Kylie's POV
"Saan mo ba kasi ako dadalhin Ruru?" Pangugulit ko sa kanya. Kasi parang ang misteryoso nitong lalaking to ngayon eh. Kaya kinakabahan tuloy ako. XD
"Basta, sumunod ka nalang. Malapit na tayo." Sambit niya pabalik sakin.
Naglakad lakad pa kami ng tinakpan niya ang mga mata ko. Loko to ah? Pano ako nito makakakita kung tinakpan niya na. Tsk
"Ru, may balak ka bang masama sakin? Please wag ko nang ituloy." Parang praning kong sagot. Ts bahala na kinakabahan na ang Kylie niyo eh.
"Ano? Wala noh!" Sagot niya naman pabalik na halatang nagulat sa mga tinuran ko.
"Eh bakit mo tinakpan ang mga mata ko? Please pakawalan mo na ako. Kinakabahan na ko eh. Baka maligaw ako at di na makauwi o di kaya kunin ako ng puting van at isakay sa sasakyan nila at kuhanin ang mga organs ko at baka mamatay pa ako. So please bitawan mo na ko bago ako ma-tsugi dito pwede ba?" Pagmamakaawa ko sa kanya. Ts parang ako nahiya sa sarili ko eh XD ang praning ko pala to the highest level na. Haha ngayon ko lang napansin yon.
"Pwede ba Ky, keep quiet muna. At wala akong balak na masama sayo noh! Hindi pa nga tayo kasal eh. At sige ka, isang buka pa diyan ng bibig mo hahalikan na talaga kita!" Sambit niya naman sakin na nakangiti pero may nakakatakot na awra. Oh ems? Ano kayang nangyayari kay Ruru? Baka sinapian na siya ng masamang espireto? Hala anong gagawin ko?
Bigla naman siyang huminto. Hay sana dito na yong ipapakita niya.
Bigla naman akong nakarinig ng paborito kong kanta...ah hindi lang pala paborito...pinakabaporito.
(Insert PERFECT by Ed Sheeran)
~Diyan sa multimedia may kanta guys.Bigla niya namang kinuha ang kamay niya sa mga mata ko at agad sumalubong sakin ang liwanag. Pero may napansin ang mga mata ko agad.

Oh ems? Magpo-propose na kaya siya? Hala get ready na sarili mo Kylie Nicole!
Agad naman akong tumingin sa kanya at agad kong nakita ang apat kong mga kaibigan.
Si Julia ang humahawak ng letter 'G' at si Joshua naman ng letter 'F'. While si Sanya naman ang humahawak ng question mark (?) at si Rocco ang humahawak ng bouquet ng flowers na puno ng pink roses. At timing ah, may mga dala pang sunflowers. Haha alam talaga nila ang mga paborito ko. Kaya love na love ko sila eh.
I found a love for me
Darling, just dive right in and follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh I never knew you are the someone waiting for meNagsimula na silang kumanta at magpatugtog ng violin habang ako ay parang maiiyak na nakatingin kay Ruru. Si Ruru naman ay bakas sa mukha niya na kinakabahan kung paano magsisimula.
Kinuha muna nito ang bouquet ng bulaklak kay Rocco at binigay sakin bago nagsimula ng kanyang mga sasabihin.
"Ky, alam kong madaling panahon lang tayo nagsama pero para sakin, napaka-importante ng mga panahong iyon." Pagsimula niya. "Dahil sa mga panahong yon tayo nagsama at sa mga panahong yon kita nakilala pa ng lubusan. Ang isang Kylie na mabait at mapagmahal...at higit sa lahat, maganda." Aish, kinilig ako dun Hihi "Alam kong wala ka pang masyadong tiwala sakin nong una dahil ano ba naman ako? Isang hamak na playboy na walang alam kundi saktan, paglaruan at lokohin ang mga babae." Pagpatuloy niya sa mga sinabi sakin. "Pero Ky, dahil sayo nagbago ako. Dahil sayo nakilala ko ang isang Ruru na hindi lang pala manloko ang alam kundi ang magmahal rin." Natatawa niyang dugtong. "Sana Ky, bigyan mo ko ng chance na maging karapatdapat din ako sa puso mo. Na masabi ko sa buong mundo na akin lang tong pinakamagandang babaeng to. Sana ngayon, masagot mo na ang isang napaka-importanteng tanong ko." Sambit niya pa at bahagyang lumuhod ito sa harapan ko. "Kylie Nicole "Kakai" Sicangco Padilla, can I call you mine? Will you be my girlfriend?" Tanong niya sakin at binuksan ang isang kahon na lalagyan ng singsing.
Napatitig naman ako sa mukha niya na kinakabahan parin. Oh ems? What the feeling! Ganito pala yon. Yung parang akala mo ikakasal ka na? Sa long sweet message niya nga palang ay parang mapapasagot ka na ng matamis mong OO eh. Chos.
Tinignan ko naman bahagya sina Sanya at Julia na kasama sina Rocco at Joshua na nakatitig lang sakin. Bakas sa mga mukha nila ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Agad naman akong ngumiti sa kanila at binaling ang mga paningin ko sa napaka-sweet at gwapong lalaki sa harap ko.
"Naku, ang drama mo! OO na! Kung hindi lang kita mahal eh!" Pabebe kong sagot XD
"OO? Tayo na? Officially?" Sunod sunod na tanong nitong lalaking to. Ts di niya ba narinig?
"Sige bawiin ko nalang! OO na nga!" Sambit ko na pinipigilan ngumiti dahil sa kilig.
Agad naman niya sinuot ang sing sing saking daliri at dali daling tumayo.
"YESSSSS!" Narinig niyo ba yon? Kami na ng babaeng to!" Sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. Ts kung hindi kalang sweet at gwapo hindi kita sasagutin eh. Joke! Atsaka cute pa pala hehe.
Napatingin naman ako sa kinaroroonan nina Joshua, Julia, Sanya at Rocco na halos kiligin rin dahil sa mga ngiti sa kanilang mga labi na pinapakita sakin.
Inaakbayan ni Rocco si Sanya at si Joshua naman ay humu-hokage kay Julia. Napatawa nalang ako sa mga ito dahil sa mga pasimpleng da-moves nila sa mga kaibigan ko.
While si Ruru naman ay yakap yakap parin ako habang ang ulo niya ay nakapatong sa balikat ko. Aww, wala ba siyang balak na bitawan ako? Nakakakilig na eh.
Ng biglang sumigaw sina Rocco.
"Wala bang kiss ang officially mag wifey at hubby diyan?" Sigaw nila samin.
Nakatitig lang sakin si Ruru na halatang kinikilig. Ts, sinasabihan niya si Rocco na kalalaking tao daw tapos kinikilig tapos siya ganun din pala.
"Si Kakai kasi pakipot pa eh! Sige na!" Sigaw naman ni Julia samin.
"Pabebe si ate dahil in a relationship na eh!" Biro naman ni Sanya na halos matawa na.
At nagtawanan kaming lahat.
"Sige na! Sige na! Sige na!" Sigaw ng lahat pati ng mga estudyanteng humawak ng mga letters kanina.
"Sige na nga! Basta sa cheeks lang ah!" Sigaw ko naman at bahagyang pumikit.
Ito na nga! This is it, pansit! Mag kaka-first kiss na ko. Go Kylie! Pero wag magpahalata na kinikilig ah.
Naramdaman ko naman na dumapo ang mga labi niya sa......sa noo ko.
"Awwwww" Panghihinayang ng lahat.
"Nako bro ang hina mo!" Sigaw ng natatawang si Rocco.
Ts pati ako nga umasa eh Charot!
"Uy tigil tigilan mo ko diyan Rocco ah! Aral muna bago landi." Pagbibiro ni Ruru na siyang ikinatawa ng lahat.
Hays, ang bad boy ko naging lover boy ko na ngayon. At ang fake hubby ko ay in a relationship na ngayon. At siyempre sakin yon. So girls, back off! Touch him and landi landi him and I'll kill you. Charot XD
Agad naman itong yumakap sakin ng mahigpit na mahigpit. Naku! Ang Ezekiel ko nagpapalambing pa. Ezekiel ko? Hayy ang sarap pakinggan.
...........................
To be continue...Haha ito na Pulled_Out_Girl di kita natiis eh HAHA! So guys nood na me kdrama hanggang sa susunod. Siguro update ako mga 3 to 4 days naman. Byeeee! Mwah <3
Vote and comments ♡
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...