CHAPTER.69

215 10 0
                                    

"Sorry about kanina"
Biglang sabi ni Andrei sakin,

"Alin?"

"Yung kanina, na witness mo pa yung childish na attitude ni Luke"
-Andrei

"Haha, wala yon"

"Kung hindi sila nagbalikan ng Kapatid ko, iisipin ko na talaga na may gusto sya sayo"
Seryosong sabi ni Andrei

"HAHAHAHAHA!!"

"What so funny?"
Takang tanong ni Andrei

"Imposible naman kasi yung mga sinasabi mo, si Luke?? Naku!. kung alam mo lang kung gano sya kapatay na patay sa ate mo, noon??. Walang araw na hindi nya nakwento sakin ate mo"
Paliwanag ko

"May point ka, pero para syang bata pagdating sayo, ewan ko ba don"
Sabi ni andrei

Hindi na ako nagsalita pa,
Parehas lang kami tahimik,
"Andrei dito na lang ako"
Sabi ko

"Here?"

"Oo dito na"

"But i dont see any houses here"
Sabi nyang palingon lingon pa

"Ay hindi, dito na kasi ako sasakay ng bus"

"Ihahatid na nga kita eh"

"Hwag na, mapapalayo ka pa eh, baka pagod ka na rin"

"No, i insist. So please Let me"
Sabi nya.

Nagpabuntong hininga na lang ako,
Hays, bahala na nga,
Nagmamaneho sya habang tinuturo ko sakanya kung saan ang papunta sa building ng condo ni Sir Nite,

Ilang sandali pa ay narating na namin ang building,
"Dito na"
Sabi ko,

"Seryoso?"
Tanong nya

"Oo nga"

"Dyan ka nakatira?! Bigtime"
Pabirong sabi nya sakin,

"Pansamantala lang, naghahanap kasi ko ng malilipatan, sige na buksan mo na to, bababa na ko"
Sabi ko habang pinipihit pihit ang bukasan ng pinto ng kotse nya,
Nakalock kasi yung pinto, hindi ko mabukas.

Binuksan nya ang pinto
At bumaba na ako,
Tumayo ako sa labas ng driver seat banda
"Sige na alis ka na"
Sabi ko sakanya

"Ouch!!, ngayon lang ako pinagtabuyan ng isang babae"
Maarte sabi ni Andrei
Umarte pang kunware ay masakit ang puso,

"Pinagtatabuyan talaga?. Hindi ba pwedeng gabe na kasi?."
Sagot ko naman

"Sige na, pumasok ka muna sa building, pagpasok mo aalis na ko"
Sabi naman ni Andrei

"Haha parang hindi ka pa talaga naniniwalang dyan ako nakatira"

"Ganun na nga, ay Este! Gusto ko lang isure na ligtas kang makakapasok sa loob ng building"
Pabirong sabi nya.

"Sige na nga, bahala ka. Sige na papasok na ko, mag iingat ka pauwe huh. Salamat sa paghatid"

"No problem babe"
Nakangiting sabi nito,
Tumalikod na ako.

BABE???. Babe daw,
Gusto ko sanang kiligin kasooooo,
Suuus. Mga lalake talaga kahit sino sino na lang sinasabihan ng Babe,
Mga lalaking bolero.

Bago ako tuluyang pumasok sa building ay muli akong humarap sakanya,
Nakita kong nakatingin pa rin sya saakin,
Nagwave ako sakanya bago tuluyang pumasok sa loob,
Dumiretcho ako ng elevator para makaakyat na sa floor ng condo ni Sir Nite,

Kinuha ko ang susi sa Bag ko,
Susi ng condo ni Sir.
Sinususi ko na nang biglang....

"Ahm, miss??. Excuse me?"

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now