Nang nagising ako ay nag asikaso ako ng sarili para pumasok sa trabaho,
Dala ko na rin ang uniporme kong pang pasok sa school dahil deretcho pasok na rin ako sa paaralan ,Mabilis lumipas ang oras ,
Tinapos ko ang trabahong naiwan ko kahapon.Galing kami ni Danica sa pag cocoffe break, isa sya sa mga Grapic artist sa company
Naging close ko na rin sya dahil mabait naman ito,Babalik na sana kami sa kanya kanya naming table nang makita ko ang napakahambog na si Nite ,
Ano naman kayang ginagawa nya dito sa opisina namin.May dala syang paper bag.
Nung nakaraan folders, ngayon paper bag.
Ano ba sya dito?
Delivery boy? Bakit parang palagi na lang syang may hinahatid dito,"Hoy! Okay ka lang?--" Kalabit sakin ni Danica
"Simangot na simangot ka dyan ah""Danica a-ano yon dito?" Tanong ko sabay nguso sa lalaking naglalakad sa hallway
"Aaah, yung macho?"
"Macho ka dyan" angal ko
"Yung mukhang mabango?"
Sabi na naman nya , na tila ba kinikilig kilig pa"Ha?"
"Yung gwapoooo" sabi na naman nya at napapahawak pa talaga sya sa braso ko sa sobrang pagkakilig nya.
Hindi na ko nagsalita pa , dahil parang nasisiraan na ng bait itong kausap ko.
"Yung mukhang ang sherep sherep"
Tuluyan na ngang nagsalubong ang kilay ko sa mga sinasabi ni Danica.
Parang gusto kong mandiri sa mga pinagsasasabe nya,"Hoy Danica! Ano ka ba mga pinagsasasabe mo dyan!" Awat ko naman sakanya.
Maya maya ay biglang lumabas si Maam Anastasia sa Opisina nya.
sinalubong ang delivery boy nang nakangiti at Beso.
WHAAAAT??! Nakipag beso beso si Maam Anastasia sa isang delivery boy?.Ano ganun na ba talaga sya kabait , nakikipag ngitian kahit kanino. At ngayon naman pati sa delivery boy nakikipag close sya?.
Hindi sila kalayuan sa pwesto namin kaya kitang kita namin sila,
Malapad ang ngiti ni Maam, para bang natutuwa syang kausap ang lalakeng yon."Here, take this" saad ni unggoy sa amo ko, saka inabot ang paper bag na dala nya
Napataas naman ang kilay ko sa paraan kung paano kausapin ng unggoy na ito ang amo ko."Whats this?" Sabi ni Maam sabay ngiti ng malapad,
So ano to?. Lahat sila ganyan ang reaksyon sa harap ng mokong na yan?.
Lahat sila magpapacute dyan?."Go open it" pacool na sagot ni unggoy
At binuksan nga ni Maam Anastasia ang laman ng paper bag,
Inilabas ang isang pack ng chocolatesWow , may pa chocolates talaga?.
Teka ngaaa!. Sino ba sya dito, ano ba sya.
Bakit may pa chocolate.
Manliligaw ?"Thank you Nite, but i think its more sweeter if you ask me for a dinner date later"
"Love sa bahay na lang tayo mag dinner"
Whaaaat? Si Maam Anastasia??
Si Maam yung kausap nya dati sa bahay nung may tumawag sa cellphone nya??.
Si Maam yung tinawag nyang LOVE!??."No, lets go for a date later. Sunduin mo ko mamaya pag out ko okay?" Sabi ni Maam
"Fine, ill just call you later"
Sagot naman nya.Maya maya ay umalis na ang lalaking unggoy na yon,
At pumasok na rin si Maam Anastasia sa loob ng kanyang opisina."Danica boyfriend ba yon ni Maam?" Agad kong tanong kay Danica.
"Ewan, siguro, yata, kasi madalas na hinahatid ni pogi si Maam dito, saka parang ang sweet sweet nila"
Napataas na naman ang kilay ko sa mga naririnig kong sinasabi ni Danica
"Saka bagay na bagay naman sila hindi ba?" Nakangiting dagdag pa nito,
"H-ha? Ah uo. Uo bagay naman siguro sila ni Maam Anastasia"
Nauutal na sagot ko"Anong siguro ka dyan, talagang bagay sila. Maganda at gwapo, parehas mayaman at parehas ding disente" mahabang litanya ni Danica
Huh ? Disente? Talaga ba ha Danica??! Naku kung alam mo lang. Kung alam nyo lang lahat kung ano ang pagkatao nung lalaking yon,
Ako hindi ko masasabing isa syang disenteng tao, ilang beses ko na kasing napatunayan ang bagay na yon.
Napaka hambog ng lalaking yon.Napapailing iling na lang talaga ako sa twing naririnig ang mga magagandang komento ni Danica patungkol sa lalaking kinaiinisan ko.
Ilang oras pa ang lumipas at nagpaalam na ako sa boss ko na uuwe na ,
Tumango naman sya hudyat na pinapayagan nya na kong umalis.Bago mag out ay nagpunta muna ako ng rest room para magpalit ng unipormeng pampasok, nag ayos na rin ako ng sarili
@ SCHOOL
Habang naglalakad ako alam kong maraming mata ang nakatingin sakin, ako na naman ang laman ng bulong bulungan ng mga kapwa ko istudyante,
Naku, imbis mag aral ng mabuti ay nagagawa pa nilang makipag tsismisan, kung ano anong mga salita ang naririnig kong sinasabi ng mga kapwa ko istudyante
Nagmakaawa lang yan sa Dean.
Siguro ay nagpalaglag na yan ng sanggol para lang makabalik sa school.
Dapat hindi na sya hinayaang makabalik sa school.
Hindi naman sya karapat dapat sa school ns ito.
At kung ano ano pang masasakit na salita pa ang mga naririnig ko.
Kahit rinig na rinig ko ang mga sinasabi nila ay nagpanggap na lamang akong hindi ko sila naririnig at dumiretcho na sa klase ko,Kung ano ang eksena na pinagdaanan ko sa hallway nung papunta ako sa classroom ko ay parang na triple naman dito sa classroom ko,
Walang pakundangan na akong pinaparinggan ng mga kaklase ko,
Halos wala nang lumalapit saakin. At kung sino ang nilalapitan ko ay agad namang lumalayo at umiiwas saakin.
Para bang meron akong isang sakit na nakakahawa,Oo masakit, pero wala naman akong magagawa kung yon talaga ang tingin nila sakin,
Masama at maduming tao na yata ang tingin nila saakin.Hahayaan ko na lang sila dahil kung magpapa apekto ako sakanila siguradong hindi ako makakapagtapos sa pag aaral,
Basta ako alam ko kung ano ang totoo at sino talaga ko. Yun ang mahalaga sa ngayon hindi ang kung ano ang mga sasabihin nila.---
Madaliang update lang po ang ginagawa ko, hindi ko na po binabasa pa ulit.
Kaya kung may mga typos po ako dyan paki intindi na lang po SALAMAT 😊#cayeLoves 💕💜
---

YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romansa"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?