33-Ruru's Ex

730 38 6
                                    

Ruru's POV

Ngayong araw ipapakilala ni Mam Ocampo ang bagong transferree.

Ts, parang wala na kong pake-alam sa mga new transferee na yan eh...hindi katulad ng dati na pareho kaming excited ni Rocco kapag may new girl transferee.

Aww, ito kasing girlfriend ko nagpapalambing pa eh. Inaantok daw, sus hokage. XD

Agad naman itong pumasok sa classroom namin at laking gulat ko ng makita ko ang mukha nito. Nagulat naman ang lahat ng nakakakilala sa kanya except sa mga mga transferee at napatingin ang mga ito sakin. Napalunok nalang ako at napatingin kay Kylie na bumangon na pala mula sa pagkakahiga sa balikat ko.

Agad itong pumasok sa loob at pumunta sa harap para magpakilala.

"Hi guys! Im Gabriella Louise Garcia but you can call me Gabbi or Gab for short." Pagpapakilala ni Gabbi sabay ngiti. Hindi ako makaila, maganda pa rin siya hanggang ngayon. Pero mas maganda ang Kylie Nicole ko.

"Ok Miss Garcia, since transferee ka dito, di naman namin hahayaan na maging uncomfortable ka. So, ikaw na ang bahalang pumili ng uupuan mo." Sambit naman ng teacher namin habang nakangiti parin kay Gabbi.

Napatingin naman ito sakin na parang may balak pang umupo sa tabi ko. Juicecolored! Tulungan niyo po ako...di ko gustong magalit si Kylie. Alam ko naman na malaki tiwala niya sakin eh.

Kylie's POV

Wag na wag ka ditong umupong babae ka...baka makalbo ka sakin. May pa tingin tingin ka pa saming nalalaman ah. Di ka naman maganda no...mas maganda pa nga ko sayo. Tsk.

Agad naman itong lumakad papunta sa isang chair na katabi ng chair ni Ruru na nilalagyan niya ng bag niya.

"Hi Ru! Wala bang naka-upo dito?" Tanong niya na may tono pang maharot. Ts ang landi pala nito...at, bakit niya kilala si Ezekiel?

"Wala!" Tipid na sagot naman ni Ruru sa kanya.

"Ru, wag magpadala sa haliparot na yan." Napapraning ko naman na mga sambit sa utak ko. Pero pinagkakatiwalaan ko namam siya.

Agad naman siyang umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Ruru at sinimulan na nitong interviewhin -_-

"Kamusta na? Long time no see ah!" Sambit ng parang linta na babaeng to. Ang harot niya talaga sa paningin ko... Hindi naman ako napaka-selosa pero malandi lang talaga siya sa mga mata ko -_-

Langya! Nag-uumpisa nanaman akong mainis. Pano ba naman? Dikit ng dikit tong lintang to sa hubby ko. Tapos may pa hawak hawap pa ito sa braso ni Ezekiel. Sino ba naman ang hindi maiinis non? Parang walang space kung makadikit eh. Bakit, hindi ba siya kasya sa malaking upuan na inuupuan niya para dumikit sa boyfriend ko? Ts -_-

"Ok lang naman." Simpleng sagot ni Ruru at tumingin sakin. Yieee masyado siyang loyal. Naiinis eke! XD

Pero itinuon ko nalang ang atensiyon ko sa nagdidiscus na teacher namin para kunyari ay hindi ako nakikinig sa kanila at hindi magmukhang chesmosa.

____________

Madaling natapos ang discussion ni Mam Ocampo about sa English kaya agad namang pumasok ang isa naming teacher.

Agad kaming nagsitayuan para bumati kay Ms. Gutierrez.

"Good Morning Ms. Gutierrez!" Bati ng lahat sa kanya.

"Take your seat now." Masungit na utos nito.

Hays, siya talaga ang hate kong teacher -_- bukod kasi sa subject niyang math na palagi akong mina-migraine ay napakasungit nito dahil matandang dalaga. Sana kaagad siyang humanap ng asawa para di kami ang pagbuntungan niya ng kasungitan niya.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon