Kylie's POV
Sa classroom kami ngayon dahil wala naman kaming teacher. At walang saysay mga klase ngayon. Tatlo lang kami dito dahil ang mga boys ay may practice. Kakanta daw kasi sila sa nalalapit na christmas party namin kaya todo practice sila para ma-perfect daw nila. While ang iba naman naming kaklase ay nasa labas nagkikwentuhan.
"Guys parang di ko na nakikita si Arra ngayon. Nag aaral pa kaya siya dito?" Natanong nalang ni Julia habang kami ay tahimik na nagmumuni-muni. Oo nga noh? Parang di ko na rin siya nakikita. Pero salamat narin kung ganoon. Sana nga wag nalang yon pumasok ulit dito eh.
"Oo nga eh. Di ko na rin siya nakikita. Usap usapan noong last last week na sinuspend daw siya ng ilang weeks ni Sir Principal dahil nakipagsampalan at sabunutan kay Aika." Pagkwento naman ni Sanya. Aika is one sa mga eskandalosang babae dito sa KRU. Naging ex rin ito ni Ezekiel. Eh sa dami ba naman ng ex ng lalaking yon? Posibleng pati si Aika ay naging girlfriend rin non.
"Parang tahimik tayo ah?" Tanong ni Julia sakin dahil hindi ko napapansin na nakatulala lang pala ako sa kawalan magdamag.
"May problema ba Ky?" Tanong naman sakin ni Sanya. Maalahanin talaga tong babaeng to.
"Hindi niyo ba napapansin girls? Parang may kakaibang kinikilos ang magagaling nating mga boyfriend." Sambit ko sa kanila. In this few days kasi napapansin ko na palaging may pinupuntahan sila. Sana di naman totoo ang iniisip ng OA kong utak. Wag pleaseee! Waggggg.
"Ano naman yon?" Tanong agad sakin ni Julia. Pero di ko naman gusto na magtanim agad ito ng pagdududa kay Joshua dahil bago lang din naging mag-on sila kaya binalewala ko nalang iyon.
"Ah wala. Siguro miss ko lang ang happy pills natin. Tara sa canteen?" Pag-invite ko sa dalawa at agad naman silang napangisi. Its been a long time ng kumain kami ng marami kaya ngayon uubusin ko na talaga baon ko. Balakayojan! XD
"Pano ba yan? Goodbye savings! You will be missed." Natatawa naman na sambit ni Sanya habang nakatingin sa wallet niya. Nagsave pala talaga ang bruha para sa reunion ng mga happy pills namin XD.
"Sugod na sa canteen!" Nakakalokang sambit naman ni Julia habang nakangiti na abot tenga. Jusmeyo ganito talaga kami pag masyado naming namiss kumain ng marami. Wala eh, adik kami sa pagkain pero hindi naman kami tumataba haha.
Pagpasok namin sa canteen ay humanap kaagad kami ng table para makaupo na rin kami. Nilagay namin doon ang bag namin para sign na nakareserve na ito samin at para di na maagaw ng iba. Parang love lang--ay leche change topic na nga! Pagkain pinunta natin dito Ky! Focus tayo sa pagkain hindi sa love. XD
Agad kaming nagpila sa pizza house na store dito canteen at bumili agad. Salamat nga at di masyadong mahaba ang pila ngayon dito sa canteem. Matagal na rin kasi akong di nakakain ng pizza kaya takam na takam ako at excited na kumain neto ulit. Pagtapos naming umorder ng dalawang box ay agad na itong kinuha ni na Sanya at Julia. Pagtingin ko sa kanila ay nashokit ako sa expression ng mga mukha nila. Parang mga bata sila na pinagkaitan ng gatas ng isang taon. Makikita mo rin ang pagspark sa mata nila kaya natawa ako. Sunod kaming pumila sa drinks. Pagtapos naming umorder doon ay pumunta kami sa pila ng pasta at pumila ulit doon pero laking gulat ko ng nakita ko ang nakaupong grupo ng mga babae sa table na malapit dito sa pasta store. Arra? Nakita ko ang eskandalosang babaitang yon na kumakain habang nagkikwentuhan kasama ang mga kampon niya. Pero ang mas nakakagulat ay magkasama sila ni Gabbi. Waw ang dalawang babaitang kampon ni Lucifer ay nagsama. Pero hinayaan ko nalang yon dahil gutom na talaga ako at takam na takam na sa mga pagkaing binili namin.
Hindi ko na sinabihan ang dalawa tungkol sa nakita ko. Pagkatapos naming umorder don ay bumili muna kami ng graham dessert at tatlong platitong fries at pumunta na sa table namin kanina kung saan namin nilagay ang nag namin.
Naglalakad palang kami ay tanaw na tanaw ko na ang apat na babaeng inuupuan ang mesa namin.
Alams na, ang mga babaitang iyon ay sina Arra, Gabbi, Santan at Gumamela. Tsk wag ngayon ah, gutom kaming tatlo. -_-
Pagrating namin sa mesa namin ay di nga ako nagkakamali. Nakaupo silang apat sa mesa namin na animo ay badboys sila tsk.
"Excuse me, mesa namin yan kaya tsupe, umals kayo dito. Shuuu!" Sambit naman sa kanila ni Sanya kaya napangisi ako. Magalang mang-away tong babae na to.
"Diyan na pala ang mga bitches. Oh hello there! Im back!" Nakangising sambit samin ni Arra pero wala akong pakialam. Ang nagrerestore lang ngayon sa utak ko ay tong mga pagkaing pinamili namin.
"Oh welcome back bitch!" Sambit ko dito at ngumisi ng plastik. "Ito nga oh, nagcelebrate kami sa pagbabalik mo. Oh nga pala, bakit ka pa bumalik? But I don't care kung ano man ang reason mo. Kaya tsupe, umalis na kayo sa pwesto namin." Sambit ko dito ng nakangisi at agad na inilapag ang mga inorder namin sa mesa namin.
"Well, di na ako magugulat kung marami ang inorder niyo. Mga PG kasi kayo." Sambit naman ni Santan kaya sinagot ito kaagad ni Julia.
"Huy ikaw Santan! Wag ka ngang mangialam bruha! Hindi PG tawag don kundi hobby. Hobby naming kumain ng marami at wala kang pake doon. Yan kasi skeleton ka kaya di ka updated sa salitang hobby. Umalis nga sa upuan ko at baka makaladkad pa kita riyan!" Sagot naman ni Julia kay Santan. Ang hilig kasing mangialam ng babaitang to.
Hindi naman maialis ni Arra ang tingin niya sakin pero wala akong pakialam. Tinignan ko si Gabbi na nasa tabi niya na kanina pa tahimik. Kawawa naman siya. Mabait sana kaso kumampon kina Arra kaya madadapuan siya ng virus na kalandian ni Arra.
Tuluyan na ngang umalis sila at agad na kaming umupo sa table naming yon.
"Bumalik nanaman si Arra the eskandalosa." Naiinis na sambit ni Julia habang nilalamon ang isang silce ng pizza. Pag alis kasi nila ay agad na kaming kumain para mababawasan naman ang inis na nararamdaman namin.
"Hayaan niyo na sila. Kulang lang yon sa pansin." Sambit ko naman sa kanila habang nilalantakan ang isang platito ng pasta.
__________________
Thankyou for reading guys! Sorry kung slow update ang story na to dahil busy sa school works. Dalawang chapter ngayong araw ang pinublish ko para sulit naman ang paghihintay niyo. Hindi kasi mapublish kong isang chapter lang ang gagawin ko dahil mahaba. Hope you like this chapter <3Please vote and comment. Loveyouuualllll💙💛
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...