NiTE's POV
Napalingon ako nang mkita kong may tumigil na taxi sa kalsada,
Bumukas ang pinto ng taxi at nkita Kong niluwa nito ang isang babaeng lango sa alak.Pagewang gewang ang lakad nitong papasok sa iskinita.
Nang malapit na sya ay bahagya pa nyang nabangga ang drum na nasa labas ng pinto ng katabing bahay.Magkatapat na kami pero hindi pa rin ito nagsasalita,
Busy sya sa pagkalikot sa saradura ng pinto ng kanyang bahay ,
Marahil dahil sa kalasingan ay hirap na itong magbukas ng pinto.
Nang tuluyan na nga nyang nabuksan ang pinto saka lamang ito nag angat ng ulo at tumingin sakin.Amoy na amoy ko ang alak mula sakanyang hininga
Namumula ang mukha nya
At namumungay ang mga mata."Anong ginagawa *hik* mow dyeto *hik*"
Anas nito sakin.
Imbis na sumagot ay tinignan ko lang sya mula ulo hanggang paa."Umalish ka *hik*" sigaw nya sakin.
Tumingin ako sa paligid kung may tao bang nakakakita sa amin , pero mukha namang walang pakealam ang mga tao .
Dahil busy cla sa kani'kanilang ginagawa"Umalish *hik* ka shabe dito!!" Muling sigaw nya at may kasabay na pagtapik saking balikat
Pumasok sya sa loob ng bahay
Isasara na sana nya ang pinto ng pigilan ko ito.
At pumasok rin sa loob."Ano ba!! Lumabash *hik* ka nga! Shuuupe!" Muling pag sigaw nya sakin.
"Kanina pa ko sinisigaw sigawan nito ah!" Inis kong bulong sa sarili
Nilingon ko ang bukas na pinto saka ito nilapitan at sinara , para hindi marinig ng mga tao ang kawalang modohan ng babaeng to para sigaw sigawan sya.
Mabilis akong napalingon nang marinig ko syang nanakbo papunta sa kung saan.
May narinig akong ilang kalabog.
Dala na rin ng aking curiosity ay sinundan ko sya.Nakita ko syang nakayuko hawak ang buhok nyang sumusuka ,
Nandidiri man ako ay lumapit pa rin ako dahil parang isinusuka na nya yung kinain nya ng isang buong linggo."Ano buhay ka pa?" Tanong ko sakanya
Sa pag lapit ko ay bigla nyang hinablot yung kamay ko at pinahawak sakin yung buhok nyaPara namang akong tanga na sumunod ring hinawakan ang buhok nya.
Kinuha nya ang sahod saka nag hilamos
Pasuray suray syang nagbubuhos ng tubig kaya naman nababasa ang suot nyang uniform.Pagkatapos maghilamos ay hinigit nya sa kamay ko ang buhok nya
Saka ako marahang itinulak dahilan para mapasandal ako sa pinto ng CR."Wow salamat ha!" Muli kong pagkausap sa sarili ko , dahil hindi man lang ito nagpasalamat .
Pumasok sya sa isang maliit na silid na walang maayos na pinto ,
Isang kurtina lamang ang nagsisilbing takip nito.Pumasok rin ako sa loob ng silid at nakito ko syang nakahiga sa kama ,
Na basang basa ang pantaas na uniporme at bahagyang basa rin ang palda nito."Hoy!" Tawag ko sakanya, pero tila hindi ako narinig nito.
"Hoy babae!" Muling tawag ko sakanya kasabay ng pag lapit ko.
Pero hindi parin ito sumasagot."Magbihis ka ngang lasengga ka!!" Sinasadya kong ilakas ang boses ko upang marinig nya ko . Pero walang reaksyon ang lasing na babaeng to.
"Nakaschool uniform ka tapos lasing kang uuwe, Tsk! Hoy magbihis ka nga muna basa yang damit mo!" Utos ko sakanya na may kasamang panenermon pa
Pero tila wala itong naririnig at wala ring pakialam sa mga sinasabi ko, dahil imbis na sumagot ay hinablot nya ang kumot at itinakip sa mukha nya.

YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romansa"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?