Ruru's POV
Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong tinawagan ang boys.
"Musta mga pare?" Pangangamusta ko sa kanila.
"Bar naman tayo mamaya oh!" Pagyaya ni Rocco.
"Bakit? May problema?" Tanong ko.
"Ulol! Pag magba-bar pala, problema agad?" Sagot naman ni Rocco.
"Oo nga. Jaming jaming naman minsan." Sambit ni Joshua. Woah! Parang ngayon lang yan ah!
"Bago yan pare ah!" Natatawang sabat naman ni Rocco.
"Sige kita kita nalang doon mag aala-says na din naman." Sambit ko sa kanila at pinatay na ang tawag.
Agad na'kong nagshower. Habang naliligo ako ay naalala ko ang mga pangyayayari kanina at napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit. Para na'kong baliw na nginingitian ang dumadaloy na tubig sa katawan ko.
"Talagang hulog na hulog na ba ako sa'yo Kylie Nicole?" Natanong ko nalang sa sarili ko pero nakangiti pa'rin. Anak ng tipaklong naman oh! Parang napaglaruan nanaman ako ng tadhana. Lord help me! Ayoko ng mainlove ng totoo muli!
Agad ko ng pinatuloy ang pagligo ko at tsaka nagbihis na.
"Ma, magbabar muna kami ha?" Pagpapaalam ko kay mama para hindi mag alala.
"O sige anak, basta 'wag magpatama ng inom ah! Alagaan parati ang sarili." Sambit sa'kin ni mama.
"Opo naman Ma! Sige po alis na ako." Pagpaalam ko at naghalik sa kanya sa pisnge.
Agad na akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito papuntang Amigos Bar.
Pagdating ko do'n ay doon na si Joshua at Rocco naghihintay.
"Musta naman ang outing niyo ng wifey mo?" Tanong ni Rocco na may malolokong ngiti pa pag upo ko sa sofa ng bar.
"Eh yung Everything I've never done. I want to do with you?" Tanong pa ni Joshua na natatawa rin.
"Aba? Pinagkakaisahan niyo nanaman ako?" Sagot ko rin sa kanila at tumawa.
Agad na naming tinawag ang waiter para maka order na kami.
"A glass of tequila and a bowl of lemon." Sambit ko sa waiter.
"A glass of martini nalang." Sambit naman ni Rocco.
"A glass of gin and tonic for me please." Sambit naman ni Joshua at sinulat na ng waiter ang order namin.
"Eh yung confession pala kamusta?" Tanong ni Rocco sa'kin.
"Eh yung video games musta na pala?" Nakangiting tanong naman ni Joshua.
"Yung confession, mukhang malaking naitulong non sakin. And yung video games, hayy" Huminga ako ng malalim. "Siguro ang video games pass ko na 'yon. Talagang mahal ko ang girlfriend ko eh." Sambit ko sa kanila at yumuko.
Nag tawanan naman ang mga gong gong. -_-
"Anong tinatawa tawa niyo diyan? Talagang ibibigay ko naman ang hinihingi niyo ah." Inis kong sambit sa kanila.
"Eh yung mga sinabi mo dati na maiinlove siya sa'yo ay ikaw pala yung nainlove. Mukang kakainin mo na ngayon lahat ng mga sinabi mo pare." Sambit ng natatawang si Joshua.
"Congratulations pare! Kabilang ka na sa mundo ng mga lover boy! Im so proud of you." Natatawang sambit naman ni Rocco.
"Panu ba yan? 25 days palang nainlove na'ko. Kunin niyo nalang ang mga video games ko bukas." Sambit ko sa kanila at kasabay ng pag inom ng tequila.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...