CHAPTER.36

293 6 0
                                        


"President gusto mo mag chill out?"
Tanung nya habang nagdadrive,
Nagkatinginan naman kami sa side mirror nang motor nya.

"Ayoko, gusto ko nang umuwe"
Mabilis na sagot ko

"Good, may magandang movie ngayon sa sine"
Nagsalubong naman ang kilay ko

"Luke ang sabi ko gusto ko nang umuwe diba?"

Hindi naman ito sumagot pero nakita ko mula sa side mirror na nakangiti ito.
At papunta na ang way namin sa isang mall.



Nagpalakad lakad muna kami sa mall,
Tahimik lang ako kahit kinukulit ako nang sobra ni Luke ay hindi ko sya masyadong pinapansin hindi ako nagsasalita kung tungkol sa kalokohan lang ang sinasabi nya.

Huminto kami sa tapat nang isang Nike store,
Actually halos mag iisang oras na kami naglalakad.

"President dito ka muna, bibili ako nang drinks natin"
Sabi nito tumango lang ako at hinayaan syang umalis.

Sinundan ko sya nang tingin,
Nakita ko syang namimili sa menu.
Lumingon pa ito sa akin at ngumiti.
Pinagtitignan sya nang ibang babae siguro ay kinikilig at nagagwapuhan sakanya.

Hanggang sa nakita kong may lumapit sakanya isang lalake at isang maganda babae,
Sobrang puti, mahaba at curl ang buhok chinita manipis at mapula ang mga labi.
Para syang isang manika,

Nakita kong nag shake hands ang lalake at si Luke,
Sandali lang silang nag usap.
Maya maya ay umalis na rin ang dalawa at naiwan si Luke sa kinatatayuan nya.
Napansin kong sinundan pa ni Luke nang tingin ang dalawa,

Tapos ay lumingon ito sa akin,
Seryoso ang mukha nya.
Limang segundo siguro syang nakatingin tapos ay bumalik ang tingin nya sa menu nang drinks.

Ilang minuto pa ay lumapit na ito sa akin na may dalang dalawang milk shake
Inabot nya sakin ang isa.
Seryoso ang mukha nya.

Anong nangyare dito?.
Kanina lang ang harot harot at ang kulit kulit.
Hindi nawawalan nang sasabihin.
Tapos ngayon napaka tahimik naman na parang walang kasama.
Nakatingin sya sa malayo at mukhang malalim ang iniisip.

Maya maya ay lumingon ito sa akin
Seryoso ang mukha nya.
"President tara na, sa susunod na lang siguro tayo manuod nang movie"
Seryosong sabi nya.
At nagpaunang maglakad.

Hindi ko alam kung anong problema nang lalaking to,
Bakit biglang sinumpong hinayaan ko na lang tong topakin na to.

Sinundan ko na lang sya hanggang sa parking lot ,
Sinuot nya sakin ang helmet.
At sumakay na sa motor.
Tahimik lang sya sa pagdadrive
Tahimik lang rin ako
Hanggang sa makarating kami sa bahay.

Bumaba ako at tinanggal ang helmet,
Binigay ko sakanya ito
"Salamat"
Sabi ko

Tumango lang ito sa akin,
Hindi ko na natiis pa ang katahimikan nya.
"Luke, okay ka lang ba?"
Tanong ko sakanya.

Tumingin ito nang seryoso sa akin,
Malungkot ang mga mata nya
Tumango ulit sya.

"Sigurado ka?"
Ulit kong tanong.

Ngumiti ito sa akin pero alam kong peke lang ang mga ngiti nya.
"Okay lang, pumasok ka na President para makapagpahinga ka na"
Sabi nito.

Nagpaalam na itong aalis na,
Sinundan ko sya nang tingin hanggang sa makaalis na sya.

Anong problema non?.
Okay naman sya kanina.
Sino ba yung babae at lalaki na nakausap nya,
Mula kasi nung nakausap nya yon sa mall kanina nag iba na yung mood nya.

Pumasok ako sa bahay ,
Nagpahinga at inisip.
Lahat nang nangyare sakin ngayon araw.
Naalala ko na naman ang bago kong amo,
Parang ayoko nang magbukas dahil sigurado bubwesitin na naman ako nun.

Naisip ko rin si Luke,
At ang biglang pagbago nang mood nya kanina.
Hindi naman sya dating ganon pero kanina biglaan syang naging malungkot at tahimik.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sobrang dami ng iniisip ko,
Mabilis akong nakatulog marahil ay dahil sa dami nangyare ngayong araw at pagod na rin.



KiNABUKASAN

Maaga akong pumasok para maayos ko ang schedule nang bago kong boss,
Dahil hindi ko ito nagawa kahapon, at baka mapagalitan na naman ako,
halos wala pang tao sa opisina,

Andito ako sa table ko,
Pero bakit ganon?.
Parang gumulo dito.
Iniwan ko naman ito nang maayos kahapon.
Wala rin namang ibang umuupo dito kapag umaalis na ko.

Binuksan ko ang computer ,
Pero laking gulat kong wala don ang flash drive na ginagamit ko.
Andon pa naman lahat nang schedule nang boss ko.

Agad akong tumayo para hanapin ito.
Mabuti pang mahanap ko ito habang wala pang ibang tao,
Baka makarating pa kay Sir Nite o Sir Nathaniel masabihan pa akong hindi responsable,
Parang sobrang pinag iinitan pa naman ako nun.

Halos baliktarin ko na ang table ko pati na rin ang mga drawers sa kabinet ko tinignan ko na rin sa basurahan.
Pero hindi ko talaga makita.

Nagulat ako nang biglang lumabas mula sa loob nang opisina ng boss ko ang janitor na may dalang walis at dust pan.
Naisip ko naman na baka may nawalis sya o baka natabe.

"Kuya, may nawalis po ba kayong flash drive dito?"
Tanong ko sa medyo may edad na janitor,

"Flash light ba kamo?"
Tanong rin nya.

"Ay hindi po, flash drive po--"
Sabi ko na pinapaliwanag kung gaano ito kaliit at ano ang itchura nito.
"--ganito lang po sya kaliit, kulay black po na nilalagay dito oh"
Turo ko sa computer.

"Naku iha hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala pa naman akong nawawalis dyan kasi doon ako sa opisina ni Sir Nathaniel nag umpisa maglinis"
Paliwanag naman nya

Mabilis naman akong tumango
Naku naman, nasan na ba kasi yon.
Patay na naman ako nito sa boss kong dragon.

Nakita kong dumating si Ms.Airish
Agad naman itong ngumiti saakin.
"Good morning, ang aga mo ah"
Bati nya sakin.

"Good Morning rin po Maam"
Sabi ko rin naman,
Naglakas na ako nang loob na magtanung kay Ms.Airish
"Maam?. Kahapon po, pag out ko. Napansin nyo po ba yung Flash Drive sa desktop ko?"

"Hindi eh, bakit?"
Tanong rin nya

"A-ah, w-wala naman po maam"

"Okay, nga pala nabigay mo na ba yung schedule ni Sir Nathaniel?"
Muling sabi ni Ms.Airish

"H-hindi pa po Maam, K-kasi po--"

"Pakibigay na ha, tumawag sya sakin kanina nagtatanong nang schedule"
Putol ni Ms.Airish sa sasabihin ko.

Nakuuu Lagot (ಥ_ಥ)
Siguradong sermon at kung ano ano na naman ang sasabihin nun sakin,
Anong gagawin ko.
Anong gagawin ko.
Please help me God.


---
HuuLuuuuh, Lagot na naman ang ate mong Gurl kay Boss :/

Pa vote naman po,
PampaGANA lang.
Thanks :*

#cayeLoves💜💕
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now