5-The Contract

1.1K 49 9
                                    

Third Person's POV

Nagdaan ang mga araw at palagi ng nagkukulitan sina Kylie at Ezekiel. Palagi na ring tinatawag ni Ruru si Kylie na Ms. Sungit at ganoon din si Kylie sa kanya na palagi siyang tinatawag na Mr. Walang Modo.

Kylie' POV

Nandito ko ngayon sa classroom. Nagdidiscuss ang prof namin about chemistry.

Discuss...
Discuss...
Discuss...

Habang ang katabi ko ay walang tigil sa pagkukulit sa'kin dahil may sasabihin daw.

"Pssst! Ms. Sungit! Humarap ka nga muna. May sasabihin lang akong importante." Pangkukulit niya sa'kin.

"Ano ba yunnn? Ang kulit mo! Hindi mo ba alam na nakikinig ako?" Tanong ko sa kanya.

"Alam ko." Sagot niya sakin.

"Eh yun naman pala eh! Naku tigil tigilan mo'ko diyan Ezekiel ha!" Sagot ko sa kanya.

"Eh may sasabihin lang naman ako sa'yo ah." Sabi niya at nag pout.

"Juiceko ang cute niya! Bagay na bagay sa kanya kapag nagpopout. Halatang napaka cute niya. Naku! Ano ka ba Nicole? Tigil tigilan mo nga yan! Erase erase!" Sabi ko sa'king sarili.

"Eh ano ba yun?" Sagot ko sa kanya.

"Pretend to be my girlfriend." Dire-deritsong sagot niya sa'kin.

Napatulala ako sa narinig ko. Hindi ko talaga inaasahan na ganon ang sasabihin niya sa'kin. Pero nakatingin parin siya sa'kin at naghihintay ng sagot ko.

"Anoooo?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi nag-jojoke lang siya sakin dahil kilala naman siya bilang casanova dito sa KRU.

"Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko saiyo?" Tanong niya sa'kin.

"At ano naman ako uto-uto na magpapauto lang sa'yo basta basta? Tanong ko sa kanya. "No way! Ano ka sineswerte?" Matigas kong sagot sa kanya.

"Ang sungit mo talaga! Sige na oh. Sige kung papayag ka na mag pi-pretend hindi na kita kukulitin at hindi na rin kita tatawagin na Ms. Sungit." Alok niya sa'kin.

"Asa ka naman! No way, hindi, never!" Matigas na sagot ko sa kanya.

"Ting! Ting! Ting!" Tunog ng bell dahil time na para mag lunch.

Bahagya siyang ngumiti.

"Kung ayaw mo, susuyuin nalang kita." Sabi niya sakin at nag wink. At nag-smile pa. Puteks! Yung dimples niya. Maygas!

Napa isip- isip nalang ako sa sinabi niya. Kung sa bagay hindi naman mahirap ang pagpretend. Ang dali dali lang naman nito...mag papanggap ka lang na kayo...pagkatapos tapos na. At sa paraan na iyon, hindi na niya ako palaging kukulitin. Palagi niya kasing pinapakulo dugo ko. Napaka-yabang. Akala mo naman kung sinong gwapo.

"Besss!" Sigaw sa'kin ni Sanya. Hindi ko alam na nakatulala na pala ako dahil sa kakaisip kung papayag ako sa alok ni Ezekiel sa'kin o hindi.

"Oh ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Haler? Shonga lang bes? Akala ko ba mahal natin siya? Akala ko ba siya lang? Akala ko ba loyal ka sa kanya at wala ng iba?" Paghugot ni Julia. "Nakalimutan mo na ba ang pinakamamahal nating pagkain? Nagda-diet ka na ba today?" Dagdag pa nito. Hay nako! Akala ko naman kung ano.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon