26-The Moment of Truth

819 44 3
                                    

Pagkarating namin sa bahay nila Ruru ay dinala ko siya agad sa loob ng bahay nila para makatulog na siya ng mabuti.

"Hello po tita Jackie! Pasensya na po kung naabala ko kayo." Sambit ko sa nanay ni Ruru pagbukas niya sa'min ng pinto.

"Wala 'yon hija. Ako pa sana sayo ang humingi ng pasensya dahil na nagambala kapa nitong anak ko." Sambit pabalik naman ni tita Jackie sa'kin.

"Wala po 'yon tita. Sige po dadalhin ko na siya sa kwarto niya para makapagpahinga. Hihingi nalang po sana ako ng mainit na tubig, palanggana at bimpo po para mapunasan ko si Ruru at para makatulog ng maayos." Sambit kong muli kay tita Jackie at tumango naman ito. Agad niya kong pinadalhan sa kasambahay nila ng mga sinambit ko kanina. Agad naman akong tinulungan ni tita Jackie na ipaakyat sa kwarto niya si Ruru.

Pagkaakyat namin ng kwarto ay agad naman dumating ang Yaya nila na may dala na ng mga gamit pampunas.

"Bababa na ako hija ah. Ikaw nalang bahala sa anak ko. Salamat." Pagpapasalat sa'kin ng nanay ni Ruru at ngumiti ito. Agad naman itong lumabas sa kwarto ni Ruru.

Agad kong pinahiga si Ezekiel sa kanyang kama at pinahiran ng basang bimpo.

"Ikaw naman kasi Ru. Bakit ka ba umiinom na hindi mo kayang umuwi ng mag isa?" Sambit ko sa natutulog na lalaki sa harap ko at napahinga ng malalim. Nakuuu! Kung hindi lang siguro kita mahal iniwan na kita dito. XD

"Ky? Bakit ka nandito?" Kakagising na tanong niya na lasing pa ang tono. Ano ba tong lalaking to. Baka atakihin ako nito sa puso eh.

"Ah pinasundo ka sa akin ni Rocco at Joshua. Ikaw naman kasi...bakit ka naglalasing na hindi mo kayang umuwi mag isa?" Tanong ko sa kanya.

"Ky mahal kita!" Sambit niya sakin na lasing pa ang modo. Kailangan talaga paulit ulit? Sinambit mo na yan kanina eh XD

"Huh? Anong pinagsasasabi mo?" Tanong kong muli sa kanya para maklaro ko kung totoo ang mga pinagsasasabi niya.

"Mahal kita! Mahal na kita!" Sambit niya sakin muli at ngumiti. Ibig sabihin...totoo ang mga tinuran niya? Pero baka nasabi niya lang 'yan dahil lasing siya. :-/

"Naku Ru, ayan ka nanaman sa mga paandar mo! Pinaglololoko mo lang ako eh!" Sambit ko sa kanya at tumawa para kunyari hindi ko sineseryoso ang mga pinagsasasabi niya.

"Pero 'yon ang totoo Ky! Mahal kita. Mahal na mahal. At sa palagay ko sa mga oras na magkasama tayo ay natututunan na kitang mahalin." Sambit niyang muli sakin. Luh! Nakakainlove pala kung magseryoso ang mga playboy XD

Nilagay ko ang bimpo sa kabinet at tatanungin ko sana siya pero ng pagtingin ko sa kanya ay tulog na ito.

"Tinulugan na naman ako ng lalaking ito." Sambit ko habang hinahawakan ko siya sa buhok. (Yung parang inaayos style)

Pagkatapos kong punasan siya ng basang bimpo ay kaagad na'kong bumaba para magpaalam kay Tita Jackie na uuwi na.

"Tita uuwi na po ako. Baka po kasi mag alala na sina mommy at daddy sakin." Pagpapaalam ko kay tita Jackie at tumango naman ito at hinatid ako sa labas ng gate nila.

Kinabukasan...

Kringgggg! Kringggg! (Telephone rings)

"Bwesit sino ba kasi to? Natutulog pa ang tao eh!" Naiinis ko nalang na sambit pagrinig ko ng ringtone ng telepono ko.

"Hello?" Sagot ko sa tao na tumatawag sa kabilang linya.

"Hello Ky? Pupunta ako diyan sa bahay niyo ah. Actually on the way nako papunta diyan." Sagot niya naman. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag at laking gulat ko na si Ruru iyon. Luh? Bakit ang aga niya ata ngayon? At isa pa wala naman kaming pupuntahan.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon