ilang minuto kaming natigilan,
Nag iisip kung anong gagawin.
Sya naman nakatingin lang sakin."Ahm, Luke?. Gutom na gutom ka ba ngayon?. Gusto mo MagRamen na lang tayo"
Offer ko.Bahagya itong napangisi sa sinabi ko
"Sige, gusto ko yon"
Sagot nya,
Tingin ko ay hindi nya talaga gusto pero sinasabi nyang gusto nya kasi yun ang inalok ko.Kumuha ako nang Ramen, nilagyan ko na lang ito nang itlog para medyo sumarap sarap nang konti.
Ang totoo kasi hindi naman talaga ako magaling magluto,
Si Mama ang palaging nagluluto saamin ako?. Palagi lang akong nasa paaralan,
Tapos nagtatrabaho o side line,
Hindi ako nagawang turuan ni Mama kasi palagi kaming busy para magkapera.Natapos ko ang pagluluto nang Ramen
Lumapit si Luke at kumuha ng mangkok.
Isinalin nya ito at inilapag sa lamesa,
Hinila nya ako at inabutan nang chop sticks,"Mag share na tayo"
-Luke.Nagsimula na itong kumain,
Ako hindi pa rin nakatingin lang ako sakanya.
"Kumain ka na, sobrang sarap nang niluto mo"
Sabi nya sabay ngumiti saakin.Napangiti naman ako.
Hahaha, sira talaga tong si Luke.
Binola pa ako,
Pano nyang nasabi na sobrang sarap eh iisa lang naman ang lasa nang ramen.Natapos kaming kumain nagpunta kami sa pool area nila dahil nagpapababa kami nang kinaen,
Sobrang ganda sa pool nila."Luke, hindi ba magagalit Parents mo na andito ako"
"Hindi, saka wala sila dito nasa states"
-Luke"Kailan sila babalik?"
"Hindi ko alam"
Sabi ni Luke, nakangiti itong nakatingin sa Pool."Sinong kasama mo dito"
Nakatingin ako sakanya,"Sila, yung mga Guard , si antoneth si Marco, saka si ALING LYNEL"
Sabi nitong in'emphasize yung "aLing Lynel" nakatingin sya sakin at biglang ngumiti."Ang ganda ganda dito sa bahay nyo Luke"
Sabi kong tinitignan ang paligid"Mas maganda ka parin, ang ganda ganda mo"
Sabi nya.Natigilan ako sa sinabi nya
Biglang bumilis ang tibok nang puso ko.
Parang may bumabara na naman sa lalamunan ko.Ilang sandali pa kaming natigilan nang biglang
*Hik...Hik...Hik*
Hawak ko ang bibig ko para mapigilan ang pagsinok
"Sinisinok ka na naman, tara sa loob"
Hila hila na naman nya ang kamay kong pumasok sa kitchen*Hik...Hik...Hik*
Panay panay at walang tigil ang pagsinok ko,
Inabutan nya ako nang isang basong tubig.
Tumalikod ako sakanya para mainom ang tubig.
Maya maya ay nawala na ang pagsinok ko,"Bakit palagi kang sinisinok?"
Tanong nya.Nag iwas ako nang tingin,
"E-ewan ko"Pagtingin ko sakanya ay nakatingin ito saakin at nakangiti nang malapad saakin.
"Magpahinga na kaya tayo madaling araw na"
Sabi ko,"Sige tara na"
Umakyat kami sa taas,
Napaisip ako, na ang laki nang bahay na ito, tapos ay iilan lang sila ditong nakatira.
Parang napaka boring kahit sobrang sobrang nakakalungkot rin.Pumasok kami sa kwarto,
"San ako matutulog?"
Tanong ko"Dyan"
Turo nya sa malaking kama

YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Storie d'amore"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?