CHAPTER.27

314 5 0
                                        


(Nawala yung chapter.27 & 28 na nagawa ko, kaya inulit ko na lang po,
Hindi na ito yung saktong nagawa ko. Na da'Drain na po kasi utak ko)

Minadali ko na lang ang pagkain ko at mabilis na lumabas nang canteen,
Habang naglalakad ako ,
Nagulat na lang ako nang may biglang sumabay sakin maglakad.

Si Luke,
Dala dala ang juice nya at burger na kinakain nya kanina,

"San tayo?"
Sabi nya sakin sabay inom sa juice nya

"Ako, dun ako--"
Turo ko sa lugar kung saan may madaming bench tambayan nang mga student kapag may free time.
"--ikaw ewan ko sayo kung san ka"

"Tara dun tayo"
Sabi naman nito sakin

"Alam mo tingin ko dapat dun ka sa loob nang canteen, hindi ka pa kasi tapos kumain"

"Ayoko, sama na lang ako sayo. Ikaw lang friend ko dito eh"

Ano daw ? Friend? Friend na ba kami?. Parang nakipagkilala lang sya kanina ah.
Bahala nga sya.
Lumakad ako patungo sa bench
At naupo dun.
Kumuha rin ako nang isang libro at nag umpisa nang magbasa.

Mayamaya ay tumabe sakin si Luke at dito nya pinagpatuloy ang kanyang pagkaen.
"Talaga bang nag aaral ka pa rin kahit free time mo?"
Tanong nya sakin.

"Bakit ano bang dapat ginagawa kapag free time?"

"Magpahinga, mag chill nakakabobo kaya mag aral nang mag aral"
Sabi na naman nya sabay kagat sa burger.

"Wala akong time magpahinga"

"Anong kurso mo?"

"Education"

"Kaya naman pala eh, sabi nila ang mga education students daw habang buhay nang nag aaral"
Sabi nito sa akin

"Bakit ikaw?.ano bang kurso mo?"

"Engineering student ako"

"Kaya pala puro chill at pahinga ang nasa isip mo, transferee ka ba dito? Parang ngayon lang kita nakita"
Sabi ko habang binabasa ang lessons ko.

"Oo, galing akong ibang university"

"Ang landi talaga"

"Sinabi mo pa, look oh nilalandi na naman nya yung bagong transferee"

"Ewan ko ba kung bakit nakabalik pa yan dito, eh diba nabuntis yan?."

"Baka nagpalaglag na, hindi lang yon sa bar daw yan nagtatrabaho"

Napayuko ako dahil alam kong ako na naman ang pinaparinggan nang ilang babae sa kabilang bench,

"Just dont mind them"
Nagulat ako nang magsalita si Luke

Napatingin ako sakanya at agad rin naman itong tumingin sa akin,
Ngumiti ito nang malapad sa akin

Pero hindi nakontento ang mga babae sa kabila at patuloy ang mga masasakit at mga hindi makatotohanang salita ang mga sadyang pinaparinig sa akin.
Nangingilid na ang luha ko dahil sa mga naririnig ko.

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now