nagpahinga sila mama sa Loob ng kwarto ni Sir Nite,
Nung una ay ayaw nitong pumayag,
Sinasabi nilang dito na lang daw sila ni Terence sa sala at kami na daw ang sa kwarto,
Pero mapilit si Sir Nite,
Sinabi nyang sila Mama na don para komportable silang makapag pahinga dahil malayo pa ang pinang galingan nilang byahe,
Sa huli pumayag na rin sila mama.Inayos namin ang sala , medyo inusog namin yung center table para makapag latag sa sahig,
"Ako na sa sahig, dito ka na sa Sofa"
Ani ko,"Hwag na, dyan ka na sa Sofa"
Sabi naman nya at nahiga na.Maya maya pa ay muli itong tumayo mula sa pagkakahiga,
"Bakit?"
Tanong ko"Di ako makatulog pag maliwanag"
Sabi nya,Tumayo ako para patayin ang ilaw,
Habang papunta ko sa switch ng ilaw . Nakita ko syang nag tanggal ng t.shirt
Napansin nyang nakatingin ako sakanya"Bakit?"
Tanong nya sakin"Bakit ka naghuhubad?"
Tanong ko rin"Ganito ko matulog eh"
Sabi nya saka nahiga na ulit,Habang naglalakad pabalik ay bigla na namang nagsalita si Sir Nite,
Hindi ko na nakikita ang itchura ng mukha nya kung nakapikit na ba sya o hindi
"TJ, sino yung Twinkle?""Kapatid kong bunso"
Sagot ko"Asan sya?"
-Nite"Nasa Hospital"
"Anong nangyare?. May sakit ba sya?"
"Meron, may butas yung puso nya"
Hindi na sya nagsalita ulit,
Pero narinig kong nagpabuntong hininga sya.
Nang hindi na sya nagsalita ay inisip ko na lang na tuluyan na syang natulog,
Natulog na rin ako dahil may pasok pa ako bukas sa trabaho at school,
Hindi ko pa alam kung saan ko dadalhin si Mama at Terence bukas.Kinaumagahan ay nagising na lamang ako sa ingay ng paligid.
Napamulat ako ng mata at nakitang lahat sila ay abala sa kanya kanyang ginagawa.
Bumangon ako at nag ligpit ng hinigaan ko.Nakita ko si mama na nagluluto sa kusina
Si Terence naman daw ay maliligo na
Tinuro ko sakanya kung saan sya maliligo
Teka, anong oras na ba?.
Gulat ako nang makitang mag aalas sais na,
Asan si Sir Nite?.
Pumasok na ba sya?. Bat ang aga namanLumapit ako kay mama
"Ma, ako na po dyan"
Ani koNaupo si mama,
Maya maya pa ay dumating na rin si Terence galing banyo."Ma, maligo ka na, ang sarap maligo may shower kaso ang lamig ng tubig"
Narinig kong ani ni Terence"Dapat ginamit mo yung heater sa banyo"
Sagot ko naman kahit hindi sila nililingonHindi ko na narinig na sumagot si Terence,
Bakit kaya parang may lihim na galit sakin ang kapatid ko,
Dati sobrang close kami at napakarami naming pangarap.
Pero ngayon palagi nya akong kinakausap at iniiwasan.
Kahit hindi nya sabihin alam kong may galit sya saakin.
Ang tanong ko lang ay bakit?.
Anong nagawa ko?.Habang nag aasikaso ay laking gulat ko nang may biglang payakap na niyapos ang beywang ko.
"Goodmorning Love"
Sabi nito at hinalikan ako sa pisnge,Para naman akong naistatwa sa ginawa ni Sir Nite,
Hindi ako nakakilos agad.
Ramdam ko rin ang pamumula ng mukha ko,
Mabuti na lang at nakatalikod ako kila mama habang nagluluto"Kakain na ba tayo?"
Tanong nya"H-Ha?.. Ah, O-Oo.. Oo kakain na"
Utal na sagot koHinawakan nito ang ilang hibla ng buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko.
Tapos nun ay nakita ko syang naupo sa tabe ni Terence

YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romansa"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?