54- Kidnap?

658 29 25
                                    

Ruru's POV

Maaga akong pumasok sa school. Noon kasi sinusundo ko pa si Kylie pero ngayon... Hay, hindi na ako sanay sa bagong schedule ko.

Pagdating ko sa parking lot ng school ay agad ko nang ipinark ang kotse ko at agad na nagtungo na sa classroom.

Habang naglalakad ako sa corridor patungo sa kwarto ko, ay nakita ko ang babaeng nakatalikod habang may kausap sa phone niya. Si Gab iyon. Actually di naman ako masyadong galit sa kanya dahil di naman daw nito sinasadya at utos lang sa kanya. Pero nagkataon lang na nakita ni Kylie ang ginawa niya yon.

Pinuntahan ko agad siya pero hindi ko na ito tinawag dahil baka importante ang kinakausap niya ngayon at baka maisturbo ko pa sila.

"Atleast ako parin ang gumawa ng paraan para magbreak sila ng haliparot na Kylie na yon, kaya bleeh ka nalang ngayon."  Nagulat ako sa sinabi niya. Plinano niyang sirain ang relasyon namin? Bakit? Hindi ko maintindihan. Sabi niya sa akin tanggap niya na daw ang lahat. Na si Nicole na ang laman ng puso ko... Pero bakit? Bakit niya ginagawa to?

"Totoo ba?" Walang ekspresyon kong tanong sa kanya dahil galit na galit ang nararamdaman ko ngayon.

Gabbi's POV

Nakapamewang ako habang naglalakad dito sa corridor ng school. Haha, saya saya ko kaya. Break na si Ruru my loves at ang malanding Kylie na yon. Tsk ginayuma niya lang yon ang Ruru ko kaya naging sila. Kadalasan kulang sa pagmamahal tsk.

Kringgg kringggg... (Arra is calling)

Tsk... Ano nanaman kaya ang sasabihin ng babaeng yon sa akin?

"Hi girl! Mission accomplished ka sa plano natin ah. Congrats sayo bruha!" Sambit nito at tumawa pa ang gaga.

"So? Inggit ka?" Pagsusuplada ko dito habang nakataas ang isang kilay kahit hindi niya nakikita. Akala niyo friends kami no? Well, nagpaplastikan lang naman.

"Hoy gaga! Bakit naman ako maiinggit sayo? Eh ako naman ang mahal ni Ruru. At isa pa, ako ang gumawa ng plano diba? Alagad ka lang!" Sambit niya pa. Me? Alagad? Eww hindi kaya. Baka siya yon tsk.

"Atleast ako parin ang gumawa ng paraan para magbreak sila ng haliparot na Kylie na yon, kaya bleeh ka nalang ngayon." Patawa tawa ko pang sambit dito ng biglang....

"Totoo ba?" Agad akong napatigil at napatingin sa likuran ko at laking gulat ko ng makita ko kung sino ito.

"R-ru?"

"I SAID TOTOO BA?!" Pasigaw na nitong tanong. Agad namang napatingin sa amin ang mga estudyanteng malapit lang dito.

"R-ru? H-hindi ko s-sinasadya." Pautal-utal kong sagot dito at napayuko nalang. Nakakatakot kasi ang mukha niya. Blangkong blanko ang ekspresyon nito. Yung mukha niyang galit na galit talaga.

"Gab, alam mo, kaibigan ang turing ko sayo. Isang malapit na kaibigan pero bakit mo ginawa sa akin to? Bakit mo sinira ang relasyon namin? Wala naman akong ipinakitang masama sa iyo ah? Puro kabutihan lamang mula ng bago kang transfer dito. Inentertain kita na hindi ko magawa sa ibang babae. Pero bakit ito ang iginante mo sa akin?" Tanong nito sa akin. Bakit ba mahal na mahal niya ang Kylie na yon? Mas maganda pa nga ako siguro don eh. Tsk siguro ginayuma niya talaga yon. Tinatanong niyo ba kung nagi-guilt ako ngayon? Nah! Tsk never mangyayari yon.

"Ru mahal pa rin kita. Bumalik ka na sa akin. YAM? Please?" Sambit ko dito pero agad namang nagsituluan ang mga luha niya. Umiiyak ang isang Jose Ezekiel Madrid sa harap ko. Hindi ako makapaniwala. Siguro namimiss niyang tawagin ko siyang YAM. Ganda ko talaga. YAM - You Are Mine

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon