Naglalakad kami papunta sa bench area.
Nang sawayin ko sya."Bakit dito tayo pupunta, hindi pa ko nakakapag vacant"
Sabi ko,"Ako rin naman ah, dito na tayo kumain magulo sa canteen--"
Sabi nito saka pinaupo ako sa isang bench
"--ako na bibili, dito ka na lang. Masyado kang artistahin eh. Pinagbubulong bulungan ka"
Biro nito sabay tawa.Napangiti na rin ako dahil alam ko naman ang ibig nya talagang sabihin.
Kumuha ako nang 50pesos sa wallet ko
At inaabot ito sakanya."Hwag na, my treat"
Sabi nya at kinuha ang wallet nya sa pack bag nya at saka inilapag ang bag nya sa tabe ko."Naku, hindi noh. Kunin mo na to sige na Luke kunin mo na to"
Pigil ko naman sakanya."Hwag na nga, ako na to. Kakakuha ko lang nang allowance ko, sagot ko na okay?. Hintayin mo na lang ako dito"
Sabi nya sabay ngiti sakin.Kahit palagi nya akong nginingitian ay parang laging bago sakin ito.
Nabibigla pa rin ako kapag nginingitian nya akoPara kasi syang model nang toothpaste, ang ganda nang mapuputi at pantay pantay nyang ngipin.
Mapula na parang naka lipstick ang kanyang maninipis na labi.Sa totoo lang, totoo ang mga sabi sabi nang mga kapwa ko estudyanteng babae,
Gwapo nga si Luke,
Kaya hindi ako magtataka kung isang araw ay susubukan na lang ako patayin ng mga estudyanteng babae dito sa school dahil sa tindi nang pagkainis nila sakin.Ilang sandali pa ay bumalik na si Luke,
Nasa malayo pa lang sya ay nakangiti na ito sakin
"Ang bilis mo ah"
Bungad ko sakanya."Hahaha mababait kasi yung mga schoolmate natin, pinasingit ako sa pila nang counter"
Napataas nang bahagya ang kilay ko.
"Siguro puro babae ang nakapila"
Biro ko sakanya."Hahaha uo, tara kaen na tayo"
Nagulat naman ako nang makita ang binili nya.
"Luke, bat ang dami mong binili""Madami ba yan?. Haha gutom ako eh"
Kumain kami at nagkwentuhan,
Kinukulit nya akong samahan na lang syang mag cut class at hwag na pumasok.
Ako naman pinipilit syang pumasok na sya sa klase nya after nang vacant.Napatigil kami sa pag uusap nang biglang may dalawang babae sa kabilang bench na nakatingin samin,
Hindi sila yung mga babae kahapon pero ang mga sinasabi nila ay parehas lang sa mga babae kahapon.Malande , maharot at hindi daw ako deserving para sa scholar at pagiging president nang student council,
Mabilis na nawala ang mga ngiti sa mukha ko,
Parang hiyang hiya ako sa mga naririnig kong sinasabi nila tungkol sakin."Are you okay?"
Nagulat ako sa sinabi ni Luke.Hindi ako sumagot pero mabilis naman akong ngumiti sakanya at tumango tango.
"Alam mo ba girl sabi sabi dito na G.R.O daw yan at isang gold digger" - girl #1
"Talaga?. Kaya siguro nung nakita nya yang transferee na yan ay sunggab agad agad ag ginawa nya" - girl #2
Napayuko na lang ako dahil sa mga naririnig ko.
Napapagod na akong umiyak,
Napapagod na akong manahimik,
Pero anung magagawa ko?.
Ang awayin rin sila?.
Makipagtalo araw araw sa mga schoolmate ko para araw araw meron silang mga bagong isyung ipupukol sa akin."Ahm, excuse me. Hi im Luke--"
Narinig kong sabi ni Luke, kaya agad naman akong nagtaas nang mukha, at nakita kong andon na sya sa kabilang bench nakatayo sa harap nang dalawang babaeng nakaupo sa bench.
"--sya ba yung pinag uusapan nyo?"
Tanong nya sa mga babae, nakangiti si Luke sa mga ito.Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nang lalaking to,
Ano naniniwala na ba sya sa mga sabi sabi tungkol sakin."Gosh gurl.! Nag hi sya sakin, ehem!. H-hi rin" -girl #1
"Ano ka ba, sakin sya nakatingin noh, hi rin im abby and this is my friend alice. A-aahm, uo eh, sya nga yung pinag uusapan namin. Narinig mo pala?. N-naku buti naman at narinig mo, alam mo kasi gold digger ang malanding yan" -girl #2
Napatingin silang tatlo saakin kaya nag iwas ako nang tingin sakanila,
Pati si Luke ay ganon na rin yata ang iniisip sakin,
Kung sabagay . Isa lang ako, laban sa buong university na ang sinasabi ay gold digger ako, pakawalang babae at malande."Uo narinig ko, pano naman kasi ang lalakas nang boses nyo kaya abot don sa pwesto namin, dont you guys ever heard about good manners?.kung gusto nyo kausapin nyo na lang sya sa maayos na paraan hindi yung pinaparinig nyo lang, kami na nga yung umiiwas pero sinusundan nyo pa kami hanggang dito. Akala ko pa naman mababait kayo, salamat nga pala sa pagpapasingit sakin kanina sa pila dun sa counter ng canteen ha"
Sabi ni Luke at nakita ko pa syang ngumiti nang ubod nang lapad sa mga babae.
Samantalang ang mga babaeng kinausap nya ay halos hindi na maipinta ang pagmumukha.Ilang hakbang pa lang si Luke mula sa pagkakatalikod sa mga babae ay nakita kong bwesit na tumayo ang mga ito at umalis na,
Lumingon pa ang isa sakanila at tinignan ako nang masama."Hwag mo na sila tignan"
Sabi ni Luke ,
Muli syang umupo sa tabe ko. Nagbukas nang in Can soft drinks at inabot sakin."Luke, bakit mo ginawa yon?"
"Bakit hindi?"
"Haist!, hindi mo na sana sinabi yon sakanila"
"Tapos sila pwedeng magsabi nang kahit ano tungkol sayo?. Palagi ka na lang tumatahimik at umiiyak sa isang sulok kapag andyan sila at harap harapan kang binabastos"
"Kahit na, baka lalo lang lumaki yung gulo baka pati ikaw madamay"
"Edi idamay nila ko, sanay na ko sa mga ganyang tao. Wala akong pakelam sa kung ano sasabihin nila sakin, hindi ako maaapektuhan pero ikaw konting bagay lang parang gusto mo nang umiyak"
Hindi na lang ako sumagot.
Dahil totoo ang mga sinasabi nya
Na palagi na lang akong kinakaya kaya nang mga schoolmate ko,
At kahit hindi nila alam ang totoong nangyare ay mabilis na agad nila akong nahusgahan."TJ Look hindi pwedeng palagi ka na lang mananahimik, gusto mo ba hanggang pag graduate mo ganyan gawin nila sayo or worst hindi ka makagraduate dahil sobra kang naaapektuhan"
Napaharap ako sakanya,
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko,
Ngumiti ito saakin at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko."H-hindi mo ba naiisip ni minsan na baka totoo yung mga sinasabi nila tungkol sakin"
"Totoo man o hindi yung sinasabi nila tungkol sayo i dont care, youre my friend and i want to protect you from them"
"B-bakit?"
"Ewan, hahaha. Tama na yan, kumain na tayo"
Sabi nito. Natawa naman ako sa puntong natawa sya.
Nakakahawa ang tawa nya eh.---
Umi'eksena si Tsuper Hero Luke
Ahue.Ahue 😊Pa Follow naman po ,
Pa Vote
Pa CommentTenchu,Tenchu 😘
CayeLoves💜💕
---

YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romansa"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?