Ruru's POV
"Ts...aminin mo na kasi, nagseselos ka noh?" Tanong naman ni Rocco.
"Ako? Magseselos? Sa babaeng yon? Ts no and never." Sagot ko sa kanila.
Tingggg! Tingggg! Tinggg! (Bell rings)
"Next subject na pala. Ts kung malate tayo baka pagalitan na naman tayo ni Sir Fuegueroa. Strikto non eh." Sambit naman ni Joshua. Woah! Study first na siya ngayon. XD
Agad naman kaming pumunta sa classroom namin. At sa naabutan ko, feeling ko minalas pa ko sa taong napakamalas. Tsk...magharutan kasi sina Kylie at magaling na Alden niyan ay parang walang tao sa paligid nila eh noh?
*Siting arrangement*
Rocco->Joshua->(Boy)
Ruru->Kylie->Alden
Sanya->Julia->(Girl)Agad na kong umupo sa chair ko. Ts ang magaling kong girlfriend hindi manlang ko napansin kahit 'hi' manlang.
"Bro, parang busy na busy girlfriend mong makipagharutan sa iba ah." Natatawang sambit sakin ni Rocco.
"Siyempre parang may iba ng mahal si Kylie eh." Sagot naman ni Joshua.
"Pwede ba tumahimik nalang kayo!" Inis kong sagot sa kanila at nakinig nalang ng music sa headset ko. Ayaw kong maka-istorbo sa iba eh. Ts
Discuss
Discuss
Discuss
Dismissed"Class dismissed! Half day lang tayo ngayon dahil may meeting ang mga teachers. Kaya see you on Monday! Dont forget your assignments huh!" Sabi ni Mr. Fuegeroa bago umalis.
"Hatid na kita Ky?" Rinig kong tanong ni Alden kay Kylie. Ngayon, 'di na talaga ako papayag noh.
"Oh sorry bro, ako kasi maghahatid sa kanya eh." Sagot ko agad kay Alden
Mukang napatulala naman ito ng mabilis at tinanong si Kylie.
"Kaano ano mo siya Ky?" Tanong niya.
Tumingin muna si Kylie sa'kin bago magsalita.
"He's my boyfriend." Sagot niya kay Alden. Ts sana mataohan na ang lalaking yon at himdi na lalapit sa girlfriend ko.
"Oh, I see. Sige mauna na ako Ky ha." Sambit niya at ngumiti with matching labas dimple. Tsk...akala niya siya lang may dimple eh noh?
Nag wave naman si Kylie sa kanya at ngumiti na tila ay kinikilig pa.
"Likana!" Cold pa sa yelong sambit ko sa kanya.
Sumunod naman siya sakin papuntang parking lot at sumakay sa kotse ko.
"Mukang sobrang saya mo kanina ah? Sana always." Sagot ko sa kanya pero nakatingin sa salamin ng sasakyan.
"Ts. Alam mo naman pala eh. Bakit ka pa nagtanong." Pasimple niya namang sagot. Aba? Pilosopo to ah? -_-
"At mukhang kinikilig ka naman don." Sagot ko sa kanya. "At may pa hatid hatid pang nalalaman ah? Kung hindi pa sana ako nagsalita agad ay pumayag ka naman." Inis kong sagot ulit sakanya.
"Wala akong sinabing ganon." Sagot niya naman.
"Teka, alam ba nong lalaking yon na may boyfriend ka? Baka ipaalam ko pa sa kanya kung hindi niya pa alam eh." Sagot ko ulit pero hindi parin nakatingin sa kanya.
"Tsk fake boyfriend naman." Sagot niya ulit.
"Wala akong pakialam kung fake man yan o hindi. Basta sa'kin lang, sana ipaalam mo naman sa kanya na may boyfriend ka para hindi naman siya magdikit sayo ng napakalapit. At ang isa ko pang hindi nagustuhan sa lalaking yon ay kung makatingin sa'yo ang lalagkit. Ts kakainis pagmumukha niya eh." Inis kong sagot ulit pero ngayon ay nakatingin na ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...