Lumipas ng mabilis ang oras at uwian na,
Nakauwe ako sa bahay pero parang may kulang,
Sobra kong namimiss sila Mama at mga kapatid ko.
Ang makukulit at maiingay na kapatid ko,
Yung tipong pagdating ko galing bahay ay andyan na si Mama para ipaghain ako ng meryenda, yung mga kapatid kong maingay at magulo.
Pati si Nite,
Na dati ay maagang umuuwe galing trabaho ay wala pa rin.
Noong andito sila Mama maaga syang umuuwe para makabonding ang pamilya ko.
Ang saya sa feeling na para talaga kaming isang pamilya noong andito sila Mama,Magluluto na sana ako nang makakain namin ni Nite nang biglang may magtext saakin.
Nakita kong si Nite ang nag Text kaya agad ko naman itong binuksan.====================================
From; Nite
Love Late ako makakauwe tonight, secure your self Lock the doors,
Eat your dinner dito na ko kakain
Take care,====================================
Haaaaaist !!
Pati ba naman si Nite hindi rin ako sasamahan dito -__-
Nakakamiss sila Mama,
Ang tahitahimik parang hindi na ako sanay
Napatingin ako sa Relo ko,
Alas syiete pa lang ng gabe.Imbis kanina ay tatayo na ako upang magluto sa kitchen ay hindi na naman ako kumilos
Kinuha ko yung unan na ginagamit ni Nite dito sa Sala at ibinalik sa kwarto nya.Nakita kong medyo gulo gulo ang kama,
Marahil ay hindi na naayos ni Mama kanina dahil sa sobrang pagmamadali nya.
Naupo ako sa kama dahil makita ko ang mga ilang papel sa side table ni Nite,
Mga drawing..
Halatang si Twinkle ang nag drawing nito,
Napangiti na lang ako dahil kasama si Nite sa drawing ni Twinkle,
At wrong spelling pa ito sa pangalan ni Nite
"Natanyel"
Bulong ko habang hawak hawak ang papel,Gulat ko nang biglang may pumatak na butil ng tubig sa papel,
Agad ko itong pinunasan,
Mabilis ko ring pinunasan ang pisnge ko.
Naiiyak ako para sa kapatid ko,
Naalala ko yung mga sinabi ng Doctor.
Saang kamay ng Diyos kami kukuha ng mahigit kalahating milyong piso.Nahiga ako yakap yakap ang papel na drawing ni Twinkle,
Napapaisip ako.
Bakit kami pa, bakit sa pamilya pa namin. Bakit sa isang batang katulad ni Twinkle,Nalala ko nung bata pa ako,
Narinig kong nag uusap sina Mama at Papa,
Pinag uusapan nila si Twinkle,
Dahil sinabi ng doctor na si Twinkle daw ay mahina ang puso at di pwedeng mapagod,
Hindi rin sya pwede sa School dahil iniiwasan syang makipaglaro sa mga kaklase at paexpose sa crowded area,Nakita kong umiyak si Mama
"Paano na lamang ang edukasyon ng anak natin kung hindi sya makakapag aral"
Tandang tanda ko pa ang sinabi ni Mama"Alam ko, pero higit sa edukasyon ay mas importante para saakin ang ating anak"
Sagot naman ni Papa,Mula sa kwarto ay lumabas ako at sinabing
"Mama Papa hwag na po kayo mag away, magiging Teacher po ako paglaki ko, para ako na pong bahala magturo kay Twinkle"
Mga pangakong wala akong balak ihinto,
Kahit nahihirapan ako ay pilit ko paring kinakaya,
Ito ang dahilan kung bakit naisip kong kumuha ng kursong education,Tuloy tuloy ang naging pag iyak ko,
Habang inaalala ang dati naming buhay.
Magkakasama at masaya.
Hindi kami mayaman pero masaya kaming nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.Basang basa na ang unan sa kakaiyak ko,
Nakapikit ako habang nag iimagine na sana ay ganon pa rin kami kasaya.
Na sana ay kapiling pa rin namin si Papa ,
Kahit ilang taon na ang lumipas mula nung namatay si Papa ay tandang tanda ko pa rin ang Mukha nya.
Kabisadong kabisado ko ang mga paborito nyang kataga kapag sinasaway nya ang makulit na si Terence,
At kapag kinakantahan nya si Twinkle habang ipaghehele nya ito .
At mga salitang tumatak saakin

YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romance"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?