(On the other side...habang nag pe-prepare sina Joshua, Rocco and Ruru ng a suprise for Kylie ay ganito ang nangyari kay Julia)
~
Julia's POV
Natutulog ako ng nagising ako dahil sa ingay pero laking gulat ko ng nalaman kong sa ibang lugar na'ko nagising. Di ko alam kong saan pero para siyang magandang paraisong puno ng mga bulaklak at may mga cherry blossoms pa at may mga paro paro rin. Sinundan ko sila dahil naakit ako sa mga ito. Nag-aagaw kasi ang pagka-violet at pink nito kaya mas naakit pa ako dito.
Naglakad lakad pa ako at nakarating ako sa lugar na may talon.
Agad naman akong umupo sa malaking bato at nanunuod sa mga isdang lumalangoy sa batis na may talon at sa mga nagliliparang mga paro paro.
Nagulat ako ng may isang lalaking naroroon. Parang namumukaan ko siya. Pero sana naman gwapo XD Nakatalikod lang siya na animo'y nanunuod rin sa mga paro parong naroroon. Di kaya destiny kami at pinagtagpo ng mga isda at paroparo? >_<
Sa palagay ko lugar ito ng mga fairy tales na nababasa ko sa mga libro noon at napapanood ko sa mga movies ng barbie. Omy gulay! Di kaya pumasok ako sa libro? O kaya naman isa ako sa mga kaeksena ng mga barbies?
Agad namang lumapit sakin ang naka-hood na lalaki. Mukang nakasuot siya ng jacket na mahaba. Di ko alam kong ano yon pero di ko parin makita ang mukha niya. Pero ganunpaman sana gwapo ang fes ni kuyang naka-hood.
Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko pero nakatingin parin sa kanya. Agad niya naman binaba ang hood niya at laking gulat ko ng kilala ko iyon. Iyon ay si...
"Joshua?!" Si Joshua iyon. Bakit siya naririto? Pumasok rin ba siya sa movie ng barbie? Or di kaya ay pumasok rin siya sa libro?
"Julia ikaw pala!" Sambit niya naman na nakangiti. Natameme ako sa nakita ko. Ano ba tong pinasukan kong lugar. T__T Juiceko help me.
"Bakit ka naririto? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya na gulat na gulat parin. Kung matanda lang ako neto, kanina pa siguro nahulog pustiso ko. -_-
"Paggising ko may nakita akong mga paro paro at sumunod lang ako kaya ako nakapunta dito." Sambit niya habang nakangiti. Bwesit bakit panay ang ngiti niya? Naku Joshua magtigil ka mas lalong nakaka-attract eh! "Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong niya naman sakin. Eh pareho lang kaming dinala ng mga paro paro dito eh. Ommo! Di kaya destiny talaga kami? Makakaboypren na kaya ako? Mygosh this is it pansit!
"Eh sumunod lang din ako sa mga magaganda at makukulay na mga paro parong to eh." Sambit ko naman sa kanya at may isang paro paro na dumapo sa aking kamay.
Nagngitian naman kaming dalawa na akala mo ay sinong mga baliw na nag uusap lang sa mga mata.
"Oo nga pala, alam mo ba kong saang lugar to?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Di nga eh. Paggising ko nalang dito nako sa lugar nato." Sambit niya sakin at tumango lang ako. Naiilang nako sa aming dalawa kaya sinentro ko nalang ang atensyon ko sa mga isdang naglalangoy sa may talon.
"Jul?" Sambit niya muli. Luh himala parang close na close kami ngayon ah?
"Hmm? Ano yun?" Tanong ko sa kanya pero nakatitig parin sa talon.
"Kong may pagtingin ako sayo at aminin ko ngayon mamahalin mo kaya ako?" Tanong niya sakin. Luh? Bakit ganito ang tinanong niya sakin. Anak ng! Josh wag ngayon. Beke kelegen eke eh! XD pero stop! Wag nga munang assuming Julia! Baka nagtatanong lang naman eh.
"Oo naman at tsaka di ka naman mahirap mahalin no." Sagot ko naman muli. Seryoso nato! Walang hiya hiya nato ngayon at isa pa ngayon ko lang siya makakasama na kami lang. Baka malay mo magkakadevelopan pa kami. Parang picture diba? XD
"Jul maha---"
(Alarm rings)
"Ay maganda ang ate niyo!" Napasigaw ako sa gulat ng magising ako ng letseng walang hiyang alarm nato. Bwesit panaginip lang pala ang lahat? T__T pero sana hindi nalang ako nagpa-alam -_- moment na sana namin yon ni Joshua eh. Walang hiya talaga huhu iyak na me! T__T
Sana sasabihin na niya yon eh. Don na sana sa Jul mahal kita eh! Bwesit naman parang teleserye anubayan!
Ano na bang oras? Matignan nga.
"O EMSS? Anak ng lola niyo! Mag-aalas otso na pala? Bakit ngayon lang ako ginising ng kill joy kong alarm clock nato?" Nasambit ko nalang sa sarili ko sa gulat ng makita ko ang oras. "Ay oo nga pala! Kung nagising ako kanina pa, sana hindi kami nakaabot sa moment na nag aminan na kami ng feelings sa isa't isa! Haha anuba kinikilig ako eh! Proud ako sayo Jul haba ng hair mo! ^_^
Agad nakong kumuha ng towel at agad pumunta sa bathroom para makapaligo na. Pero letche talaga. Hanggang bathroom sinusundan pako ng letcheng nakakakilig na panaginip na yon. Maygas sweet dreams talaga ang tema nun! Baka pati sa tubig may mga langgam na ah.
Pano kaya kung totoo yun at hindi panaginip? O kung maging totoo yun? Siguro magkaka-boypren na ko! Yeyy salamat naman sana kung ganon. At isa pa batay sa sinabi ko sa panaginip ko hindi naman siya mahirap mahalin eh. Gwapo naman siya, maputi, mabait at baka may abs pa XD pero higit sa lahat good boy pa...minsan napapaisip rin ako sa Joshuang to eh. Bakit goodboy siya pero hindi chicks magnet o matinik sa mga babae? Eh gwapo naman ang kuya niyo. XD
Agad na kong naligo at nagbihis. Ngayon, paster pa sa pinakapaster ang ginawa ko eh. Di nako kumain dahil baka malate na talaga ako mamaya. Sayang masarap pa sana ang ulam T__T pero sacrifice naman yun dahil baka mapagalitan pako ng teacher namin plus yung malatigreng Kylie pagnalaman niyang late ako Huhu!
..................…………
To be continue...Author's Note: Hi guys! Salamat at dito parin kayo sumusuporta kina Mr. Walang Modo at Ms. Sungit ng Mr. Heartbreaker...at sana di parin kayo magsawang abangan ang mga susunod na chapters. Sisikapin kong matapos nato sa summer...kung matapos talaga XD Basta pag wala na kaming pasok para isusunod ko naman ang Past Love. Dahil may new story naman ang ate niyo! Pero ipupublish ko lang yon kong matapos ko na to. :) Thank you ulit! Mahal na mahal ko kayo! <3
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...