"Ano ba!!.bitawan mo nga ako!"
Pagpupumiglas ko,Galit na galit syang humarap sakin
"Get in"Hindi ako nakasagot, hindi ko alam kung lalayasan ko ba sya o susunod sa sinasabi nya.
"Nite?"
Awat sakanya ng babaeng kasama nya,
Hinawakan pa sya nito sa braso.
Agad naman nya itong tinanggal,"She's the girl--"
Sabi naman ng lalaking kasama nya, at tinuro ako
"--at the club"Hindi ko maintindihan ang mga taong to, kaya tinalikuran ko na sila, aalis na sana ako nang bigla na naman nyang hatakin ang braso ko at ipaharap sakanya,
"I said get in.!! NOW!!"
Hindi ko maintindihan kung bakit para naman akong robot na sumunod na sumakay sa sasakyan nya,
Agad rin naman syang pumasok sa loob ng sasakyan at mabilis itong pinatakbo,
Nang mapalingon ako sakanya ay nakita kong namumula sya.Namumula ba sya dahil galit sya o namumula sya dahil lasing sya,
Nakakunot noo sya habang nagdadrive,
Namumula rin ang ibabang bahagi ng kanyang mga labi
Dahil sa pagkakasuntok sakanya kanina,May ilang minuto na kaming nasa byahe nang maalala kong nasa raket nga pala ako at hindi ako pwedeng basta basta umalis don hanggat hindi pa ako sinusundo para mag pull out,
Sigurado akong mapapagalitan at baka magbayad pa ako sa agency kapag nawalan ng gamit dahil sa pag iwan ko sa chart,
Dapat ay balikan ko ang chart,
Baka imbis ako ang bayaran. Ako pa ang magbayad kapag nawalan ng gamit doon"I-itabi mo dyan, bababa na ko"
Pero hindi nya ako sinunod , para lang syang walang naririnig at derederetcho sa pagdadrive,
"Itabe mo sabi!!.bababa na ko"
Imbis na sumagot ay binalingan lang ako nito ng isang nakamamatay na tingin,
Nakakatakot sya,
Ngayon nya lang ako tinignan ng ganon,Kada magkikita kasi kami ay puro pangbubwesit ang ginagawa nya sakin,
Hindi ko pa sya nakitang magalit."Ano ba, ang sabi ko bababa na ko!"
Kahit takot na takot na ako ay pilit akong nagtapang tapangan,"SHUT THE FUCK UP!!"
Sigaw nya sabay hampas ng isang kamay nya sa manobela,Nagulat ako sa sigaw nya,
Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang takot,
Pagkatapos nyang sumigaw ay hindi na kami muling nagsalitaBuong byahe na kaming natahimik,
Hindi ko rin sya tinitignan . Nakadungaw lang ako sa bintana,
Hanggang sa mapagtanto ko kung saan ang dereksyon namin,Pauwe sa bahay .
Bahay ko.
Nang makarating kami at tinigil nya ang sasakyan ay agad akong bumaba, at pabalibag na isinara ang pinto ng kotse nya.
Nakakailang hakbang pa lang ako narinig kong bumalibag pang muli ang pinto ng sasakyan,Nakasimangot akong lumingon sakanya, at nakita ko syang lumakad papalapit sakin,
"Ano pang ginagawa mo dito, lumayas ka na!"
Sabi ko nang magkatapat kami,
Pero parang wala syang narinig nilagpasan lang ako,Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makita kong tumigil sya sa harap ng bahay ko,
Tinignan nya ko ng masama
"Buksan mo to!" Utos nya sakin,"Umalis ka na, hindi ko bubuksan yan hanggat hindi ka lumalayas dito" pagmamatigas ko
"Bubuksan mo ba to o wawasakin ko to"
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Roman d'amour"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?