CHAPTER.22

308 9 0
                                    

Nang makarating na kami sa bahay ay wala nang ibang bukang bibig si Anastasia kundi ang pumasok na daw ako sa opisina nya at tulungan sya kesa naman sa pagood time good time na lang ako palagi.

Pinipilit nya akong tulungan sya sa opisina dahil magbubukas sila ng mga branch sa ibat ibang probinsya.
Balak nyang magbukas ng branch sa davao cebu at romblon,
Ilang bwan daw syang mawawala kaya kailangan nya ng makakatulong para sa main office ng H&P

Hindi naman ako kaagad sumang ayon,
At palagi ko syang binibiro na kayang kaya naman nya yon.
Dahil bilib ako sa kakayahan nya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo.

Sa ganong paraan kami nagbibiruan, palagi kong dinadaan sa biro ang lahat kapag kausap ko si Anastasia.

Ako kasi sa totoo lang kung magpapatakbo man ako ng negosyo gusto ko yung sarili ko, napipilitan lang naman akong magtrabaho nung nasa amerika ako dahil sa napipilit ako ni daddy,
Sympre hindi rin ako makahindi dahil sa takot ko sakanya.

Pero dito hindi nila ako kaya,
Hindi nila ako masabihan ng kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin.
Ayos naman sana ang buhay ko dito kesa sa amerika,
Its just. Ayoko lang talaga makasama si mommy,

Hanggang sa kwarto ko ay sinundan parin ako ni Anastasia
At pilit na kinukumbinseng pumasok sa opisina,

"Bakit ba gusto mo kong papasukin sa opisina nyo?. Ilang taon mo nang ginagawa ang trabaho mo hindi mo naman kinailangan ng tulong ko"

"Nite wala ka rin namang ginagawa , ano ba naman yung tumulong ka sakin sa opisina habang andito ka pa sa pinas diba"

"ill think about it--"
Sagot ko sakanya
"--so can you please just give me a minute?. Gusto kong mag shower"

"Hm, Fiiiiiine" sabi nya sabay hands up saka tumalikod palabas ng kwarto,

Ang kuliiiiit , kung magkakaron ako ng girlfriend tapos ganito rin kakulit.
Baka masiraan na ako ng ulo,

Kung sabagay, malabong mangyari yon,
Never ko pa naman naranasang mabaliw sa babae.
At wala akong balak mabaliw sa isang babae ,

Maliligo na sana ako nang tumunog ang cellphone ko,
Tumatawag si Kevin. Anong kailangan nito

"Yo?"

[Nite? Nasan ka?]

"Bahay, why?"

[Tara, chill tayo]

"Sige, san ba?"

[Sa club]

"Ok, ill be there"

Naligo na ko at nag ayos ng sarili,
Umalis ako ng bahay ng hindi nagpaalam kay Anastasia,
Hindi rin ako nagsabi kay mommy dahil wala pa sya nang umalis ako sa bahay.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa club, agad kong nakita si kevin at jayson . Kasama rin si princess na pinsan ni kevin at may dalawa pang babae na hindi ko kakilala.

Tamang chill lang ang ginawa namin, ilang beses nagpunta sila kevin at jayson sa dance floor at nagsasasayaw don,
Hindi ko hilig ang magsayaw kaya naman wala akong ibang ginawa kundi ang uminom ,
May mga iilang babae rin ang nagpapacute sakin at lumalapit para makipagkilala.
Ganito rin ang gawain ko sa amerika

Habang lumalalim ang gabi ay sobrang nalalasing ang mga babaeng kasama namin,
Yung isang babaeng kasama nila kevin ay hindi na umalis sa tabi ko.
Kaninang kanina pa ako nilalandi
Kaya pinagbigyan ko na rin.

Sinabihan ko si jayson, kaya sinenyasan nya na ako na magpunta na sa private room nila,

At doon nga ay ginawa namin ang kanina pa nya ninanais nais,
Magaling sya ,
Halos sya na lang ang gumawa ng lahat ng trabaho

Nang matapos ay agad rin kaming lumabas, isang mabilisang sarap lang ang ginawa namin,
Humirit pa sya ng isa pero sinabi kong next time na dahil gusto ko pang mag inom.

Bumalik kami sa table namin at muling nag inom, lasing na lasing na ang mga kasama naming babae.
Kanya kanya na silang paglalande kahit si princess at kevin ay lasing na.
Kami na lang ni Jayson ang tanging matino pang nakakapag kwentuhan,

Sanay talaga siJayson dahil palagi naman syang andito kaya madalas syang mapainom,
Ako naman. Gumamit ako ng marijuana bago umalis kanina kaya hindi pa ko tinatamaan sa alak,

Bigla naman nagkayayaan na magpunta sa isang restaurant para kumain at magpababa ng tama sa alak ang iba naming kasama,

Papunta kami sa restaurant nang mapadaan kami sa ibang ktv disco bar,
Kotse ko at kotse ni kevin ang gamit namin.

Napalingon ako sa isang ktv bar nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na mukha ng isang babae,

Binagalan ko ang takbo ng kotse para masiguro kung sya nga ba ang nakita ko,
Napakunot noo ako nang makilala sya.
ikinagulat ni jayson at princess ang bigla kong pagtigil ng sasakyan.

TJ's pov

Sumapit ang gabi at nagkita na kami ni anne,
Gaya ng dati ginamitan ko ito ng ipinagbabawal na teknik 😂
Medyo tumitibay na rin ako sa alak kaya hindi na ako sobrang nalalasing,

Lumalim na ang gabi at maya maya pa ay uuwe na rin kami,
Nakita ko ang isang grupo ng lalake na susuray suray

"Sir, free taste po--" sabay ngiti
"--try nyo na po yung bagong brand namin"

"Kapag ba sinubukan ko to, sasama ka sakin" sabi ng isang lalake, sabay lapit saakin, as in sobrang lapit.

"A-ah eh, sir h-hindi ho ako pwedeng sumama sainyo"

"Bakit naman hindi, galante naman ako magbayad eh" sabi nito sabay akbay saakin,

Bigla naman akong kinilabutan sa ginawa ng lalaking ito,
Tumayo lahat ng balahibo ko at parang nanlambot ang tuhod ko.
Para akong naistatwa at hindi agad nakagalaw,

"Get your hands off to her"

Napalingon kaming lahat ng biglang may magsalita sa likuran namin,
Laking gulat ko nang makitang ang anak ni Mrs.hilton ang lalaking nagsalita sa likod namin,

Tinanggal ng lalake ang pagkaka akbay nya sakin, saka tuluyang hinarap si Nite,

"At sino ka naman? Super hero nitong babaeng to?"

Maya maya ay lumapit ang Nite na to sakin, sabay hablot sa kamay ko at bigla akong hinila ,

"Lets go" kalmadong sabi nito,

"Hoy bastos ka ah!! Kita mong samin sasama yan eh,--" Sabi ng isang lalake
"--bakit! Gusto mo ikaw ang mag take out dyan!!"

Nagulat ako sa sumunod na nangyare dahil biglang
*BOOGSH!!*
At duguan na ang nguso ng lalaking umakbay sakin kanina,

"Ikaw ang bastos!!, sa susunod mamimili ka ng babastusin mo!!"
Sigaw ni Nite, na syang nakakuha ng atensyon ng karamihan.

Maya maya ay *BOOGSH!!*
Nagulat na lang ako at napa upo na si Nite sa sahig ,
Dahil gumanti ng sapak yung lalake.

Naglabasan ng kotse ang mga kasama ni Nite at nagsilapit saamin,
Pero bago pa man nila maawat si Nite ay nakatayo na ito at nakabawe na naman ng suntok sa kalaban,

Isang lalake pa ang susuntok rin sana kay Nite, pero naiwasan nya ito at mabilis na gumanti ng suntok

Muling lalapit sana yung mga lalake at pagtutulungan na si Nite nang maagap na dumating ang mga gwardya ng Bar at awatin sila,
At pilit na paghiwahiwalayin.

Binalingan ako ni Nite ng masamang tingin,
Nagulat naman ako nang biglang hatakin ni Nite ang kamay ko,
Hila hila nya ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng sasakyan nya.

Kahit ang mga kaibigan nya ay hindi nakapag salita agad nang makita nila kung paano ako hilain ni Nite papunta sa kotse nya.

---
Hi guys :)
Pa vote po,
Saka promote ko na rin yung isang story ko

[ My Fake Wife ]

Yun lang po miLooooves, mamats :*

cayeLOVES 💞💜
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now