CHAPTER 45

268 5 0
                                        


Ilang sandali pa bago ako lumapit sakanila
"Aki this is Thesa, President si Aki"
Pagpapakilala ko sakanila sa isat isa

Agad naman ngumiti si President ganun rin si Aki at nakipag beso kay President,
"Hi, classmate kayo?"
Tanong ni Aki kay President
Naka school uniform pa kasi kaming nagpunta dito,

"H-hindi, schoolmate lang"
Nakangiting sagot ni President

"Oh i see, sige nice to meet you ha--"
Sagot naman ni Aki bago ito bumaling nang ngiti sakin,
"--Luke"
Sabi nya bago tuluyang umalis.

Pag upo ko ay nakita kong nakasunod nang tingin sakanya si President,
"Diba sya yung kausap mo dun sa mall?. Nung bumili ka nang drinks, ang ganda nya noh? Grabe parang artista, alam mo kamukha nga nya yung nakita ko sa magazine eh"
Sabi nito

"Sya si Akiko, yung kinukwento ko sayo"
Sabi ko,
Biglang nawala ang mga ngiti at kislap sa mga mata nya.
Napalitan nang pagkagulat.

"S-sya yon?. Sya yung ex mong model?. O my god! Luke bakit hindi mo sinabi, tara magpapicture tayo"
Hawak nito ang braso ko at Akmang tatayo ito nang pigilan ko sya.

"President hwag na, ano ka ba nakakahiya. Bibigyan na lang kita nang pictures nya kung gusto mo madami ako sa phone, gusto mo yung kasama pa ko eh"
Pagbibiro ko sakanya.

"Hwag na noh, kahit pictures na lang nang ex mo hwag ka na"
Sabi ko

"Aba ayaw sa picture ko, bakit picture nya lang ang gusto mo?. Bakit natomboy ka na ba sakanya?. Haha"
Biro ko,

"Tomboy ka dyan, ang sabihin mo. Sawa na ko sa pagmumukha mo noh hahaha"

Nagtawanan na lang kami,
Masaya ang mga kaibigan ko habang nag iinuman pero masaya rin naman akong andito lang sa dining area at kakwentuhan si President,
Hindi sya nauubusan nang kwento.
O nang pangaral at sermon,
Para man syang nanay nakakatuwa pa rin dahil ngayon na lang ulit may naging concern sakin.

Habang masaya kaming nagkukwentuhan ay biglang pumasok si Brix,
"Dude ano?. Bakit andito ka?.tara dun tayo sa sala, what's her name again?"
Sabi nang medyo makulit nang si Brix.

"Its Thesa"
Sagot ko,

Muling bumaling si Brix nang tingin kay President,
"Yea yea, Thesa. Common Thesa join us, hindi yung andito lang kayo ni Luke"
Pag aya nya kay President.

Alam kong naiilang si President at pilit ang ngiti kay Brix,
"No Brix were okay here, sige na puntahan mo si Allyson"
Sabi ko kay Brix.
Alam ko kasing ayaw ni President don, kanina pa nya sinasabi saakin na hindi sya komportable sa mga tao don sa sala, hindi daw sya sanay sa mga ganun. At baka hindi sya makasabay sa mga usapin nila,

"No, No, No, Dude common lets go there. May papakilala ako sayo andyan yung kasama natin dun sa drag race. Si Carlo and his Girl"
Hatak nito sa braso ko,

Ang kulit talaga nito baliw na to eh,
Nakita kong nakangiti si President pero alam kong peke lang ,
Nasabi nya kasi sakin kanina na naiilang daw sya sa mga kaibigan ko dahil mga mukhang sopistikada,
Well, naiintindihan ko naman sya dahil kilala ko ang mga kaibigan kong babae. Alam kong ganun nga sila,

Actually hindi naman ako makikipagkaibigan sa mga yon kung hindi lang sa mga barkada kong lalake.
Yung iba kasi dyan girl friend nila or kaibigan o kapatid and pinsan, so nochoice pakisama na lang talaga.

"Dude susunod ako promise"
Hila ko sa braso kong hatak hatak ni Brix.

"Naku Luke, kanina mo pa yan sinasabi, nakailang bote na kami don pero hindi ka pa rin lumalabas"
-Brix

"Magdadrive pa kasi ako Pare, sige na swear lalabas ako mauna ka na don"
Pilit ko sakanya.

"No, you'll go with me. O gusto mo i'lips to lips kita dito para sumama ka sakin don, hahaha"
Loko talaga nito, hindi sya bading guys pero lagi talagang biro nya yan kapag namimilit sya.

Nilalapit nya ang mukha nya sakin,
Panay naman ang awat at iwas ko sakanya.
Natatawa naman si President samin,
Maya maya ay sumenyas syang sumama na ako,

"Fine fine, sige na Brix--"
Sabi ko kay Brix, bumitaw naman ito saakin. Lumapit ako kay President yumuko ako itinapat ko ang bibig ko sa tenga nya
"--sandali lang ako, babalik ako agad"
Bulong ko sakanya, tumango tango naman ito.

Bigla naman akong hinila ni Brix,
Muli ko pang nilingon si President.
Nakatingin ito saakin, nginitian ko sya at tumugod ito nang ngiti saakin.

Habang nakikipag kwentuhan sa ibang tropa ay may iba pang nagdatingan , mga luma at bagong kaibigan nila.
Hindi ko na kilala personally yung iba dahil naging tropa lang naman nila yung iba dahil sa school o varsity.
Since hindi ko na sila schoolmate hindi ko kilala yung iba,

Nakipagkwentuhan at nakipagkilala ako sa ibang bisita,
Si Brix at enzo ay kung kani'kanino ako pinapakilala palibhasa ay mga lasing na.

Lalong umingay at nagkagulo nang dumating si Andrei,
Isa rin sa mga close friend ko, kapatid ni Aki.
Na late sya dahil galing pa syang pictorial dumating syang may mga kasamang co'models nya.

Lumapit ito saakin at inakbayan ako,
"Long time no see ah"
Biro nito saakin
"Ayan ang dami kong pasalubong sayo"
Pabulong nyang Dugtong na nginuso ang kasama nyang model,

Natawa naman ako sa sinabi nya,
Hindi pa rin sya nagbabago pilyo at mapagbiro pa rin,
Oo aminado akong play boy ako.
Kasama ko si Andrei sa mga kalokohan,
Pero hindi nya ko ni minsan nilaglag sa kapatid nyang si Aki,

Ang pananaw nya ayaw nyang makisawsaw sa personal na problema nang mga kaibigan nya kahit pa nang kapatid nya,
Kaya noon nung kami pa ni Aki,
Palaging sinasabi sakin si Andrei na palagi daw syang inaaway ni Aki dahil hindi sya umaamin kung saan kami nang gagaling kapag umaalis kami,
Whaha. Ganon sya ka loyal sakin hindi nya ko nilalaglag.

"Hahaha sira ulo ka talaga"
Pabiro ko syang sinikmuraan,

Pinakilala nya sakin ang kasama nyang model,
At nagkukwento sya nang biglang may tumawag sa cellphone nya.

Tumayo sya at lumayo para sagutin ang tawag.
Ako naman hindi makatyempo tyempo nang alis dahil ang daming kwento nang foreign model na kasama ni Andrei.

---
😊😊😊💞😘

Tulog na si myLoves kong MaiMai 😘

cayeLovs💜💕
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now