubos ko.
"Are you done?" Napatingin ako sakanya at tumango.
"Common lets go" akmang tatayo na sya nang magsalita ako
"Yung pagkain mo hindi mo ba kakainin?"
"No" maiksing sagot nya hinawakan nya yung kamay ko para hilain na naman pero nagmatigas ako at hindi tumayo dahilan para lumingon sya sakin na naka kunot ang noo
"Sayang to" nguso ko sa pagkain nya na hindi man lang nya ginalaw
"What?" Ayan na naman yung iritado nyang sagot at mukha.
"Sayang to e, ipabalot natin" piniglas ko ang kamay kong hawak nya saka ito itinaas para makakuha ng atensyon ng mga crew, ilang segundo lang ay may lumapit na samin
"Hey what are you doing" tanong nya sakin
Hindi ko sya nasagot dahil andyan na yung crew.
"Yes po maam?" Tanong ng crew
"Pwede paki balot to, take out na lang namin" mahinahong sagot ko
"Ok po m-"
"No , no" biglang pagputol nya sa sasabihin ng crew
"Sir?" Tanong ulit ng crew
This time ako naman ang sumingit
"Sige na kuya pa take out kami nitong mga to" sabi ko sabay abot sakanya nung pagkain agad naman nya itong kinuha saka umalis.
"Seriously? Ganon ka ba kagutom na gutom?" Tanong nito
"Ikaw tong naghanap ng pwede kainan kanina tapos pagdating dito hindi ka naman pala kakain. Sayang yun kung di natin kukunin ang mahal mahal pa naman ng mga pagkain dito" inis na sagot ko
Nakakunot lang ang noo nyang nilingon ang pintuan.
Dumating ang crew at iniabot sakin ang dalawang plastic nag pagkaing tinake out namin.
Bigla naman nya itong hinablot sa kamay ko , napatingin lang ako sakanya saka naman hinawakan na naman nya ang kamay ko at lumakad na kami palabas ng fast food chain.
Yung totoo? Kailangan ba talaga hawak nya lagi yung kamay ko.
"Where do you live" tanong nya sakin
"B-bakit?" Tanong ko rin.
"i'll take you home"
"Hwag na, ok na ko dyan na lang sa sakayan" pagtanggi ko
"I said ill take you home, whether you like it or you like it very much" kalmado ang pagkakasabe nya napatingin ako sakanya.Wala akong nagawa kundi ituro sakanya ang daan patungo sa lugar kung saan ako nakatira.
"Dyan na lang sa may kanto, tabe mo na lang dyan" sabi ko , pinahihinto ko sya sa isang waiting area ng isang toda ng tricykle.
"Dyan?" Ulit nya.
"Oo dyan na" nakakunot ang noo nyang lumingon sakin.
"Wala kong nakikitang bahay dyan" inis na sabi nya saka hininto ang sasakyan
"Dyan na ko sasakay ng tricykle papasok sa lugar namin" paliwanag ko, pinihit ko ang lock ng pinto pero ayaw bumukas nito. Nagtataka akong lumingon sakanya."Bababa na ko" sabi ko
"Hindi ba kasya tong sasakyan ko sa lugar nyo?."
"K-kasya naman pero kasi nakakahiya naman sayo kaya dito na ko bababa" paliwanag ko
"Liliko ba ko o deretcho?" Kalmadong sabi nya.
"Hwag na nga, ok na ko dito, sige na buksan mo na to, bababa na ko" pagpilit ko
"Ano deretcho?" Sabi nya sabay pinaandar ang kotse,
"Hindi!. Liko ka dyan" turo ko sakanya dahil dederetcho na sya, ang tigas naman ng ulo nito.---
Hello po miiiiLoves,
May mga Typos po, paki intindi na lang mga Loves.
Madami daming chapter pa po ito, di pa na pupublish lahat, SARRREE Owkiey 😂
#CAYELoves 💚💚
--
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Storie d'amore"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?