Chapter Theme Song: Kung Di Rin Lang and Ikaw by December Avenue ft. Moira Dela Torre
______________________
Kylie's POV
"Kain ka muna sissy. Dalawang araw nang walang laman ang tiyan mo." Sambit naman ng Ate Beatrice ko daw habang nilalahad sa akin ang malaking pinggan na may sari-saring klase ng pagkain na may mga prtutas at desserts pa. Pero simula kahapon, dahil sa mga nalaman ko ay nawalan na ako ng gana. Gana gumalaw, gana kumain at gana mag-ayos ng sarili ko. Feeling ko kahit sila ang totoong pamilya ko ay parang kulang parin. Kahit pinaparanas nila sa akin ang umaapaw na pagmamahal ay kulang parin para sa akin. I felt empty. Without Sanya, Julia and without him. Basa lang talaga ng basa ang ginagawa ko umpisa pa kagabi. Binabasa ko ulit ang kwento ng 'His and Her' at lahat ng memories ko... Memories namin ay nandoon. Lahat lahat. Kumpleto talaga. Lahat ng naexperience ko sa piling nila... Sa piling niya. Yung mga malungkot, nakakakilig, masasaya at nakakalokang moments ay nanduon. Kasama rin ang katapangan at hindi kaapi api na isang Kylie Nicole. Namumugto pa rin ang mga mata ko sa kakaiyak. Wala eh, kung maalala ko siya, di ko mapigilang mapaiyak.
🎵 Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sating dalawaGiniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw 🎵Yung mga masasayang moments namin kasama sina Joshua, Julia, Sanya at Rocco, yung kasunduan namin na nauwi sa totohanan, yung sweet side ni Ezekiel, yung mga surprises at effort niyang ginagawa na nagdadala ng matinding kilig sa akin, yung pilya at palaban na si Kylie, yung pagpaparamdam niya sakin ng totoong pagmamahal, at yung time na nakilala ko siya. Fictional lang pala lahat ng yon. Hindi totoo. Walang katotohanan. Imagination ko lang pala sila. Hindi pala sila totoo... Hindi pala siya totoo. Hay ito nanaman ang mga taksil kong luha. Nag-uunahan nanaman sila sa pagtulo. Wala eh, mahina ako pagdating sa pagmamahal. Mahina ako kapag masyado ng nasasaktan ang puso ko. Pinipilit kong maging masaya at maging komportable dito sa mundong to kahit ang totoo ay hindi ko na talaga kaya. Na nasasaktan na ako. Masyadong masakit ang mga nangyari. Masyadong masakit ang mga nalaman ko. Mas masakit pa to kesa sa halik na nakita ko kina Gabbi at Ruru noon. Kasi yon, kahit magalit man ako sa kanya ng ilang beses, kahit maghiwalay man kami... Ay makikita ko pa rin siya. Na totoo siya. Na totoo lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Na totoong mahal niya rin ako. Na may katotohanan yon lahat.
🎵 Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? 🎵Panaginip ko pa sanang ikasal sa taong mahal ko... Walang iba kundi sa kanya. Na bumuo ng pamilya kasama siya. At gumawa ng mga masasaya pang memories kasama ang hubby slash baby ko. Pero wala eh, hindi yon natuloy lahat. At imposible na ring mangyari yon. Pano kaya kung nakasal kami? Pano kaya kung totoo siya? Ano kaya ang buhay namin ngayon? Siguro excited kaming magcollege magkasama. Pero wala na. Wala na yon lahat. Sana at paano nalang ang lahat lahat.
🎵 Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?Kung hindi ikaw ay sino pa ba?
Ang luluha sa umaga para sating dalawa 🎵Ang hirap ng sitwasyon na to. Parang mababaliw ako na ewan. Ganun ganun nalang ba yon lahat lahat? Paano na kami? Paano na ang relasyon namin? Noon ang saya saya naman namin ah. Nag-propose pa nga siya sakin eh. That time napakasaya ko. Na fiance ko na talaga siya. Pero ang lupit naman ng tadhana. Bakit binawi niya yon agad sakin? Hindi ba niya gusto na maging masaya nalang ako sa piling niya?
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...