CHAPTER.38

276 7 0
                                        


" im with my Secretary"
Sabi ni Sir Nathaniel sabay naman silang napatingin sakin.
Saktong pagtingin nila ay pakagat na sana ako sa kapiraso nang chiken,

Bigla akong natigilan.
"H-hello po"
Bati ko sakanila.

Sandali pa silang nag usap nang may isang matandang lalake naman ang lumapit sa table namin,
Pinakilala nang babae ang matandang lalake kay Sir Nathaniel.
Nakipagkamay naman ang lalake kay Sir.

Busy sila sa usaping hindi ko masyadong maintindihan,
Pano kasi medyo malakas ang sounds system nang event.
Isa pa mahina lang ang mga boses nila saka busy rin kasi ako.
Busy ako sa pagkain ko, masarap kaya noh.

Bigla silang tumayo.
Napatingin lang ako kay Sir Nathaniel,
"Stay here"
Sabi nito sakin bago tuluyang umalis.

Sobrang sarap nang pagkain,
Ang dami nung sinerve samin kaya ko naman tong ubusin , kaso hindi ko kasi makain nang maayos ang dami kasing tao eh.

"Kuya?. Pwede pong makahingi nang plastick saka paper bag na rin"
Sabi ko nang may dumaan na waiter.
Tumango naman ito sa akin.

Nakapag side line na rin ako sa mga ganitong catering noh,
Pero sa kitchen lang ako.
Kaya alam kong may mga dalang extrang plastick at paper bag ang mga crew sa catering kasi inuuwi nila yung mga natitirang pagkain.

Maya maya bumalik na ang waiter at inabot sakin ang dalawang plastick at isang paper bag.
Mabilis ko namang inilagay sa plastick ang manok sa sinerve saamin na chicken Buffalo, naubos ko na kasi ang pork steak meron ring parang kimchie,

"What do you think are you doing"
Gitlang ko nang may biglang magsalita sa likod ko,

"S-sir, A-ano po kasi eh. Sayang hehe"
Sabi ko.

"Lets go"
Sabi nito at akmang tatayo na,

Hala aalis na?.
Hindi pa kaya ako tapos kumain,
Saka sya nga rin hindi pa rin kumakain,
Ni hindi nga nya nabawasan yung pagkain nya.
Parang hindi nga nya tinignan eh.

"Sir hindi nyo po ba kakain yan?"
Nguso ko sa pagkain nya.

Kumunot naman ang noo nito,
Hindi naman ito sumagot.
Naalala ko nung lumabas kami noon ay hindi nya rin kinain ang pagkain nya.

"Hey, what are you doing"
Protesta nya nang bigla kong ilabas ang isa pang plastick ,
At kinuha ko ang manok sa chiken buffalo nya pati na rin ang pork steak.

"Sir sayang eh"

"Stop it, common lets go"
Awat nito saakin.
Lumilingon lingon naman ito sa ibang table kung may nakakakita ba sa ginagawa ko.

"Teka yung mga kimchie oh, sayang masarap yan sir--"
Sabi ko.
"--asan ba yung waiter dito"
Nagpalingon lingon ako,

Gulat ko nung bigla nyang kinuha ang mga dala kong gamit nya na nakapatong sa isang upuan, at hinawakan ako sa kamay at hinila papalabas sa venue.

"Tara na nga, nakakahiya ka"
Pigil ang boses na sabi nya saakin.

Nakakahiya daw.
Ano kayang nakakahiya don.
Bawal bang mag take out,
Sus ang dami dami pang pagkain yung mga crew lang makikinabang lahat.

Binitawan nya lang ang kamay ko nang makalabas na kami sa event,
Binigay nya sakin yung hand bag nya at tablet.

Lumakad kami hanggang sa makarating kami sa sasakyan nya.
Pumasok sya kaya pumasok na rin ako sa loob.

Padabog nyang isinara ang pinto nang sasakyan nya.
Kaya padabog ko rin itong isinara,
Kunot noo naman nya akong nilingon.

Siguro ay nagulat sya sa inasta ko,
Maging ako ay nagulat rin sa asta ko.
Bakit nga ba ako nakikisabay sa inis nya.
May padabog dabog pa akong nalalaman eh wala naman akong karapatang magdabog dabog.

"Pinagdadabugan mo ba ko?"
Tanong nya.

"A-ako po?. Magdadabog?. Naku sir hindi po, medyo napalakas lang nang sara"
Palusot ko.

"Kala ko nagdadabog ka dahil hindi mo makuha yung kimchie"
Sabi nito at inistart ang kotse.

"Sayang nga yung kimchie eh"
Bulong ko sa sarili ko

"May sinasbi ka?"
Tanong nya habang nagmamaneho.

"S-sabi ko po masarap yung mga pagkain hehe"
Palusot ko na naman.

"Mukhang sarap na sarap ka nga, nag take out ka pa nga eh. Hindi ka na nahiya"
Mahiya daw?. Bakit may nakakahiya ba sa ginawa ko?.
May ninakaw ba ako para mahiya. Suus -_-#

"Ano namang nakakahiya don"
Sagot ko naman.

"Sa mga ganyang event hindi tinitake out yung mga pagkain"
Sabi nyang hindi ako nililingon nang tingin.

"Eh ano?. Tititigan ko lang yung pagkain?. Bakit pa sila nag serve kung ayaw nila ipaubos sa tao"
Sympre hindi naman ako magpapatalo ano,
Wala naman akong ginawang masama para mahiya.

"Are you arguing with me?"
Tanong nya na nakatingin nang seryoso sakin dahil nag Red ang stop light.

Para naman akong nahimasmasan sa mga sinasabi ko.
"H-hehe hindi po sir, naku naman si Sir talaga. Sinasabi ko lang ang opinyon ko"

Dumiretcho na ulit sya nang tingin sa daan at nagmaneho.
Epal talaga nito, kapag sya pwede nyang sabihin lahat nang gusto nya tapos ako bawal
Yabang yabang, ayaw papatalo kahit sya naman may kasalanan.

"Hindi pa rin pinipirmahan ni Ms.Alora yung business proposal ng H&P, nasayang lang ang oras ko sa charity event na yun"
Sabi nya at pumalantik sya.

"Nasayang??. Eh ang ganda ganda nga po sa event sir"
Mahinang sabi ko.

"Hindi naman yung ganda nang event ang pinunta natin dun eh, yung pirma ni Alora sa proposal ang pakay natin"

Sabi ko nga diba, ano ba kasi TJ nakikipag usap ka pa dyan sa boss mong timang eh mananalo ka ba naman dyan.

Nakabalik kami nang opisina na ganon pa rin,
Julalay pa rin ang peg ko.
Kung sabagay. Assistant nga naman kasi ako. Alangan sya pa yung pagbitbitin ko.
Tahimik sya hanggang sa makarating kami nang floor nang opisina nya.

Pumasok kami sa loob nang opisina nya ,
Pabagsak syang umupo.
Marahan nyang hinilot ang sintido nya.

"Sir?. Ito na po yung mga gamit"
Sabi ko at inilapag sa gilid nang table nya ang hand bag at tablet,
"M-may kailangan pa po kayo sir?. Coffee or juice?"
Alok ko. Alam kong dismaya sya sa resulta nang lakad namin ngayon.

"No thanks"
Sagot nito,
Pagkasabi nun ay lumabas na ako nang opisina nya.
At bumalik sa table ko,
Agad ko namang inayos ang mga gamit ko kanina na nagulo dahil sa kakahanap sa flash drive na to.

Nang maayos na lahat ay
Isinalpak ko ang flash drive sa computer para makita ang next schedule ni Sir.Nathaniel
Sa email rin kasi nang company nagpapaset nang meeting ang ibang clients namin.

---
Nahihirapan po ako mag UD,
Kasi napakahina nang signal sa pilipinas 😒😒

Yung tipong akala ko na UP ko na , yun pala hindi pa.
Nagloloko po talaga sya 😑 (parang ikaw👉, Charing 😄)

paVOTE po
mga kapatid 👭
kapamilya 👪
kapuso 💞

PampaGANA lang po,
Hindi naman siguro mahirap ^^
Salamat in advance, mua 😘

#cayeLOVES💜💕
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now