CHAPTER.52

244 5 0
                                        


"Okay na lahat, andito na sa kotse"
Pagtawag ni  Luke sa atensyon ko.

Lumapit ako sakanya ,
Pinagbuksan nya ako nang pinto nang kotse.

Tahimik ako habang nagdadrive si Luke,

"San tayo?"
Tanong nito.

Saan nga ba?.
Wala naman akong mapupuntahan,
Wala naman akong alam na pwede kong tuluyan ngayon.

"Gusto mo sa tambayan ka na lang muna magstay?"
Offer nya

"S-sino bang andon?"

"Sila Brix lang, baka andon rin si Allyson."
Sagot nya

Napabuntong hininga na lang ako dahil ayoko don,
Ayoko kasi ang daming tao.
Hindi sa pag iinarte pero naiilang ako sa mga ibang kaibigan ni Luke,
Alam ko kasing hindi ako belong sakanila

"Ibaba mo na lang ako sa malapit na bus stop, m-may pupuntahan akong kaibigan, dun na lang muna ko habang hindi pa ko nakakahanap nang lilipatan"
Paliwanag ko.

"Hahatid kita san ba yon?"

"Hindi na, medyo malayo yon dito"

"Hahatid kita, hwag nang matigas ang ulo, san ba yon?"

Dahil masakit na ang ulo ko sa kakaiyak ayoko na rin makipagtalo kay Luke,
Nagpahatid na ako sakanya sa bahay nila Anne.

Magbabakasakali akong baka pwede akong makitulog sakanila habang wala pa akong malipatan dahil sa pagkakaalala ko sya lang naman mag isa sa bahay nya.

Wala na rin akong ibang mapupuntahan si Anne na lang ang kaibigan ko kaya sana matulungan nya ako.

Nakasarado ang pinto nang bahay ni Anne.
Pero bukas ang ilaw at rinig ko ang Tv mula sa loob.

"Kaninong bahay to?"
Tanong ni Luke , na pasilip silip sa paligid.

"Kay Anne, dun sa kaibigan kong fan girl mo"

Napangisi naman ito
Kumatok ako at tinawag si Anne.
May lumabas na isang lalake na may kaedadan saamin.

"Si Anne po?"
Tanong ko

"sino sila?"

"Kaibigan nya po ako, andyan po ba sya?"

"Wala sya eh,umuwe nang probinsya sa isang gabi pa ang balik nya dito"

Sabi nito,
Tumango ako at nag paalam na,
Sino kaya yong lalake?.
Dinial ko ang cellphone number ni Anne pero hindi nya ito sinasagot.

Muli kaming sumakay sa kotse nya.
Nagkatinginan kami ni Luke,
Anong gagawin ko.
Wala kong alam na gagawin,
Nakatingin naman si Luke na parang nag aantay nang susunod na gagawin o pupuntahan,

Maya maya ay pinaandar na nya yung kotse,
Nagpatugtog sya sa stereo nang kotse nya dahil sobra ang tahimik namin.
Nakatingin lang ako sa labas nang bintana.

Siguro ay alam nyang wala na akong ibang alam na pupuntahan kaya sya na ang bahala,
Baka dadalhin nya ako sa tambayan nila.
No choice rin naman,
Kahit ayoko don wala na kong magagawa kasi wala akong mapupuntahan.

Naipikit ko ang mga mata ko dahil sa sakit nang ulo ko,
Parang sasabog na ito sa sobrang sakit.
Pakiramdam ko ay buong araw na akong may malalim na iniisip.
Ang sarap sa tenga nang tugtog,

🎶🎵
Do you remember when i said  i'd always be there.
Ever since we were ten, baby.
When we were out on the playground playing pretend.
Didn't know it back then.

Now I realize you we're the only one
It's never too late to show it.
Grow old together,
Have feelings we had before
Back when we we're so innocent.
🎵🎶

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now