Chapter 1

2.5K 59 7
                                    

PS: Jeje version to dahil jejemon pa ako sa kapanahunang sinulat ko to kaya pagpasensyahan niyo na hehe. Anyways, happy reading! :)))

-

Unang Pagkikita

Kylie's POV


Nasa school ako ngayon at naghihintay kina Julia at Sanya. Syempre ayaw ko naman kasing ma-late sa unang araw ng pasok ko dito sa University. Transferee pa naman ako at wala akong kakilala na iba dito sa paaralan. Swerte ko nga lang at kasama ko ang dalawang bestfriend ko ng lumipat ako dito. Simula pa lang kasi grade 4 ay classmate ko na ang dalawang yan. Mag seatmate kaming tatlo kaya napalapit ang loob namin sa isa't isa at kalaunan at naging matalik na magkaibigan kaming tatlo. Actually sa Amerika kaming tatlo nag-aral. New York to be exact. Katulad ko ay may mga lahi rin ang dalawa kong kaibigan. Half Australian ako, si Julia ay half Amerikan at si Sanya ay 1/4 ang lahing espanyol. Ngunit pare-pareho kaming sanay magtagalog. Pinapa-attend kasi kami ng magulang namin sa tutorial classes na nagtuturo managalog. Sa states kami nag-aral ng elementary at junior highschool pero hindi talaga doon tumitira ng pamilya ko. May bahay kami dito sa Maynila at tuwing vacation ay umuuwi kami dito. Pagkatapos ay kapag pasukan ay balik naman sa states. May company kasi doon si Daddy na pamana ni Lolo. Sa kanya iyon pinamana dahil siya ang panganay sa pamilya. Samantalang may malaking share sa stocks ang mga kapatid ni daddy para fair daw ito sa lahat. While nagpatayo si Mommy ng Pharmacy sa New York kaya ito ang pinagtutuunan niya ng pansin. Licensed pharmacist kasi siya at pangarap niyang makapagpatayo ng pharmacist na matatawag niyang sa kanya. By the way, nag transfer kami sa MIU or ang Magsino International University. Well, sabi daw nila Filipino ang may ari ng school na to. Maraming branch ng paaralan na ito, kahit sa ibang bansa pa. Tapos maraming nga nag-aaral dito kahit na malaki ang tuition. Kaya halos mayayaman ang nag-aaral dito. At isa kami sa mga transferee dito. Habang naghihintay ako sa kanila ay nag-instagram muna ako para 'di naman ako masyadong ma-bored sa kakahintay sa kanila. Yung mga babae kasing yon eh, kapag gumalaw dinaig pa ang pagong sa pagkabagal. Bakit di kaya nila ako gayahin? Nahiya na nga ata sakin si Flash kung gumalaw ako eh.

"Oh my gosh!" Nasigaw ko nalang sa gulat.

Paglingon ko sa likod ko, nakita ko si Sanya habang nangingiti ngiti pa. Yawa talaga! Gulatin ba naman ako. Magugulatin pa naman ako.

"Langya kang babae ka! Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nag-aantay dito? Bakit ngayon ka lang dumating? Na-traffic ka ba? At saan na si Julia?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Pwede ba girl, isa isa lang! Sige ka mamaya mase-stress ako niyan at mawawala ang beauty ng magandang face ko." Sagot niya sakin. Tsk arte ah?

"Tigil tigilan mo kong babae ka ha. Kahit maistress ka, wala namang mawawala diyan! Bakit ka nga ba late? Hello naghintay lang naman ako ng kalahating oras. You're welcome." Sarkastiko kong sabi sa kanya. Kunyari naiinis ako dito. Hmp! Pero nakakainis naman talaga eh. Hindi ako mahilig sa pag-aantay no!

She rolled her eyes. "Oh sorry naman. Because I need to have a beauty rest para siyempre pag nakakita ako ng new crush o bagong maging boyfriend, siguradong maganda na'ko." Sagot nito sakin.

"Fine. Oh by the way, where's Julia?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Malay ko ba sa babaeng yun." Tawagan mo nga!" Utos nito sakin. Inutusan niya pa talaga ako. Anak ng!

Agad ko siyang tinawagan dahil naiinip na talaga ako ditong umupo at maghintay nanaman ng ilang oras.

After ng tatlong ring sinagot niya rin.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon