CHAPTER.37

286 8 0
                                        


Mabilis akong bumalik sa table ko para muling hanapin ang Flash drive na kanina ko pa hinahanap.
Halos baliktarin kong muli ang table ko at ang mga drawers nang kabinet ko pero bigo pa rin akong makita ito.

"Ms.Cruz pinapatawag ka ni Sir.Nathaniel sa loob"
Gulat ko nang biglang magsalita si Ms.Airish sa likod ko.

Haaaa,
Tawag ako?.
Bakit dumating na ba sya?.
Bakit hindi ko naman napansin na dumating sya.
Bakit ako pinapatawag.
Nakuuuu, anong sasabihin ko kapag nag tanong sya sa akin nang schedule.

Siguradong lagot ako,
Malamang kung ano ano na naman ang mga sasabihin nun sakin.
O baka tuluyan akong tanggalin sa trabaho,
Atat na atat pa naman syang tanggalin ako sa trabaho.

Kumatok ako nang tatlong beses.
Narinig ko namang pinapapasok nya ko.
Huminga ako nang malalim bago pumasok.

Nakita kong seryoso ang mukha nya.
Busy syang nang tatype sa desktop,
Bakit parang may iba sakanya?.
Parang may bago na nakakaganda sa pagkalalake nya.
Parang ang bango bango at ang linis linis nyang tignan ngayon.

Nabigla ako nang makita kong nakatingin sya sakin.
Bigla naman itong tumayo.
Kinuha ang mga gamit at ang hand bag ,
Lumapit sya sakin at inabot ang tablet hand bag cellphone na touch screen at flash drive.

"Lets go"
Sabi nito at bigla naman akong tinalikuran at lumabas nang opisina.

Ano daw?.
Lets go?. Haa?. Lets go saan?.
Ganon lang Lets go lang hindi man lang ako sinasabihan nang maayos kung saan pupunta.

Mabilis naman akong lumabas nang opisina,
Nakita kong naglalakad na ito papuntang elevator.
Patakbo naman akong sumunod sakanya.
Naabutan ko sya sa tapat nang elevator at naghihintay.

Teka nga,
Kamukha lang ba ito nang flash drive na hinahanap ko o ito na talaga yon?.
Sya ba ang kumuha nito sa computer ko.

"Sir?. Saan po tayo?"
Tanong ko.

"You didn't know my schedule?"
Maang na tanong nito sa akin.

"Sir sorry po, hindi ko po alam. k-kasi po yung flash drive dun sa computer ko nawawala"
Pag amin ko sa kasalanan ko.

"Sayo yung Flash drive na inabot ko sayo kanina--"
Sabi nito habang papasok kami sa loob nang elevator.
"--kinuha ko kanina sa laptop mo, next time bago ka umuwe sabihin mo sakin yung schedule ko for tomorrow, para hindi ako nagtatanong kay Airish, yang phone na binigay ko company phone yan. Use it to keep in touch coz i need you hour by hour, ayokong nangungulit kay Airish"
Dagdag nya.

"Noted po Sir"
Mahinang sagot ko.

Parehas kaming natahimik sa loob nang elevator.
Dalawa lang kami dito sa loob.
Nakakapanibago ang kinikilos nya.
Iba sa kinikilos nya noon.
Kung paano nya ako pinapakitunguhan noon ay biglang nagbago na ngayon.

Palagi na syang seryoso na parang palaging galit o iretable at masyadong ma'awtoridad ang bawat sinasabi nya.

*TiiiiiiiNG*
(Sounds effect po nang elevator 😊✌)

Lumabas kami nang elevator at nagpunta sa parking lot.
Sumusunod sunod lang ako sakanya dahil wala talaga akong ideya kung saan ang punta namin.

"Get in"
Sabi nya at pumunta sa driver seat.
Pumunta naman ako sa tabe nang driver seat at pumasok na sa loob.

"May pupuntahan tayong charity event, andoon yung dalawa sa sinusuyo nating investors"
Sabi nito at nag umpisa na sa pagdadrive.

Tumango lang ako tapos hindi na sya nagsalita, ganon rin ang ginawa ko.
Naging abala naman ako sa pag tingin sa view sa labas nang bintana,

Parang nasa labas na kasi kami nang syudad.
Mapuno at madami na kaming nadaanang palayan,

Nang makarating kami sa event ay sobrang daming tao,
Mga mukhang bigatin.
Mukhang mga mayayaman at galante,
Mga desente at sopistikada/sopistikado

Bumaba kami at lumapit sa event,
May lumapit rin naman sa amin na coordinator at tinanong ang reservation namin,
Pagkatapos sabihin ng Boss ko ay hinatid naman kami nang coordinator sa table namin,

Busog na busog ang mga mata ko sa magagandang dekorasyon nang event,
Makukulay at buhay na buhay ang itchura nang lugar.
Sa buong buhay ko ngayon pa lang ako nakapunta sa ganitong klase nang event,
Sa sobrang ganda nang lugar na ito pakiramdam ko darating ang presidente nang pilipinas pati na rin ang mga senador

Habang abalang abala ako sa lingon dito lingon doon sa ganda nang lugar na ito.
Ay may biglang lumapit na waiter at nag serve sa amin nang pagkain.

Yung pagkain,
Naku parang ayaw mo na lang sa sobrang ganda nang pagka ayos.
Pati pagkain dinidesign rin,

Tinignan ko ang Boss ko na busy sa cellphone nya.
Dahil sa hindi naman sya nakatingin ay
Mabilis ko namang kinuha yung touch screen na cellphone , kinuhaan ko nang litrato ang itchura nang event.
At pati na rin ang pagkain na sinerve sa amin

"What are you doing?"
Halos pabulong na sita sa akin ng Boss ko.

Mabilis ko namang itinago sa ilalim nang lamesa ang cellphone.
"P-pang Instagram sir"
Sagot ko naman.

"Tago mo nga yan--"
Asik nya sa akin na agad ko namang ginawa.
"--hindi yan pang social media account mo, company phone yan!"
Sermon nya.

Grabe sungit naman,
Picture lang eh Galit agad?.
Sayang naman kasi ganda pang Instagram.

Tinabe ko ang cellphone at inumpisahan na lang ang pagkain,
Siguro naman ito pwedeng gawin,
Ang kumain diba.

Busy na ko sa kakalafang pero ang Boss ko wala yatang balak galawin ang pagkain nya nang biglang may lumapit sa amin na matangkad na babae,
Parang mga 5'7 ganon.
Mukha syang ahead nang ilang taon sakin,
Pero hindi naman sya mukhang ganon katanda, siguro mga nasa 28 or 27 ang edad nya hindi ako sigurado pero isa lang ang nasisiguro ko,
Isa syang ubod nang yaman.
Halata sa pananamit at istilo nang pananalita,
Kutis pati na rin sa pustura at mga suot na alahas,

Nag usap sila ni Boss,
Nag beso ang babae kay Sir Nathaniel.
At inaya sya nito maupo sa bakanteng upuan sa table namin,

"I never thought that You're so handsome pala Mr Hilton"
Sabi nung babaeng mukhang donya.

"Thank you, and you Ms.Alora youre so gorgeous"
Puri naman ng magaling kong boss sa babae.

"Oh thank you, are you with Anastasia?--"
Sabi nang babae , tumingin ito sa mga bakanteng upuan.
"--who's with you?"
Hawak nya ang tie nang boss ko.
Ipit na ipit ang boses ni ateng girl, halatang nagpapabebe sa boss ko.

At ito namang Boss ko,
Porket hindi kasama si Maam.Anastasia eh lumalande na,
Nakuuuu. Napakababaero.
Isumbong kita dyan makita mo

---
Yung Pini'picturan yung pagkain kapag maganda ang presentation nang Foods,
Tapos ipopost sa IG,
Haha 😂 alam kong Berirong pero gawain ko rin yan .
✌✌😂

CayeLoves💕💜
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now