Kylie's POV
Agad akong napamulat ng mga mata ko ng may marinig akong nag-uusap usap. Pero hindi ko pa talaga minulat na grabi. Nagkunwari akong tulog.
"Ngayon ko nalang nga kayo pinadalhan ng utos, palpak pa!" Narinig kong sambit ng isang napakapamilyar na boses.
"Sorry na bro, to naman. Siyempre hindi kami magaling ni Josh diyan no. Mukha ba kaming kidnapper?" Narinig kong sambit ng isang lalaking kumidnap sa akin kanina.
"Eh bakit 2 hours ng hindi nagigising yan? Sabi ko lang kasi pasamahin niyo sa inyo hindi patulugin niyo. Pag hindi talaga magising si Nicole malilintikan kayo sa akin!" Woah! Alam ko kung kaninong boses iyon. Siya lang naman ang tumatawag sa akin sa second name ko eh.
Agad akong napabangon at napa-upo. Sa kama ako talaga ngayon natutulog ah! Waw kaninong kwarto to?
Pagkita naman sa akin ni Ezekiel na nagising na ay agad siyang umupo sa kama na inuupuan ko para kamustahin ako.
"Ky, gising ka na pala. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Ruru sa akin pagkabangon ko.
"San ako. Waittt? Saan ako dinala ng dalawang panget na lalaking naka-maskarang yon?" Tanong ko agad sa kanya. Wag niyang sabihin na pati siya ay kinidnap rin ng dalawang yon.
"Grabi ka naman Ky. Makapangit naman to. Mga pogi kaya kami." Narinig kong sigaw ni Rocco habang masama pa ang titig sakin. Loko to. Siya pa ang talagang galit ah? Ako dapat yon eh dahil ako ang kinidnap nila tsk.
"Wait nga. San nga ako? At bakit rin kayo nandito?" Tanong ko ulit sa kanila at ang mga loko ay naka-smirk lang sakin.
"Basta." Sambit lamang ni Ezekiel at nagnakaw ng halik sa pisnge ko. Ts bad yon ah. Sana may permission ko hmp.
Agad silang nagtakbuhan palayo sakin. Iniwan talaga nila ako ah? Ang weirddd nila tsk.
Tatayo na sana ako mula sa pagkaka-upo sa kama ng may makita akong babae na papalapit sa akin. Naka-uniform pa ito ng waitress.
"Ma'am, this way po." Nakangiti niyang sambit sakin at binuksan ang kanina ay nakasiradong pintuan.
Agad naman akong sumunod sa kanya. Nauna na kasi itong maglakad kaya kung hindi ako sasama ay maiiwan ako dito na mag-isa. At ayoko namang mangyari yon no. Natatakot ako kapag mag-isa lang ako sa katulad ng mga ganitong lugar.
Pagpasok ko sa pintuang iyon ay wala na akong makita. Itim nalang ang makikita ko sa paligid ko. Parang brownout chos.
Naglakad lakad ako sa lugar kahit hindi ko nakikita. At feeling ko may naaapakan akong something pero hindi ko maexplain.
Mga ilang segundo ang nakalipas ay nakarinig ako ng nakakarinding tunog ng microphone.
"Mic test. Hello mic test." What the? Si Ezekiel ba yon?
Di nagtagal ay bumukas ang mga ilaw. At may isang ilang na nakasentro lang sa akin at kay Ruru. Nakita ko ring may mga petals ng tigsasari-saring kulay ng mga roses sa sahig.
"Hi Ky. Ano ba to, parang nababakla ako." Natawa ako sa narinig ko. Waaah? Sure siya?
"Torpe mo pre! Wag kang babakla bakla diyan." Sigaw naman nina Rocco at Joshua habang tatawa tawa pa ang mga loko. Ts binubuly nila ex baby ko nyahaha.
Hindi niya nalang pinansin ang mga ito at nag clear throat.
"Ky, pasensya na kung kinidnap ka pa namin dahil lang sa surpresang ito. I just want to surprise you. Baka kasi kung sabihin ko ang totoong reason eh baka di ka pa sumama." Sambit nito at medyo natawa. Nays siya ah. Saya niya sa sarili niyang mga sinambit.
"Anong I just want to surprise you? Dapat we. Tsk di mo kami sinama ah." Pagrereklamon naman nina Sanya at Julia. Talagang ang mga bruha ay nandito rin. Sabi nila may gagawin silang project? Tsk talagang kakalbuhin ko mamaya mga buhok nila.
Natawa nalang si Ruru sa mga ito.
"This song is for you." Sambit niya sa akin at nagsimula ng kumanta. Ughhh! Ito nanaman ako sa weakness ko. Ang nakakabaliw niyang boses.
🎵You always ask me
Those words I say
And telling me what it means to meEvery single day
You always act this way
For how many times I told you
I love you
For this is all I know 🎵"I so sorry for what happened noong last week. Di ko talaga sinasadya yon. Peksman kahit si batman alam." Ay ang loko nagpatawa pa. Ts korni niya. At I'll never go talaga yung song ah? One of my favorites huhu. Kainis siya!
🎵Come to me and hold me
And you will see
The love I give
For you still hold the keyEvery single day
You always act this way
For how many times I told you
I love you
For this is all I know 🎵"Nalaman ko rin na sinadya ni Gabbi ang lahat. Yung sa bar, yung halik at lahat. At first nagalit ako sa kanya. Pero ano bang magagawa ng galit ko? Bakit mababalik ba ng galit ko tayo?" Ano pa nga ba? Siyempre malandi siya eh. Kaya sinadya noya talaga yon ts.
🎵I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That I need you so
For this is all I know
I'll never go far away from you 🎵His voice. Ughh its killing me. Bat ang ganda ng boses niya? Nakakatunaw. Di na ko magugulat kung bakit natutunaw nalang ako ngayon na parang yelo.
"Pero one thing I just want to prove you... Which is my love for you. I love you so much. I love you. I love you. And i love you my Kylie Nicole." Sambit pa nito kasabay ng pagtulo ng mga luha niya at nagpatulo rin sa mga luha ko. How i miss that word from him.
"Pwede ko bang maisayaw ang mahal kong Reyna?" Tanong nito at ako naman ay tango lang ang naisagot. Talagang na speechless ako sa mga words niya.
Agad siyang bumaba sa stage ng hindi manlang gumagamit ng hagdanan sa side ng stage. Tumalon lang siya sa stage. Wahhh be't be sye genyennn? Eng het aff.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin at nahihiya pang ilagay ang kamay niya sa bewang ko. Tsk ngayon pa siya nahiya na magsasayaw na kami ah?
Agad na tumunog ang isang instrumental song at ako na ang naunang naglagay ng mga kamay ko sa balikat niya.
"I hope that you still love me." Mahinang bulong nito sa akin habang nagsasayaw kami.
Mahal ko pa nga ba siya? Siyempre isasagot ko naman ay oo. Pero parang ang landi ko kung isasagot ko na oo, mahal pa rin kita. Tsk bahala na nga si darna. Darna ikaw na bahala sa mangyayari ngayon! Dalawa kayo ni batman ayieee. Lamporeber.
Hindi nalang ako sumagot at niyakap nalang siya. I miss him. Yung mga yakap niya. Mga ngiti at mga halik.
"Hmm? I guess I still love you." Bulong ko rin sa kanya at agad siyang napatingin sa akin ng nakangiti. "Sa kabila ng lahat. Alam kong mahal na mahal pa rin kita." Mahinang sambit ko at nagsituluan ang mga luha ko. Wala eh, yon ang itinakda ni darna na sabihin ko.
"I love you. So so so so much." Sambit nito at hinalikan ako sa labi. Uy bawal yon. Dapat may permission ko... Pero okay na rin hehehe.
"Uy tama na yan may mga inosente dito." Sigaw ng mga KJ na kaibigan namin na kanina pa nanonood sa likod. Napahiwalay naman kami ni Ezekiel na may mga ngiti sa labi. Hays, ang sarap magmahal ng isang bad boy. Totoo nga siguro ang sinasabi nila na kapag ang bad boy magmahal, pati asin lalanggamin. Ang sweet eh.
Pagkatapos naman ng moment na yon ay doon na rin kami sa restaurant nag dinner. Triple date daw tawag don hehe. Tinikman ko isa isa sa mga pagkain don. Wala talaga akong pinalampas dahil ang sarap ng mga luto na putahe don. Wahh! This night is memorable for me.
_________________
To be continue...I hope na nagustuhan niyo ang chapter na to.
Wahhh! Panis grammar ko. Mwehhehe sorna di ako magaling sa mga grammar eh :<
Please vote and comment. Lavyah all! 💙💛
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...