CHAPTER.65

256 5 2
                                        


After nang mahabang discussion ng prof namin ay nagdismiss rin naman ito ng maaga kesa sa inaasahang oras ng out nya saamin.

Meron pa akong 1 hour and 30 minutes free time.
Nagpunta muna ako sa bench para magpahangin nang biglang may tumabe saakin.

"I miss you"
Bungad nya saakin

Sa gulat ko ay wala akong nasambit.
Nakatingin lang ako sakanya minamasdan ang mukha nya.
Bakit ganito itong lalake na ito,
Parang napakadali para sakanya na sabijin ang mga katagang yon.

"Kesa matulala ka dyan, mas maganda siguro kung sasagot ka ng i miss you too"
Muling sambit nya.

Doon ay para naman akong natauhan.
At muling nagbalik sa aking ulirat.
Pero hindi pa rin ako nagsalita.
Nag iwas lamang ako ng tingin.

"Wala kang klase?"
Tanong nya

"Wala pa"
Maiksing sagot ko

"Tara mall muna tayo, para makapag usap tayo. Tagal na rin tayong hindi nakapag usap diba"
Masiglang pag Aya nya sakin

"Next time na lang siguro"

"Okay sige, dito na tayo mag usap"
Biglang nagseryoso yung boses nya.
"Sino yung naghatid sayo kanina?"

Napatingin lang ako sakanya.
Paano nyang nalaman ang tungkol doon?.
Ganon ba kabilis ang balita upang makaabot ng ganun kabilis hanggang sa building nila

"TJ alam ko iniiwasan mo ako, hindi ko alam kung bakit--"
Nakatingin lang ako sakanya at walang masabe.
"--may problema ba?
Tanong nya

"W-Wala, A-Ano ka ba naman Luke. Kung ano anong iniisip mo dyan, Busy lang talaga ako sa school at trabaho"
Sagot kong hindi makatingin sakanya

"Talaga ba"
Sagot nyang parang hindi kumbinsido

"Eto talaga, para kang sira noh?. Hayaan mo pag nagkapera ako ililibre kita para dika na magtampo tampuhan dyan"
Biro ko, para makaiwas na rin sa awkwardness saming dalawa.

Pilit ang ngiti nito saakin,
"Asahan ko yan aa"
Maiksing sagot nya

"Kamusta nga pala kayo ni Akiko?"
Tanong ko

"I think were good, so sino nga yung naghatid sayo kanina?--"
Muling pagbabalik pansin nya sa tanong nya sakin kanina
"--yung nakakotseng lalake. Sino yon?"
Deretchong nakatingin sakin

"Y-Yung boss ko"
Hindi ko alam kung bakit sa tono ng pagtatanong ni Luke ay dapat sumagot ako ng matino,

Narinig kong pumalantik si Luke
"Bakit ba palagi mong kasama yon?. Tsk!"
Iritadong sabi nya

Napatingin ako sa suot kong relo
15mins bago ang next subject ko.
Tumayo ako bago sumagot
"Kasi po master sya po ang boss ko"
Sagot ko sabay Vow,
Naalala ko lang sila aling Lynel kapag kinakausap sya ganon na ganon

Pag angat ko ng ulo nakita kong nakangiti si Luke,
Napangiti na lang rin ako,
Wala eh. Nakakahawa talaga yung simpleng ngiti nya.

"Alis na ko, may klase na ko eh"
Sabi ko

"Hatid kita sa Room mo"
-Luke

"Hwag na noh, ayan lang yung Room ko oh--"
Sagot kong tinuro sakanya ang building sa tapat namin
"--teka, wala ka bang klase?."
Muli kong baling sakanya

Mabilis pa sa alas kwatro ang pag iwas nito ng tingin saakin.
Tumingin bandang itaas na akala mo ay may inaabangang ibon at may pa sipol sipol pa.

"Nag cut class ka na naman?. Ikaw talaga porke mayaman ka wala kang pakelam sa binabayad ng parents mo sa kada semester mo dito"
At para naman akong isang concern parents ngayon.

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now