30- Couples

699 33 8
                                    

Ezekiel's POV

Putchang pagkakataon naman to oh. Sana moment na yun nina Joshua at Julia eh. Bakit pa kasi dumating sina Kylie at Sanya.

Uy, di ko sila sinisisi ah? Mahal ko kaya ang mga yon. Lalo na yung isang pinakamaganda. Actually lahat naman sila maganda, pero para sakin may isang pinakamaganda. At alam niyo na yun. At hindi lang mahal ah, mahal na mahal ko yon eh.

Speaking of? What the? Yung surprise ko pala pano na? *_* huhu pinaghirapan ko yun para sakanya eh. Naghirap ako at nag effort ng sobra sobra para dun eh. Dugo at pawis yung ginamit ko para matapos lang yun eh! T__T HAHA wait, ang drama ko pala!

Pano na? Pano na? Pano na?

Tss OA ko. Mamaya ko nalang nga sa recess i-susurprise siya. Para di niya malaman. At sana tuloy na tuloy na talaga! Hayyy buhay!

"Oh mukang wrong timing kami sa moment ah?" Tanong naman ng kararating na si Kylie na alam na alam sa mga mata niya na alam niya ang nangyayari kina Joshua at Julia bago sila dumating. Waw! Parang ang lalim nun ah? XD

"Mukang may nag pi-PDA kasi dito Ky! Wag ka ngang maingay! Dapat shhh lang!" Singit naman ni Sanya na nag wi-wink wink pa kay Kylie. Hayy! Pareho talaga sila ni Rocco na hindi nahuhuli sa balita. Oo nga pala, couples nga naman ngayon, joke!

"Hi Hal!" Bati naman ni Rocco kay Sanya na nakangiti pa na parang kinikilig...tss kalalaking tao. Edi kayo na mag shota! Soon pa kasi kami eh. Hinihintay ko pa. XD Bahala na, assuming na kung assuming! Haha

"Hello Mahal ko! Sambit pabalik naman ni Sanya kay Rocco at lumapit para yumakap. At ito namang lalaking to, hindi maiwasan na di kiligin. Hays! Mga tao talaga. Kaya ayoko na talaga sa mundo eh! Parang wala ng space ang mga bitter! Haha joke lang. Baka magalit kayo sakin! Haha

"Anong tinitingin tingin mo diyan sa kanila? Wag mong sabihin na naiinggit ka." Sabi naman sakin ni Kylie. Woah! Di noh. May future naman ako...at ikaw yon tss. Tapos kapag tumingin, inggit agad?

"Di ah! Natatawa lang ako kasi dito kay Rocco eh. Parang praning! Parang kinikilig pa, eh kalalaking tao." Sagot ko naman sa kanya na nakatingin parin kina Rocco at Sanya.

Ng biglang tumingin samin yung tinititigan ko -_-

"Uy! Maging sweet naman kayo diyan oh! Kayo nalang ang hindi nagpapansinan diyan! Ano bitter lng ang topic, ganun?" Sigaw naman samin ni Rocco.

"Eh ang iba kasi diyan torpe. Ina-advice niya pa ko na wag maging torpe tapos siya ganun pala!" Pagpaparinig ni Joshua habang ang lakas ng tawa. Loko to ah? Siya na nga tinulungan kong magka-points kay Julia eh! -_- At ayon nga, nakitawa na rin si Rocco sa kanya -_-

Nanahimik lang ako dahil nakatitig sakin si Kylie habang nakikitawa rin sa sinabi ni Joshua. Ts parang nahiya nako ngayon eh! Haha anuba!

"Parang hiyang hiya ka ngayon Mr. Madrid ah? Torpe ka pala? Akala ko hindi dahil marami ka ng babaeng napasagot eh." Tanong niya sakin na halos matawa pa.

Ts. Ito na maging sweet na nga! At pati siya sinasabihan na kong torpe? T__T Yoko na eh!

Tumingin naman ako pabalik sa mga magaganda niyang mata.

"Nahihiya lang kasi akong tumingin sa magandang babae na nasa harap ko ngayon." Sambit ko pabalik sa kanya na nakatitig parin sa maputi at maganda niyang mukha.

"Ang cheesy mo!" Sabi naman niya sakin at tumawa. "Alam mo dinadaan mo naman ako sa mga paandar mong yan eh! Tsk ngayon di na yan uubra sakin." Sambit niya pang muli. Waww? Baka isang pakita ko lang ng dimple ko eh ma cucu-tan siya agad eh XD at isa pa, di lang cute mapopogian pa!

"Ang ganda ganda naman kasi talaga ng Wifey ko!" Paglalambing ko sa kanya at hinawakan ang buhok maganda niyang buhok.

Wala na kong pake kong corny man to. XD

"Tss fake wifey 'kamo!" Sambit niya pabalik na nakangiti. Ito talaga oh, sinisira niya moment ko. -_- palagi nalang eh T__T

"Shhh!" Suway ko at tinakpan ang bibig niya gamit ang hintuturo kong daliri. "Iba na ngayon, present and future na okay?." Sambit kong muli at hinawakan ang kamay niya. (Holding Hands)

Tingg! Tinggg! Tinggg! (Bell rings)

"Oh halina kayo! Recess na oh! Kanina pa gutom 'tong asawa ko eh!" Sigaw ni Rocco saming lima. Pupunta na sana sila ng canteen ng pinandilatan ko sila ng mata.

"Pano ang surprise ko? Kalimutan niyo ha? No way!" Nasabi ko nalang sa sarili ko. XD

"Ahh oo nga pala. Ky, Una na kaming apat ah?" Sagot naman ni Sanya sa amin na parang alam na ang tinutukoy ko. Hay! Salamat naman kung ganon!

At nagtungo naman silang apat sa place na pinag-usapan namin kanina ng wala pa sina Kylie. Pero bakit nalaman nina Sanya at Julia? Ah baka sinabihan naman ng mga boys. XD

"San pupunta ang mga yon?" Tanong ni Kylie sakin. Naku! Nagsisimula na kong kabahan eh. Baka di kasi matuloy o kaya parang ewan o di niya magustuhan ang surprise na hinanda namin. Parang maiihi ako na ewan eh XD letche naman kase, ganito pala ang feeling manligaw? Putcha ang hirap pala! Pero dapat relax lang Ru! Enhale, exhale.

Pero back off? No way! Di yan papalag sa mga Madrid no! At specially kay Ruru Madrid.

Agad ko naman siyang hinawakan sa kamay.

"Ky, sama ka sakin may ipapakita ako sayo!" Sambit ko sa kanya na halos maiihi na sa kaba. Letche baka hindi ko mapigilan mamaya? Wahh! Nakakahiya, nanliligaw pa naman ako.

"San tayo pupunta Ru?" Tanong niya naman sakin na may ngiti pa sa mga labi.

"Basta, sumama ka nalang sakin. And promise, maganda to." Sagot ko sa kanya at nag wink.

Tango naman ang ibinigay niyang sagot sakin. At naglakad na kami papunta sa kinaroroonan ng surprise na inihanda namin para sa kanya. At sana, success mamaya!

...........................
To be continue...

Surprise na ba dis sa sunod na chapted??

Sorry sa slow update guys! Im hoping na ma understand niyo! Thankyouuu!

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon