"Luke ano ka ba, bakit mo sinabi yon"
"Kulang pa nga yon eh, dapat hinayaan mokong upakan yung amo mong mayabang"
Kunot noong sabi nito"Bakit mo naman uupakan aber"
Nag cross arm ako sakanya."Kaaway mo yon diba?. Galit tayo sakanya"
"Haynaku Luke, dyan ka na nga papasok na ko"
Sabi ko at tinalikuran na sya mauubos lang ang oras ko sa pakikipagtalo sakanya"President sandali"
Tawag nya sakin.
Pero hindi ko na sya nilingon at lumakad na deretcho sa classroom ko,NATHANIEL pov
Sumakay ako sa sasakyan para bumalik nang opisina,
Hindi ako nagpunta sa deans office dahil palusot ko lang naman yon para maihatid si Tj,
Ewan ko kung bakit basta i feel guilty nung nalaman kong hindi na sya ang president nang student council,
Dahil lang sa simpleng biro ko nabago ang pagtingin sakanya nang mga schoolmate nya.
Guilty lang to, nothing more nothing less.Naiintindihan ko ang pinanghuhugutan nang galit sakin ni Tj,
May karapatan naman talaga syang magalit.
Eh kasi never pa akong nakapag sorry in the first place,
Kaya nga kaninang umaga ay niyaya ko syang mag almusal kasama ako para na rin makausap sy at makapagsorry nang pormal.Pero yung may eeksenang akala mo anak nang mayor kung angas angasan ako,
Aba teka lang naman.
Matuto syang lumugar.
Teritoryo ko ang tinatapakan nya ,
Pasalamat lang sya at madaming studyante ang nakatingin saamin,
At namamagitan si Tj kaya hindi ko sya pinatulan.
Wala syang karapatang magalit dahil wala akong ginagawang kasalanan sakanya.
Ni hindi ko nga sya kilala,
Lumapit lang naman ako dahil nakita kong inakbayan nya si Tj,
Malay ko ba kung isa sya sa mga nang bubully kay Tj.Nakarating ako sa opisina na nasa school pa rin ang takbo nang isip ko,
Hindi ko makalimutan kung pano ako pagmayabangan nang lalakeng yon.Sino ba yon,
Sino ba sya sa buhay ni Tj.
Ano bang meron sakanilang dalawa,
Boyfriend ba sya ni TJ?.
Kaya makaakbay akbay sya kay TJ.Eh ano naman kung Boyfriend sya.
Ako ang Boss,
Kaya sa ayaw at sa gusto nya magkakasama at magkakasama kami ni TJ,
Kung tutuosin nga pwede pa kong tumambay sa school kung gugustuhin ko makikita ko sila at wala kong pakealam kung masira ang araw nya sakin,Pero hindi ko na ginawa.
Dahil kakabati lang namin ni TJ,
Ayoko lang magbukas nang bagong hidwaan sa pagitan namin,
Ayoko nang may ilangan . Kaya hahayaan ko sila sa ngayon.PRINCE LUKE pov.
Parang nagalit tuloy sakin si President,
Tsk!. Yung mayabang na lalaking yon.
Akala nya matatakot nya ko kung sakanila tong school na to,
Eh bakit sila lang ba ang may sariling school,
Meron rin kami noh.Kung hindi lang ako nagpaloko loko sa pag aaral ko noon baka andon pa rin ako sa sarili naming paaralan,
Masyado na daw kasi akong nagpapakampante na kahit hindi ako pumasok o makipagbasag ulo ako ay hindi ako natatakot dahil sarili namin ang school.Well, kung alam lang nang parents ko, na kahit saan nila ako ilipat na school ganon at ganon pa rin ako,
Hindi ako papasok hindi ako mag aaral at kaya ko pa ring makipag basag ulo kung gusto ko.Kung hindi nga lang ako inawat ni President baka nabasag ko na ang nguso nang mayabang na yon.
Akala ba nya natutuwa ako sa mga ginagawa nya kay President,
Pinapahirapan nya ito sa trabaho alam ko kahit hindi magsabi sakin si President,Saka sya ang dahilan kung bakit palaging binubully at binabastos si president dito sa school ,
Hindi ba nya alam na kamuntik na nyang masira ang buhay ni President.
Napakahalaga pa naman ng pag aaral para kay President.
Dahil wala naman syang ibang maaasahan kundi ang sarili nya lamang.Nakapikit man ako at gustong matulog ay hindi ko magawa dahil pumapasok sa isip ko ang nangyare kanina,
Iniisip ko na baka galit sakin si President dahil kaninang vacant ay tinanggihan nya akong samahan kumain,
Madami pa daw syang gagawin.
Totoo bang madami syang gagawin o gusto na nya akong iwasan dahil galit sya.Napamulat na lang ako nang mata nang may biglang nag angat nang bukas na libro sa mukha ko,
"Bawal matulog dito"
Sabi nang isang babaeng naka varsity jacket na ngayon ay nakaupo na sa isang bakanteng upuan sa tabe ko,Andito kasi ako sa library, dito ako nagpupunta kapag gusto kong matulog
Tahimik kasi dito malamig pa,
Magtatakip lang ako nang bukas na libro sa mukha ko,
Hindi rin naman matao dito kaya nakakatulog ako.Tinignan ko lang ito ,
Teka, san ko nga ba nakita tong babaeng to.
Para kasing nakita ko na sya dati,
Hindi ko lang alam kung saan.
Baka sa bar o sa isang house party,
Mahilig kasi akong magparty noon."Hindi ako natutulog"
Sagot ko"Ah talaga ba?. Kaya pala nakapikit ka"
Sabi naman nitoProblema ba nito?.
Inaaway nya ba ko?.
Nagpapapansin ba to sakin?.
Bakit pinapakelaman ako nito ang dami namang bakanteng lamesa."Nakapikit lang tulog agad?"
Sagot ko at kinuha ang librong pinangtakip ko sa mukha ko kanina,
At kunwareng nagbasa."Palusot mo"
Bulong nya, pero parang hindi naman bulong dahil rinig ko."Miss , Anong problema mo sakin?"
Tanong ko nang hindi pa rin sya tinitignan."Wala, pero gusto kong sumali ka sa basketball team namin"
Napatingin ako sakanya at nakita kong seryoso ito.Now i know,
Tamaaa. Nakita ko na nga sya pero hindi sa isang party o bar .
Kundi sa basketball school tournament,
Naalala ko nang last year ay naglaban laban ang mga university sa larangan nang basketball,
At nakikita ko syang andon."Varsity player ka diba, sa dati mong school"
Saad nito at kumuha rin nang isang libro at kunwareng nagbasa,"Hindi ka na makakapaglaro sa dati mong team dahil magtransfer ka na, sumali ka na lang sa team namin kailangan namin nang tao na magaling sa rebound"
Sabi nito"Ganyan na ganyan rin yung sinabi nang dalawang varsity player na kumausap sakin nung nakaraan sa parking lot"
Sabi ko,"Oo, pero ilang araw na hindi ka pa rin nagpaparegister sa basketball team. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nakapag disisyon"
Sabi nito nang hindi ako tinitignan."Ikaw ang coach?"
Tanong ko"Oo"
Sagot nya."Nakapag disisyon na ko--"
Tumayo ako at akmang aalis na,
"--ayoko sa team mo"
Sabi ko sabay lakad palayo at naiwan syang andon at nakaupo.---
please vote , pa follow na rin 😊CayeLoves💜💕
---
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Roman d'amour"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?