CHAPTER 70

202 6 0
                                    


After an hour nang pag alis ni TJ
Ay muling tumawag na naman sakin si Kevin,
Meron kasi kaming inaayos at inoorganize na isang club,
Magkasosyo kami dito kasama ang isang friend pa namin na si Jayson.

After lunch ay dumating na sya sa unit ko,
Pag uusapan kasi namin yung about sa bago naming negosyo.

"Zupp dude"
Bati nito sakin,

"Si Jayson?."
Tanong ko

"Hindi daw makakapunta, busy sa Babae nya"
Sagot nito sabay tawa,

"Kevin san ka galing?. Parang nakainom ka na ah"
Biro ko

"Dumaan ako kila Daddy, eh andun sila Tito kaya napainom ng konte"
Sagot nya

Pagpasok nya ay agad ko syang pinaupo sa sofa, naupuan pa nga nya ang isang yellow pad paper at marker.

"Kay TJ yan, di nya naligpit kanina. Akina na nga!"
Kinuha ko at inilagay sa ilalim ng center table

"So... Totoo ngang magkasama kayo dito, Pare diko akalaing ikaw pa tong mauunang mag asawa sating tatlo HAHAHA!!"
Pabirong sabi nya,

Asawa?. NO WAY!!
Psh!! Sira ulo talaga nitong taong to,

"Asawa ka dyan, baliw!!"
Sabi ko , sabay tayo mula sa pagkakaupo
"In can beer lang meron ako dyan"
Offer ko sakanya.
Tumango lamang ito, lumakad na ako para pumuntang kitchen para kumuha ng beer,

*DingDong*
*DingDong....DingDong*

Huh??. Sino yon?.
Si Jayson?. Akala ko ba hindi sya makakapunta ngayon.
Hahaha nagbago siguro ang isip,
Mas mahalaga pa rin talaga ang pera kesa Babae

Paglabas ko ng kitchen dala ang dalawang in can beer ay nakita kong may kausap si Kevin sa pinto ng unit ko,


KEVIN POV

*DingDong*
*DingDong...DingDong*

Habang nasa kusina si Nathan ay narinig kong tumunog ang doorbell,
Sino naman kaya yon??.
Tumayo ako para buksan ang pinto,

Isang matandang babae na siguro ay nasa edad 45 at isang binatilyong lalake na siguro ay nasa edad 15 ,

"Sino ho sila?"
Tanong ko

"Ay.. Pasensya na iho--"
Sagot nya sakin akmang tatalikod na sila nang marinig ko ang sinabi nya
"--Anak, mali ata tayo ng pinuntahang kwarto"
Sabi ng matandang babae sa batang kasama nya,
May hawak pa itong maliit na papel

"Ito yon, oh tignan mo Room 1101"
Sabi naman ng bata

"Dito po yung Room1101 , sino po bang hinahanap nyo?"
Tanong ko

"Kuya bahay mo po yan?"
Tanong ng bata saakin,

"Hindi, mas maganda kasi dito yung bahay ko. Pero kung ang hinahanap nyo po is si Nathaniel Hilton, tama po kayo ng pinuntahan, ito yung bahay nya"
Paliwanag ko,
Alam kong di ako dapat nakikipag usap sa di kilala pero mukha kasing naliligaw na sila,
Isa pa isang batang lalake at matandang babae lang naman ito, hindi nila ako mabubudol if ever.
Mukha rin kasing malayo pa ang byinahe nila dahil sa dami ng dala dalahin nila.

"Babae po yung hinahanap namin, si Ate TJ Cruz"
Sagot naman ng bata saakin

TJ?. Yung kasama ni Nathaniel yun dito ah, ah baka kamag anak nya ito.

"Anak ano ka ba,--"
Saway ng babae sa kasama nyang bata
"--pasensya na po kayo Sir--"
Sabi sakin nito
"--baka nagkamali lang ng bigay na address saatin"
Muling pagbaling nya sa kasama nya.

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now