Kylie's POV
Paglabas namin ng classroom ay dumiretso na kaming apat sa parking lot. Kotse nalang ni Ruru ang gagamitin namin papunta sa lugar na tinatukoy kanina ni Rocco para magkakasama kami.
Bago kami pumunta sa lugar na yon, pumunta muna kami sa supermarket para bumili ng mga pa heme-heme na gagamitin para mamaya sa malupitang surprise ni Julia.
Pagtigil ng kotse sa harap ng market ay agad na kaming bumaba ni Sanya para bumili ng mga props sa mall. Dapat kasi presentable mamaya hehe. While ang mga boys ang natira sa kotse.
Pagkatapos naming bumili ng mga materials ay dumiretso na kami sa lugar kung saan kami kanina bumaba.
Agad na pumasok na kami sa kotse at dumiretso na sa lugar na tinutukoy ni Rocco.
"Sya nga pala Ky, nagtext na si Joshua na sinundo na daw ng driver nila si Julia." Sambit naman sakin ni Rocco. "Didiretso daw siya muna sa bahay nila para sabihin sa mama niya ang plano at papayagin si mama niya mamaya." Dagdag pa ni Rocco. Goodboy talaga to si Joshua. Masunurin XD
"Sige, sabihin mo sa kanya na kung tapos na siyang magpaalam kay tita ay dumiretso na siya sa lugar na tinutukoy mo." Sagot ko dito at tumango naman ito tsaka tinawagan si Joshua.
"By the way, check mo nga diyan Sans kung may kulang sa mga nabili natin." Utos ko kay Sanya habang ito ay chine-check ang mga binili namin kanina.
"Lubid at isang container ng fake blood...yan lang mga pinimili natin Ky." Sagot naman sakin ni Sanya.
"Wala na ba tayong kulang?" Tanong ko naman dito.
"Wala naman Ky, kumpleto na at dalawa lang naman nasa listahan." Natatawang sambit niya at bumaling naman ako kay Ezekiel na nagdadrive ngayon.
"Bby, pagdating natin sa garage na yon, tawagan mo kaagad ang mga bodyguards mo ah. Kahit dalawa o tatlo lang." Sambit ko naman dito at humarap naman ito sakin.
Bahagya naman itong tumingin sakin. "Masusunod ang utos ng maganda kong asawa." Sambit naman nito at napangiti ako na sumagot sa kanya.
"Sira ka talaga." Sambit ko dito habang patawa tawa ng mahinhin at palokong hinampas ang braso niya. Isa sa mga pabebe moments ko >_<
"Bakit totoo naman ah." Natatawang sagot niya sakin. At bumaling na sa daan.
"Uyyyy, mukhang naghaharutan nanaman ang lovebirds diyan ah." Patawang sambit naman ng bruha kong kaibigan na si Sanya habang si Rocco ay patawa tawa lang na nakaakbay dito. Grabi naman to. Harutan talagaaa? -_-
"Tse!" Sambit ko naman sa kanila habang si Ruru naman ay patawa tawa lang at parang gusto pa ang tinukso sa'min ni Sanya. -_-
.
.
.
.Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na nga kami sa garahe na tinutukoy ni Rocco.
Ang luma nga ng garahe pero hindi naman siya mukhang creepy.
Pagpasok namin doon ay nilinisan muna namin konti ang garahe at nilagyan ng mga fake blood ang paligid neto.
Habang gumagawa kami ay tsakto naman na dumating si Joshua.
"Hi guys!" Masiglang bati nito samin na may dalang isang boquet ng red roses. Parang ang saya niya ah?
"Kamusta bro!" Salubong sa kanya ni Ruru at Rocco at nag man-hug ang mga ito. Kami naman ni Sanya ay nginitian siya.
"Anong sabi ni Tita, Josh?" Diretsong tanong ni Sanya. Ito talagang babaeng to walang paligoy ligoy. >_<
"Magandang balita... Pumayag siya." Sambit kaagad nito habang abot tenga ang ngiti.
"Good news talaga yan. Sa wakas magkaka-lovelife ka narin." Patawang sambit ko naman dito at parang namula ito. Ay suss!
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...