14-Preperation

769 32 2
                                    

Kinaumagahan...


Julia's POV

Gaya nga ng sinabi ni Kakai,mamaya ay iset up na namin ang date. Born for you daw ang kakantahin ni Rocco kaya naghanda kami ng mga red ribbon strings. Nandito kami ngayon ni Joshua sa flower shop dahil sinamahan niya kong bumili ng flowers para mamaya at may pinabili rin naman sina Kakai.

"Josh, tulungan mo'ko ditong pumili! Ano ang mas maganda? Itong red rose o ang pink? This one oh!" Tanong ko sa kanya dahil pumipili ako ngayon ng flowers. Mamaya pa rin naman sa hapon ang date nila kaya take time muna kami ngayon. "Kung pink kasi, favorite rose ni Kakai and mas bet ni Sanya yung red." Dagdag ko.

"Alin ang mas maganda?" Tanong pabalik sa'kin ni Josh. Josh na palagi ang tinatawag ko sa kanya dahil parang nasanay na'ko. And para short cut. XD

"Oo. This one? Or this?" Tanong ko ulit sa kanya sabay pakita ng mga flowers.

"Mas maganda ka." Simpleng sagot niya. Aba! Loko to ah? Sagutan ba naman ako ng kung ano ano eh flowers ang tinutukoy ko.

"Josh! Seryoso ako ngayon!" Seryosong sagot ko sa kanya. Alam ko kasing kung hindi ko ito siseryosohin ay matatagalan kami dito. Eto kasing kasama ko, walang ibang gawin kundi magbiro ng magbiro.

"Joke lang Jul! Yung red nalang piliin mo. Diba sabi mo earlier na gusto ni Kakai ang pink? Eh baka magalit yun dahil favorite rose niya yung pinili natin. At diba mas gusto ni Sanya ang red." Sagot niya.

"Sabagay, may point ka." Tipid kong sagot sa kanya at pumunta na sa counter para magbayad.

"Ate dagdagan mo nalang ang bouquet ng red, white and pink roses. Tapos add mo na rin tong 2 red roses and 1 white rose." Sambit ko sa cashier at binayadan na.

"Bakit ba kasi si Kylie pa yung nagdecorate ng dating place? Pwede rin namang ipa-decorate." Naiiling na sambit nalang sa'kin ni Joshua.

"Mas gusto niya raw na perfect yung room nila at mas gusto niya na mas maganda. Alam mo naman ang babaeng yun. Perfect guy, perfect place and perfect time." Sagot ko sa kanya at tango nalang ang sagot niya. Agad na kaming pumara sa taxi at sumakay.

On the other side...

Ruru's POV

Dito kami ngayon ni Kylie sa palagi naming tinatambayan at ginawa naming dating room. Hindi naman kasi gaano ka sikip ang room dahil parang dating classroom lang ito. Born for you ang kakantahin ni Rocco kaya nagpapractice na yon at nag-dedesign naman kami ngayon ng red and white crepe paper. Napag isip-isipan kasi naming crepe paper yung i-design para magmukang maganda at attractive ang dating ng room na 'to. At syempre mas special pa dahil first date ni Rocco at Sanya to. Nilagyan din namin ang mga red strings ng pictures nilang dalawa. Kahit na kaunti lang ang pictures nilang magkasama ay nakadagdag rin ito sa mga designs. Ang galing at artistic kasi mag design ang wifey ko eh.

"Ezekiel paabot ng red crepe paper." Bossy na utos nito.

"Wait lang madam!" Sagot ko sa kanya at inabot ang kailangan niya.

"At yung double sided tape ibigay mo na rin. Tapos ikaw na lang ang maglagay ng red head balloons sa roof banda." Utos niyang muli.

"Ok. Fine...wifey kong bossy. Kung mag utos naman to." Nasagot ko sa kanya at bahagya naman siyang ngumiti.

"Thank you hubby ko." Sagot niya sakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Jusko 'di kaya may sakit ako sa puso? Bakit tumitibok nalang ito ng mabilis kung tawagin niya kong hubby?





Rocco's POV

Dito ako ngayon sa classroom. Mas pinili kong dito nalang mag practice ng kanta ko kay Sanya para mamaya dahil wala ng mga estudyante at hindi maingay ang paligid. Nagpapasalamat talaga ako kina Kylie, Ruru, Joshua and Julia dahil sa wakas ay maka first date and moment na rin kami ni Sanya. Ano kasing pinakain niya sakin bakit ang playboy noon ay naging loverboy na ngayon. Pero sa palagay ko 'di ako ang nag iisang playboy turns into lover boy here. Si Ezekiel kaya? Anong nararamdaman niya para kay Kylie? Sa totoo lang, ideal type of girl naman talaga si Kylie eh. Maganda, maputi, sexy at sobrang bait pa kaso minsan may pagkasuplada. Pero kung ano man ang ending, doon ako para suportahan silang dalawa. KyRu shipper kaya ako. Diba kapangalan sila ng school namin? Haha.







Sanya's POV

Bakit sina Kylie, Ruru, Joshua at Julia ay busy? Even Rocco is busy too. Nakakaboring kaya dito sa bahay. Inaya ko sina Kylie at Julia na mag mall dahil wala rin naman kaming klase dahil students week pero bakit busy sila. May date raw sina Ruru at Kylie pero bakit busy si Joshua at Julia? Hays so boring dito...walang magawa talaga. Bibili kaya ako ng damit? Para sa party namin mamaya? Sabi kasi ni Kakai may party kaming mamayang gabi eh. Mag di-dress daw kami ng kulay red. So unique ah. XD



Third person's POV

Lahat ay busy. Walang kamalay malay si Sanya na nag si-set up pala ng date nila ni Rocco ang mga kaibigan niya. Si Rocco naman ay todo practice ng song niya dahil ayaw niyang mapahiya kay Sanya. Lalo na dahil first date and first moment niya ito kay Sanya. At most of all, first song niya ito para sa dalaga. Samantalang si Joshua naman at Julia ay namili ng mga bulaklak at pagkatapos ay sumakay na sa taxi para mahatid na ito kina Kylie at Ruru dahil sila ang naka assign para sa design ng room.

Lahat sila ay busing-busy sa kanya kanyang mga ginagawa. Si Sanya naman ay pumumta nalang ng mall at namili ng mga damit niya at ng red dress oara sa party at para hindi ito masyadong ma-bored sa bahay nila.

........................
To be continue...

Sary for the short update. Malapit na talaga ang date ng RocSan kaya abangan niyo na.

Thank you so much sa mga nagbabasa :-)

Dont forget to like and comment. <3

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon