44- Mr. Chatmate

523 22 2
                                    

Julia's POV

Mag aalas-diyes na sa gabi at tutok na tutok parin ako sa kakapanood ng meteor garden.

"Promise isang chapter nalang talaga at matutulog na ako. Maaga pa naman ako bukas." Parang timang na sambit ko sa sarili ko.

Toottt--- (messenger's tone)

Justine Caballero: Hi!

Ng biglang tumunog ang messenger ko na nagpapahiwatig na may nag chat pero binalewala ko na to. Busy ako sa kakapanood.

Justine Caballero: hey Ms. Beautiful?

Justine Caballero: Ms. Beautiful anong gawa mo?

Justine Caballero: ay busy pansinin mo naman ako pleaseee?

Sunod sunod na mga chat nito at naiinis ako dahil sa tuwing nagchachat ito ay nagpo-pause ang pinapanood ko. Kaya nireplyan ko na.

Me: hey maya na! Busy ako.

Kakasend ko palang ay kaagad na itong nagreply. Wow alam kong ano ang irereply ko? Kaano ano niya si Flash?

Justine Caballero: busy sa iba? Hays 😔

Ay? Close kami? Grabi ang fc ah!

Me: pwede ba mamaya na dahil may pinapanood ako!

Justine Caballero: chat naman tayo kahit konti lang oh.

Ay ang lupett! Grabii ah! Pero si-nob ko ito at nanood nalang ulit.

After 3 minutes na panonood ay hindi na siya nag chat at laking pasasalamat ko. Siguro nainip yon kakahintay ng reply. Buti nga. Di ko naman kilala eh. Uy baka isipin niyo ang sama ako ah? Mwhehehe.

Ng biglang -_-

Justine Caballero: uy notice me naman Ms. Beautiful.

Justine Caballero: oy ganda pakinotice oh.

Justine Caballero: may aaminin ako.

At yan nanaman siya. Grabi hindi ba siya inaantok? Ts kaya tuwing chat siya ng chat at nagpo-pause nanaman ang pinapanood ko. At diyan palang ako sa mga 15 minutes.

Me: k, go na bilis may pinapanood pa ko duh?

Justine Caballero: ay ang suplada naman nito ang ganda pa naman 😍

Me: ano ba yong sasabihin mo? Bilisan mo na!

Justine Caballero: may crush kasi ako sayo, dati pa. Ah hindi pala type kita.

Ay ang harotttt? Agad agad? Hindi ko naman to kilala tapos hindi namimeet tapos? Ediwow.

Me: ah yon pala? Sige icocontinue ko na pinapanood ko ah bye

At icocontinue ko na sana ang pinapanood ko ng mag chat nanaman siya -_-

Justine Caballero: Ay grabi naman to. Bigyan mo naman ako ng time kahit dito lang. Dito ko lang naman maamin ang pagtingin ko sayo tapos wala ka lang time sakin 😔

Ay JoshuaFeels lang ang peg? Natotorete ganon?

Me: ge na, go na. Mabilisan lang to dahil tatapusin ko pa tong pinapanood ko.

Justine Caballero: meteor garden nanaman ba yan? Yaan mo na yang si Dylan. Chat ka muna sakin ngayon.

At natawa naman ako bigla sa chat niya. Ay? Pano niya nalamab na meteor garden pinapanood ko at si Dylan bias ko? Siguro stalker ako nito noh? Wahh ang feeler ko.

Me: bakit mo naman nalaman kung ano pinapanood ko? Siguro stalker ka no?

Justine Caballero: stalker ako sa puso mo 😉

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon