CHAPTER.76

240 8 0
                                        


Natulog kami ni Nathan ng may nakapaitan saaming unan pero nagising ako nang ako na lang mag isa,

Asan na yon?.
Ni hindi ko man lang naramdaman na umalis sya o bumangon dito sa kama,
Bumangon na rin ako

Bubuksan ko na sana ang pinto nang kwarto nang kusa itong bumukas at niluwa si Nathan na bagong paligo,
Half Naked at wet Look.
Niiiiiiice !

"Oh!"
Sambit nya nang makitang nakatayo ako sa pinto at muntikan pa kong matamaan sa pagbukas nya.

Mabilis naman akong nag iwas nang tingin at mabilis na umatras,
Masyado kasi syang malapit saakin.

"A-Ang aga mo"
Sabi ko nang hindi sya matignan

"Oo, halos di ako nakatulog"
Sabi nya,
Tumalikod ito saakin,
Kaya napatingin ako sakanya.
Habang kumukuha sya nang damit, at nag pupunas sya nang buhok

"B-Bakit?. Di ka ba sanay na may katabe?. Sabi ko naman kasi sayo sa labas na ko matulog"

"Okay lang naman yung may katabe, pero yung may bigla biglang magdadantay sakin ng hitang ang lulusog....--"
Sabi nya sabay lingon sakin
"--....tapos pabagsak pa kung idantay sakin. ..-"
Muli syang tumalikod at ipinagpatuloy ang pagkuha ng damit
"--...nakakagulat kaya, pagising gising ako"
Sabi nya

Ako naman ay napatakip na lang sa bibig ko nang marinig ang mga reklamo nya tungkol sakin,
Grabe.. Nakakahiya naman,
Naalala ko dati si Mama sinasabi rin yan sakin,
Na mabigat daw ang Paa ko kapag dumadantay,

"S-Sorry"
Mahinang sambit ko

Nakita ko itong malumanay na ngumiti saakin,
"Its okay myLove...--"
Sabi nya , lumapit ito saakin at hinawakan ang buhok ko.
"--...pabihis ako"
Dugtong nya habang hawak ang mga damit nya

Naku oo nga pala,
Mabilis akong tumango at lumakad palapit sa pinto,

Nagpunta ako sa CR para maghilamos.
Nakakahiya talaga ...
Nakakahiya ka TJ, Feel na Feel mo ba yung Kama huh TJ , feeling mo sayo yun
Matapos kong maghilamos ay lumabas ako at nagpunta sa kitchen para mag asikaso ng breakfast,

Sakto lumabas rin si Nathan at nagpunta rin sa Kitchen,
Hindi pa man ito nagsasabi ay alam kong magpapatimpla ito ng kape kay ipinagtimpla ko na sya.

"Love hwag ka na magluto sa office na tayo magbreakfast"
Sabi nya

"Bakit sawa ka na sa puro pritong bacon at egg sa umaga?"
Pag iinarte ko

"Of course not, yung bacon at egg na luto mo ang pinakamasarap sa lahat"

"Ewan, e pareparehas lang naman lasa non"
Natatawang sagot ko,

"Si Jayson kasi tinawagan ako for early meeting, sakanila na tayo kumain, sila yung May ari ng Resto na pinanggalingan ng Dish na gusto mo, yung inuuwe ko dito"
Paliwag nya

Okaaaaaay!!.
Hindi na ako sumagot,
Napatingin lang ako sakanya habang nagkakape,

Nakita ko syang pupungas pungas,
At malamlam ang mata.
"Nathaniel..."

Mabilis itong napatingin saakin at ngumiti
"Mmh?"

"S-Sorry ah, napuyat ka dahil sakin"

"I said its okay"
Sabi nyang nakangiti na naman

"S-Sige, Ligo na ko"

Tumayo ako ,
Nakakailang hakbang pa lang ako nang muli syang magsalita

"I Love it when you call me by my Name"

Napahinto naman ako at nakamaang syang nilingon,
H-Huh ?. A-Ano daw yon?.
Lumingon rin ito saakin tapos ay magpakawala nang malapad na ngiti,

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now