CHAPTER.64

245 7 3
                                    

***
@office
TJ Pov

Abala ako sa trabaho ang dami kong ginagawa
Nang biglang lapitan ako ni Dianne,

"Hi Tj, pwede mo ba akong tulungan sandali dito"
Sabi ni Dianne saakin.

Hawak nya ang mapakal na mga xerox copy nang mga papel.

"Pinapabinder sakin, sobrang dami eh. Hindi ko kaya mag isa baka abutan ako ng uwian"
Sabi nito

Nginitian ko sya.
Tama sya madami nga ito at aabutin sya nang syam syam,

"Sige sandali lang tatapusin ko lang to"
Sagot ko

Nang matapos ko ang ginagawa ko ay pinuntahan ko na si Dianne para tulungan sya.

Habang nagbabind kami ay nagkukwentuhan rin kami,
Si Dianne ang madalas kong kasama at kakwentuhan ,

Panay ang bungisngis namin ni Dianne,
Nag uusap kami kahit hindi nakatingin sa isat isa.
Nasa kalagitnaan kami ni Dianne ng kwentuhan nang bigla syang tumahimik.
Paglingon ko ay nakita kong nakatayo si Sir Nite sa harapan namin.
Maging ako ay natahimik rin.
At sunod sunod ang naging paglunok

"Tj go to my office now"
Seryosong sabi nito.

"Y-Yes po Sir"
Sagot ko.

Tumalikod na si Sir Nite,
Nagkatinginan na lang kami ni Dianne nang tuluyan nang makaalis si Sir Nite

"Hala girl, tawag ka na naman ni Sir"
Sabi ni Dianne sakin

"Oo nga eh, bakit kaya. Saka nakasimangot na naman si Sir"

"Oo nga e , sige maiwan na muna kita dito ha. Punta muna ko sa office baka matalakan pa ako ng bongga"
Saad ko naman.

At nagtungo na nga ako sa opisina ni Sir Nite,
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako tuluyang pumasok sa loob.

Agad ko syang nakitang nakaupo sa mini dining area nya at inilalabas ang mga pagkain na nasa loob ng paper bag.

"S-Sir?"
Pagtawag ko sa pansin nya

"Come here"
Yon lang ang naging sagot nya saakin.
Lumapit naman ako sakanya.

"Maupo ka na, kumain na tayo"
Gulat ako sa sinabi ni Sir Nite,
Tama ba ito?.

Wala sa sarili kong naupo naman ako
Pero hindi ako kumikilos para kumain dahil parang hindi pa ako sigurado sa mga narinig ko.

"What?. I said lets eat"
Ulit nya.

At doon na nga ay kumain na rin ako,
Kasi ayan na naman yung tono nyang parang inis na inis eh.
Para bang tono ng isang babaeng nireregla.

"Anong ginagawa mo don sa pwesto ni Dianne?"
Pagbasag ni Sir Nite sa katahimikan namin.

"Ahm, nagpatulong lang po sya saakin na magbinder ng mga xerox copy na proposal Sir"
Sagot ko.

Tumango tango lang ito,
Saan kaya galing ang pagkain na ito,
Sobrang sarap.

Sana pagdating ng araw ay matutunan ko rin magluto ng ganito kasarap.
Siguro ang mahal nitong pagkain na to,
Sobrang sarap kasi talaga eh.

Sarap na sarap at enjoy na enjoy ako sa pagkain nang bigla akong napatigil sa pagkain.
Sobrang sarap nito, at nakakasigurado akong napakamahal rin nito.

"S-Sir ? M-Mahal po itong pagkain na ito ano?"
Tanong ko

"Why?"

"Isasama nyo po ba ito sa utang ko Sir?"
Tanong ko na naman.

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now