4 months later
Kylie's POV
Time flies so fast. Four months na rin ang naglipas.
Today is March 30. At makakagraduate na rin kami. Yeah, graduation nanamin ngayon, at kasabay pa nito ang aming anniversary. Ang bilis talaga ng panahon. Noon, tandang tanda ko pa ang mga kasunduan namin na magpretend ako bilang girlfriend niya. Ang pagtanggi ko na nagseselos ako sa mga babaeng naka paligid sa kanya. Ang mga moments namin na kahit simple lang ay kinikilig ako dahil kasama ko siya. Napakabilis talaga ng panahon. Baka sa susunod magulat nalang ako na ikakasal na pala kami. Haha chos. Im so excited na magcollege na kasama siya.
Agad na kong bumangon mula sa pagkakahiga at dumiretso sa CR para maligo. Gabi kasi ang graduation namin kaya napagdesisyonan muna naming magdate ngayong umaga.
Napangiti nalang ako ng makita ko sa desk malapit sa kama ko ang isang box. Naglalaman ito ng couple necklace. Gift ko sa kanya as a sign ng pagmamahalan namin. I know korni. Mwehehhe korni man, sweet naman. Awww sana all. Haha jwk. Pero siyempre meron rin ako no.
Kasalukuyang nagbibihis ako ngayon ng makarinig ako ng busina ng sasakyan, and im sure na si Ezekiel yon. Ang aga niya ah! 7:30 palang sa umaga.
Pagkatapos kong magbihis ay humarap ako sa cabinet ko na may malaking salamin. Gusto kong maglagay ng light make-up sa mukha ko. Syempre special tong araw na to para sa akin... sa amin. Our first anniversary plus graduation namin mamaya. I just put a small amount of powder foundation in my face and a light liptint on my cheeks and lips. Para magmukhang fresh at pwede ng mag-awra magdamag. Nag posing posing muna ako habang nakaharap sa salamin. Feeling ko ang perfect kasi ngayon ng outfit ko. Galing sa special person ko eh.
Remember this apwes? Saang chapter to?
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at nakita ko naman si Ezekiel na kausap si Mama na masayang nagkikwentuhan. Ano kayang pinag-uusapan nila?
"Good morning!" Masigla kong pagbati sa mga ito habang pababa ako sa hagdan na dahilan upang mapatingin sila sa akin. Si Mama ay nakangiting nagbati pabalik rin sa akin habang ang isang mokong ay nakatulala lang.
Agad kong nilapitan ang mga ito at humalik ako sa pisnge ni Mama.
"You're so beautiful... As always." Sambit nito sa akin at nagsmirk pa ng nakakaloko ang mokong. Hmp hmp.
Nagpaalam na rin kami kay Mommy na aalis na. Si Dad daw tulog pa dahil gabi na nakarating kagabi dahil sa work. Ang workaholic talaga ng gwapo kong father.
_______________
"Uyy? Kanina ka pa tahimik? Anong problema?" Nakangiti kong tanong kay Ruru na ngayon ay tahimik habang nagdadrive. Kanina ko pa napapansin na ang tahimik niya. Hindi ako sanay ng ganyan siya ka tahimik.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...