Kylie's POV
At dahil linggo today, dito nanaman ako sa bahay nina Ruru. Di na kasi kami nagdate sa labas dahil tinatamad na rin akong lumabas. Nag si-sink in parin sa utak ko kung Kuya niya ba talaga si Aljur o hindi. Bastaaaa di talaga maalis sa utak ko ng biglang...
"Wifey? Tulala ka nanaman." Nakangiting sambit sakin ni Ruru at napabalik na nga sa realidad ang aking lumipad na pag iisip tungkol sa kuya niya.
"Hmm? Ano pala yon?" Nakangiti ko rin response sa kanya.
"Ang sabi ko, lutuan po kita gusto mo?" Tanong niya na nagpangiti ng sobra sa akin. Gosh? Lulutuan niya ako? Wah first time may nagluto sakin na lalaki. Yeyyy!
"Sige ba!" Naeexcite na sagot ko sa kanya. "Anong pagkain?" Tanong ko agad.
"Ikaw bahala wifey. Basta yung may stock pa kami dito sa bahay ah." Natatawang sagot nito. Hays naiisip ko na naman...bakit ang swerte ko sa lalaking to?
Agad naman akong lumapit sa kanya na nakatayo at naghahanap ng stocks sa refrigerator nila.
"Pwede bang 'yang sotanghon nalang hubby?" Sambit ko sa kanya at nag-beautiful eyes pa. Wah todo na to! >_<
"O sge, kung iyan ang gusto mo." Sagot niya naman sakin. Wah ang sweet XD
"Yung may sabaw ha?" Sambit ko pa at ngumiti.
"Kiss muna." Nakangiti niyang sagot at nag wink pa ng mata.
Tangineers...bakit ako kinikilig? Wahhh letche! Ge na, to na.
Agad ko naman siyang hinalikan sa lips...pero smack lang ha. Bad yung matagal chos XD
"Maparaan ka din eh." Mabilis ko namang sambit dito at tumawa naman ang loko. Hays bakit ansaya niya? -_-
Umalis muna ako sa kusina at pumunta sa kabinet na malapit sa dining table nila. Kung tinatanong niyo kung ano ang kukunin ko...apron...magluluto rin ako eh. Lulutuan ko rin siya hehe. Bahala na kung anong lasa ang kakalabasan nito. To be honest kasi talaga, hindi ako marunong magluto HAHAHA nanonood lang kasi ako kay Mama pag nagluluto siya pero di talaga ako narunong. Pero sa susunod magpapaturo ako para malutuan ko rin siya ng masarap HAHAHA.
"Pano kaya siya natutong magluto?" Tanong ko naman sa sarili ko at hindi mapigilan ang mapangiti. Puteks kanina pa 'tong mga ngiti na hindi ko mapipigilan lumabas eh -_-
Pagtapos kung kumuha ng apron ay agad na akong pumunta sa refrigerator nila kung may karne ba silang stock. Beef steak lang kasi yung medyo alam kong lutuin haha.
"Wifey? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya sakin pagkita niya na naghuhukay ako sa ref nila XD
"May stock ba kayo ng karne?" Tanong ko.
"Sa freezer...bakit?" Sagot niya naman sa tanong ko.
"Magluluto rin ako para sayo. Di naman pwede ikaw lang magluluto noh." Natatawang sambit ko. "Pero beef steak lang ah, yan lang kasi alam kong lutuin...wag choosy." Dagdag ko pa at natawa naman siya. Ba't ba ansaya saya ng loko? XD
Agad na kong kumuha ng frying pan at nag start ng magluto.
(10 minutes later)
Agad na siyang umalis sa kitchen at pumunta sa dining table. Siguro tapos na yon sa pagluluto.
Habang ako ay nag cho-chop ng kamatis para ilagay sa steak, may biglang yumakap sakin patalikod.
"Bilisan mo wifey...ang tagal naman eh. Nagugutom na ako." Pagreklamo ng taong nakayakap sakin ngayon -_-
"Ito na nga oh, konti nalang matatapos na." Sagot ko naman. "Eh pano ako makakatapos nito ng mabilis kung nakayakap ka sakin." Nakangiting dagdag ko.
"Wifey naman eh, deny ka pa eh gustong gusto mo naman kapag ako ang yayakap sayo sa likod." Nakangiting sambit niya naman.
And ito na tapos na. Agad na siyang humiwalay sa pagyayakap sakin at ako naman ay dumiretso sa dining table nila at nilagay ang steak.
Agad naman akong kumuha ng tinidor at kutsilyo para matikman 'yon. Shems, sana kahit ngayon masarap.
Siyempre ako ang unang tumikim para malasahan ko kung masarap ba ng biglang... "Ang alat! Nuba yan!"
"Ang alat? Tikman ko nga." Sambit niya naman at kinuha ang steak kasabay ng tinidor at kutsilyo at tinikman.
"Ang alat? Di naman ah. Masarap nga eh." Sambit niya naman pagtapos niyang tikman. At kumain pa muli. Shems! Ansarap pala sa feeling na parang ang sarap kong magluto hihi.
"Hindi? Pero ang alat alat ah. Siguro naparami ang paglagay ko ng asin." Sagot ko naman.
"Hindi ah, masarap siya...promise." Sambit niya naman. "Sandali lang ah, kukuha lang ako ng juice." Dagdag niya pa at umalis na.
Ezekiel's POV
"Hindi ah, masarap siya...promise." Sambit ko sa kanya. "Sandali lang ah, kukuha lang ako ng juice." Sambit ko pang muli at umalis na.
Agad na kong dumiretso sa cr para idura ang mga nakain ko sa sobrang alat. Napangiti nalang ako ng hindi ko namamalayan.
"Hay nako wifey, kung hindi ka lang siguro ngayon first time na magluto sakin, ewan ko lang kung makakain ko lahat ng yon." Natatawa kong sambit nalang sa sarili ko at dumiretso na sa ref para kumuha ng juice.
"Ang tagal mo naman hubby...siguro dinura mo yon noh?" Natatawang sambit niya.
"Hindi ah, nagtimpla kasi ako ng juice." Pagsisinungaling ko naman sa kanya at kumuha ng baso.
"Yan tuloy naubos ko na ang sotanghon na niluto mo." Sambit niya pa at napatawa nalang ako.
"Ang bilis mong kumain wifey ah. Masarap akong magluto noh?" Tanong ko naman sa kanya with matching labas dimple na smile. Yan asset ko sa pagpapacute eh XD
"Oo sobra. Nga pala, sinng tumuro sayo magluto?" Tanong naman nito sakin.
"Kay Mama. Bata pa kasi ako nagpapaturo na ko kung paano magluto kaya yan." Sagot ko naman sa kanya at bahagyang ngumiti. "Nga pala, bukas half day lang klase natin kaya samahan mo ko ha? Bukas na dadating si Kuya AJ kasama sina Mama kaya susunduin natin sila sa airport." Dagdag ko pa at parang sumeryoso ang mukha niya na kanina ay nakangiti.
Kylie's POV
"Nga pala, bukas half day lang klase natin kaya samahan mo ko ha? Bukas na dadating si Kuya AJ kasama sina Mama kaya susunduin natin sila sa airport." Sambit niya pa na nagpaseryoso ng nakangiti kong mukha.
Wahhh. Kinakabahan ako dahil baka si Aljur talaga si Kuya niya AJ pero binalewala ko nalang. Bahala na.
"Sige ba." Simpleng sagot ko na lamang at uminom ng juice.
____________
To be continue...
Bukas na makikilala ni Kakai ang kuya ni fafa Ruru guys. Sino kaya ito? ABANGAN...
Votes.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...